Slayer 2

235 22 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Kill to Survive" 

Slayer 2

Third Person's P.o.v.

Pagkatapos magpakilala ng dalawang transferee na babaeng sina Persephone at Hagina, lumabas na sila sa classroom ng Section A kasama ang Head Mistress. Naiwan do'n ang katungangang estudyante dahil sa sinabi ni Hagina.

Habang naglalakad ay palihim na napangiti ang Mafia Slayer.

"Mr. Himoto will guide you" sabi ng HeadMistress "Mr. Himoto, these are the two transferee. Hagina and Persephone" tumango ang matandang lalaking kaharap nila at nakipagkamay sa dalawang transferee.

"Pleased to meet you, shall we?" sabay na tumango si Persephone at Hagina at sinundan nila ang naunang Lecturer. Naiwan nila ang Head Mistress sa harap ng Faculty. Umalis na din do'n ang Head Mistress at bumalik sa opisina niya.

Habang naglalakad ay iniisa isa na ni Mr. Himoto ang mga rules and regulation ng University sa dalawa.

"First things first, you need to kill to survive" napatigil si Persephone dahil sa narinig niya. Napatigil nadin ang dalawa niya pang kasama. "Is there any problem Ms. Hernandez?"

"P-p-papatay?" ngumisi ang lecturer at tumango. Hinawakan si Persephone sa kaniyang balikat.

"Sa loob ng Gold-U, walang lugar ang mga mahihina Ms. Hernandez" sabi nito at tinapik ng dalawang beses ang balikat ni Persephone at naglakad ulit. Sumunod naman siya agad dahil baka mamaya'y tamaan na lang siya ng ligaw na dagger.

Alas kwatro na natapos ang paglilibot nila sa buong campus ng Gold-U, pagod na pagod ang dalawang transferee dahil sa lawak ng kanilang nilibutan. Iniwan na sila ni Mr. Himoto sa baklang magsusukat sa kanila para sa uniform.

"Kaloka girl! Sumasakit mata ko sa suot mo!" Napapahiya namang kumamot sa ulo niya si Persephone at bahagyang ngumiti. Umirap naman si Hagina.

"Ano ba? magsusukat ka ba o Mamumula?" Iritang tanong ni Hagina, natigilan ang bakla sa pagtingin kay Persephone at napalingon kay Hagina na naka pamay-awangan

"Taray! Ma-attitude ka ghorl? Transferee ka lang kaya manahimik ka, na-stress kilay ko sayo my ghad! Oh sige! lapit dito para masukatan! Papadala na lang namin sa Dorm niyo para bukas ready na kayo."

Naunang sukatan ng bakla si Persephone at bahagyang natigilan. Tiningnan ng bakla ang inosenteng mukha ni Persephone at bahagyang umiling saka pinagpatuloy ang pagsusukat.

Natapos silang sukatan at sabay na naglakad ang dalawang transferee papunta sa Girls Dorm. Dahil transferee sila ay pinagsama sila sa iisang Dorm. Ang bawat Dorm ay may tatlong kwarto, sa loob nito ay may cabinet at mini table.

Kumpleto ito sa gamit at maihahalintulad mo ito sa isang Five Star Hotel dahil sa ganda at mamahalin ang gamit. Hindi ka na lugi sa ibinayad mo para makapasok ng Gold-U.

Pagpasok ng dalawang transferee, wala silang naabutang taong ka-room mate din nila. Ang sabi kasi kada isang kwarto, tatlo ang estudyante. Inilibot nila ang paningin nila sa loob ng room nila at bahagya silang napanganga dahil para silang nagbabakasyon at pansamantalang tumutuloy sa isang hotel.

Pagkatapos maglibot ng paningin nagpunta sila sa sarili nilang kama. Pag pasok ni Persephone nakita niya ang mga bagahe niya sa tabi, kinuha niya ito. Maayos niyang nilagay sa kaniyang cabinet ang mga damit niya at accessories.

Habang si Hagina naman ay agad humilata sa kama niya at pumikit.

Pagkatapos mag-ayos ng gamit ni Persephone ay lumabas siya ng kwarto niya at naglinis ng katawan at ng Dorm nila. Habang nagwawalis ay biglang bumukas ang pintuan ng dorm nila at iniluwa nito ang babaeng naka suot ng Gold-U Uniform.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Where stories live. Discover now