Slayer 4

199 16 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"I don't care about the rule, I have my own rule"

Slayer 4

Hagina's P.o.v.

Kung meron man akong choice mamaya sa Akuma Hour, ang papatayin ko agad ay si Zeus. 'Yung lalaking muntik na akong masuntok. At ang lalaking kwinelyuhan ako.

Nadinig ko lang sa mga kaklase ko, na ang lalaking 'yun pala ay President ng Supreme Student Council. Mainit ang ulo niya dahil sa napagalitan daw ng chairman at sa akin pa talaga binuhos ang galit niya!

Isa din daw ang Zeus na 'yon sa Gold-15 at rank 2 daw ito. Kaya wala akong choice dahil mas mataas pa siya sa'kin.

Magpapa-rank muna ako bago ko siya targetin, madami dami narin siguro ang naipon niyang points dahil Rank 2 na siya. Ang sabi kasi ni Mr. Himoto kapag nakapatay ka, ang naipong points ng napatay mo ay mapapasayo.

Nakabusangot habang nakacross arm akong naka-upo dito sa likuran nina Pers. Dinala ko si Pers sa kanina sa clinic para mapagamot 'yung pisngi niyang namumula at nagdugo niyang ilong.

Pagbalik namin, 'yung gamit ni Pers ay nasa tabi na nung Zeus at 'yung akin ay nasa lapag lang kaya sobra ang pang gigigil ko. Ang nangyare, ako lang ang mag-isang kumuha ng upuan ko at nilagay sa likod nina Pers.

Sasamahan sana ako ni Pers kaso pinigilan siya nung potanginang Zeus 'yan!

Nakabalik na ang Adviser namin, nagpatuloy siya sa pagdi-discuss at wala man lamang nagsabi sa kaniya tungkol sa nangyari. Para ngang walang nangyari ehh! Tsk!

Dismissal na, nag-uunahang lumabas ang mga kaklase ko. Ang natira na lang sa loob ay ako, Umalis na ang kupal na si Zeus. Si Pers naman ay tiningnan muna ako, pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi nga sabi kami pwedeng sabay na kumain.

Kaya umalis na siya.

Wala akong ganang makipagsiksikan sa cafeteria, mamaya na lang ako kakain. Pag-uusapan lang din pati ako ng mga estudyante. Kinuha ko ang aking Head Phone at pinalsak sa aking tainga't nagpatugtog. Naka-cross arm akong napapikit sa pwesto ko.

Maya maya'y may naramdaman akong taong pumasok sa classroom namin at umupo sa harapan ko. Nagmulat ako ng mata at tama nga ako.

May nakaupong lalaki sa tapat ko, gamit niya pa ang upuan ni Pers paharap sa akin. Titig na titig siya sa akin habang nakapatong ang dalawa niyang siko sa lamesa ko at nakapahalumbaba.

Kulay dilaw ang buhok niya at may piercing siya. Mayroon din siyang maliit na hikaw sa labi niyang mapula na parang nilagyan ng lipstick. Hazel brown ang kulay ng mata niya at may kaputian.

"You're creepy" puna ko sa kaniya dahil hindi man lang siya kumukurap habang nakatitig sa akin. Ngumiti siya ng malaki at may kinuha sa likod niya. Nilagay niya ang kinuha niya sa likod niya sa mesa ko.

Pagkain 'yon, halatang galing sa cafeteria. Nasa loob ng tapper ware at naka-plastic pa.

"Are you planning to poison me?" nakataas na kilay kong tanong at inalis ang headphone sa tainga ko. He chuckled, pero walang tunog. "Well, that won't work" sabi ko at inisod ang pagkain papunta sa kaniya.

Hindi ako tanga para agad kuhanin ang pagkain na 'yon at kainin. Dito sa Gold-U lahat ng nagpapakitang mabait ay may hidden agenda. Bawal ang lubos na pagtitiwala, bawal makipagkaibigan dahil baka sila pa ang pumatay sayo sa huli at gamitin ka lang para makuha ang gusto nila.

Sinenyasan niya ako na kainin ko daw ang dala niya dahil masarap daw 'yon. Hinimas himas niya pa 'yung tiyan niya. Napailing lang ako sa ginawa niya dahil mukha siyang tanga.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Where stories live. Discover now