Slayer 13

138 14 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Hagina Vs. Beatrice"

Slayer 13

Hagina's P.o.v.

"Kain ka na tayo Hagina" Napatingin ako kay Bea at sa pagkaing nasa mesa. Nakangiti ito sa'kin na hindi naman niya madalas gawin dahil lagi niya lang akong iniirapan at sinisimangutan.

"Sige" Lalo pang lumawak ang ngiti niya sa'kin ng maupo na ako sa tapat niya at magsimulang kumain. Pansin ko ang panay sulyap niya sa'kin na hindi ko na pinuna dahil sumusulyap din ako sa kaniya.

"Masarap ba?" Napa angat ako ng tingin kay Bea at tumango habang ngumunguya. Kanina pa kaming nakabalik sa dorm. Hindi na talaga kami pumasok sa klase namin dahil balak ko pa na bumalik at pumunta mamaya sa Gold-U's Jail dahil sa gaganapin na paghatol.

Speaking of paghatol. Humahanap pa ako ng tiyempo para makakuha pa ng matibay na ibedensiya laban kay Bea para mapawalang sala si Pers. I'm not so sure na siya talaga ang pumatay sa science lecturer dahil hindi ko alam kung sino ang iba pang suspect pero malakas ang kutob ko dahil sa pagsisinungaling niya at ilang ebidensiya.

"I have a question Bea" Pagbasag ko sa katahimikan na pumapagitan sa'ming dalawa.

"Shoot" Sabi nito habang busy sa pagce-cellphone niya, habang kumakain ay nagce-cellphone siya. Bagong bili ang cellphone niya, binili namin kanina bago umuwi. Tinapon na din niya ang luma niyang cellphone.

Sayang nga dahil tempered lang naman ang basag. Tanga din ito e.

Agad kong binuksan ang voice recorder ng cellphone ko ng pasimple bago nagtanong.

"Bakit hindi ka nakarating sa meeting place natin noong linggo ng Akuma Hour? Naghihintay kami nina Pers at San Goku doon e. Naalala ko lang dahil hindi mo naikwento o nasabi sa'min" Pinanood ko ang magiging reaksiyon niya.

Natigil siya sa pagce-cellphone at ilang sandali pa'y napatingin sa'kin pero agad din siyang umiwas ng tingin sa'kin at kung saan saan na dumapo ang paningin niya.

Napatingin ako sa kamay niya. Tina-tap niya ang cellphone niya at bahagya niyang ginagalaw ang paa niya na para bang ninerbyos.

"A-Ahh.. you see, hindi na ako naka-attend ng Akuma Hour dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko sa gitna ng laban. Bago pa kasi ako makapunta sa Garden ay tatlong beses akong hinarang. Naisip ko na, bumalik na lang ng Dorm dahil baka ikamatay ko pa kapag dumiretso pa ako. And I... I know naman na kaya mong protektahan si P-Pers e."

"I see. Okay, I'm finish. Tulog lang ako sa couch" Tumayo na ako at naglakad papunta sa couch saka nahiga, kinuha ko ang head phone ko saka pinalsak ko sa tainga ko at kunwaring nagpatugtog.

Narinig ko ang pagliligpit ng kalat ni Bea senyales na tapos na din siyang kumain.

"Hagina-Bitch" Binato niya ako ng maliit na kapiraso ng papel kaya napalingon ako sa kaniya. Akala niya'y nagpapatugtog ako kaya kinailangan niya pa akong batuhin para lumingon ako.

"Yeah?" Kunwaring walang paki-alam kong sabi habang nakahiga sa couch.

"Uhm.. Ugh! Wala" Tumango lang ako at pumikit ng konti kaya nakikita ko parin ang mukha niya. Nanliliit ang mata niya na para bang sinusuri ako. "Tulog ka na ba hagina?" Hindi ako sumagot. Binato niya ako ng maliit na nakayumos na papel na tumama sa noo ko pero hindi man lang ako gumalaw.

Napahilamos siya sa mukha niya at frustrated na tumingin sa akin. May binulong pa siya sa sarili niya na hindi ko narinig.

"Bakit hindi mo sinasabi sa'min o sa'kin ang lead na sinasabi mo Hagi? Bakit mo'ko tinatanong ng mga tanong na may kaugnayan sa pagkamatay ng lecturer?" Hindi ako sumagot dahil alam kong iniisip niya'y tulog na ako.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Where stories live. Discover now