Slayer 12

159 13 2
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"The Investigation"

Slayer 12

Beatrice's P.o.v.

"Bakit ba ang kulit kulit mo Bea-Bitch? Sapat na ang isang araw na pahinga! Nagamot na naman diba? Ano pang ine-ek-ek mo? Isa pang kontra mo bubudyukan na kita!" Inis akong napakamot sa ulo ko dahil sa konsomisyon kay Hagina.

"Oo na! Ang ligalig mo!" Tinaas niya ang middle finger niya sa'kin at nagmura ng walang boses na mahinang ikinatawa ni Riota. Napa-iling na lang ako at napa-upo sa kasalungat na couch.

Isang araw ng nasa Gold-U's Jail si Pers at hindi pa namin siya nabibisita. Ayokong bumisita baka lalo akong konsensiyahin. Nagdahilan na lang ako kay Hagina na madami kaming ginawa kaninang school works.

Hindi kasi siya nakabisita dahil may sugat siya at buong maghapon lang siya dito sa loob ng dorm kasama si Riota kaya ako ang pinipilit niyang pumunta kay Pers para magtanong ng kung ano ano tungkol sa kaso ni Sir Andrew.

Ilang beses ko na siyang kinumbinsi na 'wag ng ituloy ang imbestigasyon niya pero ayaw pa-awat. Medyo natatakot ako dahil baka may malaman siya. Pag nagkataon, mawawalan na naman ako ng roommate.

Ididispatsya ko na din siya. Para makatagal ako dito, gagawin ko ang lahat. Ang lahat ng magiging hadlang sa'kin ay dapat mawala sa mundo.

Tiningnan ko si Hagina na nakaupo sa couch katabi si Riota. 'Wala ka sanang malaman Hagina.'

Nabaling ang tingin ko sa kamay ni Riota na paunti-unting umaakbay kay Hagina. Busy na ngayon si Hagina sa panonood ng t.v.

"Puputulin ko 'yang kamay mo San Goku, subukan mo'ko" Agad binawi ni Riota ang kamay niya at umayos ng upo saka nag-pout kay Hagina.

"Master Chi naman"

"Tatapyasin ko 'yang nguso mo tingnan mo! Bakit ka pa ba nandito? Gabi na ahh! Mag-a-Akuma Hour na! Sinuswerte ka na ata? Lumayas ka na! Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo"

"Iba ka pa lang masaksak Master Chi ano? Dumadaldal ka. I like that" Malanding sabi nito at kumindat pa.

"Tsk! Ang pangit mo!"

Napangiti ako ng konti. Hindi na snob si Hagina kay Riota katulad noong una. Nagpapakita na din siya ng care sa'min ni Pers. Magandang balita sana kaso nasa loob kami ng Gold-U. Ang magpakita ng pagmamahal o pag-aalala sa isang tao ay ang magpapahamak sa'yo dito sa Gold-U.

Ayokong mawala ka agad Hagina dahil ikaw na lang ang matitira sa'kin kapag nawala si Pers. Pero ang pag-aalala mo kay Pers at ang pagiging matigas ng ulo mo ang papatay sa'yo.

'EEEEEEEEENGK!'

"Oh Akuma Hour na, magsilayas na kayong dalawa tutulog na ako para maaga akong magising bukas. Mag-iimbestiga pa tayo." Hindi kami agad tumayo ni Riota.

Pumayag na akong sumama sa imbestigasyong pa-ek-ek niya. Wala naman akong choice dahil wala akong idadahilan. Alam kong imposibleng mangyari na malaman niya na ako ang salarin pero mabuti na ang sigurado.

Sasama ako sa imbestigasyon niya para malaman kung may progress. Kung meron man, ilalayo ko siya sa katotohanan.

"Ano pang tinutunganga niyo? Layas na!"

"Atat naman ito" Kunyaring inis kong sabi.

"Bye bye Master Chi, see you tomorrow!" Nauna ng umalis si Riota, dumaan siya sa terrace dahil bawal ang lalaki dito sa girls dorm. Nagpumilit kasi siya kaninang umaga na siya na ang magbabantay kay Hagina dito sa dorm.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Where stories live. Discover now