Slayer 6

224 19 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"You're my slave"

Slayer 6

Third Person's P.o.v.

Natapos ang unang gabi ng Akuma Hour nina Hagina at Persephone. Sa kabutihang palad ay nakaligtas sila sa una nilang pakikipagsapalaran sa gabi ng Gold-U.

May mga maliliit na natamo na sugat si Persephone samantalang si Hagina ay gano'n din. May maliit na cut sa kaniyang leeg at nagkaroon ng black eye kaya nag salamin si Hagina na nakadagdag ng astig nito, si Beatrice naman ay may pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan at hindi na makatayo sa kama.

Kagabi, napagpasiyahan nilang sunduin na lang si Bea dahil sa tagal nitong dumating sa usapang lugar. Nakita nila si Bea sa may SciLab na may tatlong kalaban at akmang sasaksakin siya sa likod ng isa. Mabilis kumilos si Hagina at agad napatay ang lalaking muntik ng sumaksak kay Bea.

Ngayong umaga'y hindi pa din bumabangon si Bea dahil sa pagod at puyat sa Akuma Hour. Ilang araw na rin siyang nakikipaglaban para mabuhay at laging puyat at pagod.

'Hindi ata estudyante ang papatay sa'kin, puyat at pagod' reklamo ni Bea sa isip habang nakahilata sa kama at dinadama ang bawat sandali.

Samantala, sina Hagina at Persephone sa labas ng kwarto ni Beatrice ay nag-uumagahan na. Kinuha nila ito sa cafeteria bago sila dumiretso sa dorm.

Apat na oras lang ang naging tulog nila simula ng matapos ang Akuma Hour. Alas siyete na ng umaga at parang lantang gulay si Hagina na kumakain dahil sa puyat na nararamdaman.

Habang si Persephone naman ay masaganang kumakain at hindi alintana ang puyat.

"Ang lakas ng energy mo ahh" walang buhay na puna ni Hagina kay Persephone. Saglit na tumigil si Persephone sa pagkain at nakangiting tumango kay Hagina.

"Mmm.. Habang may pagkain may energy" nakangiti nitong sabi sabay kain ulit. Napa-iling lang si Hagina at sumubo na ulit. Naisip niya, wala din namang gaanong ginawa si Persephone kaya may energy pa ito.

Tumakbo lang naman siya kagabi at umakyat ng puno kaya agad na makakabawi ito ng lakas 

kaysa sa kaniya na nakipaglaban pa. Iniisip din ni Hagina na maswerte itong si Persephone dahil hindi niya na kailangan mapagod sa Akuma Hour.

Napailing na lang siya, hindi ngayon ang oras para isipin kung sino ang maswerte at kung sino ang malas. Kailangan niya ng pahinga. Hindi kasi siya sanay sa pinagsamang pagod at puyat.

Nagba-bar naman siya dati kaya normal lang sa kaniya ang pagpupuyat pero ang mapagod ay hindi. Parang ayaw na niya tuloy pumasok at maghapong magkulong sa kwarto niya.

"Ako na ang unang maliligo!" hyper na sabi ni Persephone matapos kumain. Tinapos na lang din ni Hagina ang kaniyang pagkain at kinatok si Bea sa kwarto niya upang alukin ng almusal.

"Hoy Bea! Kumain ka na! Alas siyete na pati, hindi ka ba a-attend sa klase mo?" tanong ni Hagina at muling kumatok. Hindi naman sumagot si Bea sa kabila at nakatitig lang ito sa kisame.

Tinatamad siyang magsalita dahil pakiramdam niya'y kapag nagsalita siya'y makakadagdag lang ito ng pagod.

Dahil sa mainipin si Hagina ay walang pasintabing binuksan niya ang pintuan ng kwarto ni Bea at tumambad kay Hagina ang malinis nitong kwarto, organisado ang mga gamit. Samantalang ang sa kaniya ay parang binagyo.

Hindi niya pa kasi naaayos ang kaniyang mga gamit, puro tulog kasi ang inatupag niya simula ng dumating siya sa Gold-U.

"Anyare sa'yo? 'Di ka papasok?" tanong nito, hindi siya pumasok sa loob dahil baka madumihan ang makintab na sahig. Marahan namang umiling si Bea. "You look weird bitch"

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora