Slayer 3

213 18 3
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Sit with me"

Slayer 3

Hagina's P.o.v.

Sabay kaming lumabas ni Persephone ng dorm pero humiwalay ako ng daan sa kaniya. Bukod sa ayoko ng kasabay, bawal kaming makita ng iba na mag-usap o magkasabay. Gagamitin ko lang naman siya para magawa ko ang mission ko. Bawal ma-attach

Dumiretso ako sa library at kumuha ng libro na gagamitin sa first subject namin, ikinuha ko na din si Nerd dahil mukhang hindi niya naalalang kumuha ng libro. Basta basta na lang kasi siyang pumunta sa cafeteria.

Mamaya na lang ako pupunta sa cafeteria para kumain ng umagahan. Bukod sa umiiwas ako sa ilang estudyante'y tinatamad din akong maglakad. Isa pa'y busog pa ako.

Tumambay pa ako ng ilang minuto dito sa pinaka dulo ng library. Nakakatamad namang pumunta agad sa classroom, paniguradong pag-uusapan na naman ako katulad kahapon na ako daw ang Mafia Slayer tsk!

Kokonti lang ang dumadayo sa library na estudyante, mukhang walang panahong mag-aral ang mga estudyante dito at ang iniintindi lang ay ang makakuha ng points para magka-rank tsk! 'Yung iba nama'y patagong nakikipaglandian lang.

Isa sa pinakinggan ko kahapon sa paliwanag ni Mr. Himoto ay ang pagkakaroon ng ranking dito sa Gold-U. Nakuha nito ang atensiyon ko kahapon, dahil para makasali ka sa ranking ng University, kailangan mong pumatay.

Hindi talino sa mga academics ang batayan para magkaroon ng rank kundi, kakayahan mo sa pakikipaglaban para protektahan ang sarili o kakayahan mo sa pagpatay at pakikipaglaban.

Para makasali sa ranking kailangan mong mangalap ng 'Points'. Ang points na tinutukoy dito ay ang mga buhay ng estudyante. Once na pumasok ka dito, hindi estudyante ang tingin sayo, Kundi isang points na kailangang makuha.

Para mabilang ang napatay mong estudyante, kailangan mong kuhanin ang bawat badge na binigay ng HeadMistress sa bawat estudiyante na nakalagay sa kanilang kaliwang dibdib.

Ang 'Badge' na ito ay hugis at kulay ginto, nakalagay sa loob nito ang pangalan ng may-ari nito. May rule sa pagkuha ng Badge ng kapwa estudyante.

Una ay dapat patay na talaga ang may-ari nito, dahil kapag nalamang ninakaw mo lang ito, ikaw ang mamamatay at ang naipon mong points ay mapupunta sa ninakawan mong badge. Kaya lugi ka kapag nagnakaw ka.

Pangalawang rule, kapag may napulot kang badge at hindi ka sigurado kung patay na ang may-ari nito, pumunta ka dapat sa School Admins para mahanap ang may-ari nito kung buhay pa. Kung buhay pa, ibabalik ang badge sa may-ari. Pero dahil sa kapabayaan ng may-ari, ang kalahati nitong points na nakuha ay mapupunta sa nakakita ng badge niya. Kaya lugi ka kapag burara ka.

Ang badge na ito ay kailangan mong ipunin hanggang sa matapos ang buwan, dahil kapag natapos ang buwan, kinukuha ng mga admins ang badge na nalikom mo at binibilang ito. Para malaman kung ano ang rank mo.

Kada buwan nagkakaroon ng announcement ng ranking para malaman mo kung nanatili ka ba o hindi sa rank mo. Ang badge at buhay ng estudyante ang tinuturing na 'points'.

Ang tawag sa mga marami ng napatay at nasa rank 15 na ay Gold-15. Ang sabi ni Mr. Himoto ay kinakatakutan ang Gold-15 sa buong Gold-U dahil sa madami na ang napatay ng mga ito.

Nang magtanong ako kung sino sino ang mga nasa Top 15 ang sinabi niya lang ay "That's your job to find out" pinaalalahanan din kami ni Persephone na 'wag basta basta babangga ng kung sino dahil baka matiyempuhan daw namin ang isa sa Gold-15.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Where stories live. Discover now