Slayer 7

177 16 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Escape"

Slayer 7 

Third Person's P.o.v.

Naging maaga si Persephone sa pangatlong subject niya ngayong araw. Nakapagbihis na ulit siya ng maayos at maayos na nakapusod na ulit ang buhok niya gamit ang taling hello kitty.

Nagtaka si Hagina dahil ngayon lang ito um-attend ng klase. Kanina niya pa hinahanap si Persephone sa loob ng classroom at nagtaka itong wala pa dahil mas nauna pa si Persephone kaysa sa kaniya.

Gusto sanang magtanong ni Hagina ngunit dumating na ang pangatlo nilang guro kaya natahimik na lang siya sa upuan niya at mataman na nakinig sa Lecturer na nagdi-discuss na.

Mabilis na natapos ang pangalawang araw nila bilang estudyante ng Gold-U. Pinuntahan nga ni Persephone si Linton no'ng lunch break at 30 minutes break. Pinabili lang siya ni Linton ng pagkain. Sumabay na din siya ng lunch kay Linton at sa dalawa pang kaibigan nito.

'Mabait naman ang kaibigan ni Linton pero gaya ni Linton ay may lahing pagkamayabang din ito.' Ayon sa pagmamasid ni Persephone.

Agad sinundo ni Persephone si Linton pagkatapos ng huli nilang asignatura. Pinahawak lang ang bag nito sa kaniya at sinundan ang mga kaibigan ni Linton sa paglalakad.

"Hey sweetie! pati akin pakidala" sabi ng isa sa kaibigan ni Linton kay Persephone. Natural black ang buhok nito, may pagka adik din tingnan pero kwela siya at masarap kausap. Pero gaya kay Linton, ang hitsura nito'y dagdag points sa mga babae dahil para sa kanila ito'y cool tingnan. Akmang ibibigay na ng lalaki ang bag kay Persephone ng pigilan ito ni Linton.

"Find your own slave dude! She's mine!" napasimangot ang lalaking tumawag kay Persephone ng 'sweetie' na ang pangalan ay July. Napatawa naman si Sean at Linton sa reaksiyon ni July.

"Aish! bet ko sana 'yung hot na chikababes na transferee kaso naunahan na ako ehh" patukoy ni July kay Hagina. Tinawanan lang siya ni Sean, si Sean ay inosente tingnan. Wala siyang abubot sa katawan katulad ng hikaw at tattoo pero may pagka mayabang at tahimik din minsan.

Habang si Persephone ay tahimik lang na nakasunod sa kanila. Malalim ang iniisip nito patungkol sa pamamalagi niya sa Gold-U. Hindi na alintana sa kaniya ang mapangkutya na tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga estudyanteng nakakasalubong nila.

"Problema ba 'yon? edi agawin mo! Gamitin mo ang pagiging rank 20 mo! Tsk!" iling iling na sabi ni Linton. Napakamot naman si July sa ulo at may tinuro kaya napatigil sila sa paglalakad pati na din si Persephone at sabay sabay na napatingin sa tinuro ni July.

"Pare talo ako sa Rank 8, nabingwit agad ehh ohh!" turo nito sa masayang lalaking may dilaw ang buhok at may piercing na may subong lollipop habang nagkwekwento kay Hagina na naka Head Phone.

Naalala ni Persephone na ito ang lalaking kasama ni Hagina kagabi no'ng Akuma Hour. Narinig niya din itong tinatawag na 'San Goku' ni Hagina at ang lalaki naman ay tinatawag si Haginang 'Master'.

Makakasalubong nila ang dalawa.

Napailing na lang si July at Sean habang si Persephone ay nakatingin lang kay Hagina na bored na bored na naglalakad.

Palihim na napangiti si Persephone dahil sa nakitang boredom sa mukha ni Hagina at hitsura nito. Nagmumukha lalo itong astig.

"Makupad ka kasi" sabi ni Linton at nilingon si Persephone "Tingnan mo ako, nakakuha agad ng masunuring alalay" proud na sabi nito habang nakatingin kay Persephone na nakatingin kay Hagina.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Where stories live. Discover now