Epilogue

1.8K 35 0
                                    

Epilogue

Tahimik lang akong nakatingin sa cellphone na hawak-hawak ko, nakayuko at tahimik din na humihikbi. Nandito ako ngayon sa waiting shed, hinihintay si Harris. 

Umangat ang tingin ko nang makitang may kotse na tumigil sa gilid ng waiting shed. Bumukas ang pintuan ng driver seat at nakita kong nagmamadaling lumabas doon si Harris. At dahil sa pagmamadali niya kaagad siyang nakapunta sa harapan ko. 

"What happened?" Agad na tanong niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Para akong bata ngayon na umiiyak sa harapan niya na tila nagsusumbong. 

"Pwede ba tayong umalis dito?" Basag na boses na tanong ko sa kanya. Napasinghap muna siya tiyaka marahan na tumango. 

Inalalayan niya ako papasok sa itim na kotse tiyaka siya umikot para pumasok na rin. Marahan kong nilagay ang seat belt tiyaka tahimik na umiiyak, naramdaman ko ang pagpapandar ni Harris sa kotse habang tahimik na sumusulyap sa akin. 

Ilang buwan na rin kaming hindi masyadong nag-uusap ni Harris kaya hiyang-hiya ako sa kanya na naistorbo ko siya ngayon. Wala na akong maisip na pwedeng tawagan kung hindi siya, medyo malayo kasi ang bahay nina Jov sa amin at gabi na rin. 

Ang sakit lang ng nalaman ko ngayong gabi, sa mismong anniversary pa talaga namin. Kaya pala pamilyar na ang mukha niya sa akin noon ay dahil may pagkakahawig sila ni tito. Akala ko ayaw niya lang sabihin sa akin kung sinong ama niya dahil baka may iba ng pamilya pero mali ako dahil ama niya rin ang ama ni Richelle. Kaya pala may kamag-anak siya sa Albay. 

Nanlulumo ako sa mga bagay na naiisip ko. Nagtagal kami ng isang taon ng hindi man lang namin kilala ang isa't-isa o ako lang… dahil simula pa lang kilala na niya ako… siya lang ang hindi ko kilala. 

Kaya pala hindi masyadong big deal sa kanya na hindi ko sabihin sa kanya kung anong nagawa ko noon dahil alam na niya. Ang tanga ko para hindi mapansin at pagdudahan iyon, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na ilusyon. 

Ngayon na nga lang ako nagmahal ng ganito pero nasaktan pa ako ng ganto. Siguro nga ito na ang pagbabayad sa kasalanan na ginawa ko. 

Napatingin ako sa paligid ng huminto ang sasakyan. Hindi ko man lang namalayan ang biyahe namin dahil sa lalim ng iniisip ko, napakunot ang noo ko nang mapansin kong hindi pamilyar ang lugar na iyon sa akin dahil hindi man ako umiikot sa Baguio, nag-ikot lang kami ni Ryden kanina sa mga tourist spot. 

"Let's go?" Anyaya ni Harris. Naguguluhan kong inalis ang seat belt tiyaka binuksan ang pintuan. 

Tumingin ako sa paligid at makikita ko mula rito ang mga ilaw ng mga bahay o ang city lights na tinatawag nila. May mga malapit din na bahay ang malapit sa lugar na pinuntahan namin, parang espasyo lang ito ng mga bahay. 

Inalalayan ako ni Harris para maupo malapit sa may bangin, may semento kasi roon para maupuan, nakaharap kami ngayon sa city lights. Parang nabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil sa nakikita ko. 

Pero hindi agad mapapawi ang sakit na nararamdaman ko ngayon. 

Ilang segundo ang katahimikan ang binigay sa amin ni Harris bago siya tumikhim. 

"Glad that you called me." He said. 

"Thank you," I whispered. 

Dahil may mga tao talaga sa buhay natin na kahit wala pa silang sinasabi o ginagawa basta nandiyan lang ang presensya nila gumagaan kahit papano ang nararamdaman natin. Naipaparamdam nila na hindi pa rin tayo nag-iisa kahit na mukhang pinagkakaisahan na tayo ng tadhana. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now