Chapter 23

1K 33 4
                                    

Chapter 23

Nag-stay lang naman ako sa bahay sa loob ng isang linggo, wala rin kasi akong pupuntahan. Sinabi sa akin ni Ryden na nagkaroon sila ng biglaang outing ng mga kamag-anak niya sa isang beach resort sa loob ng isang linggo. Hindi niya rin inaasahan na may plano palang ganon kaya hindi siya nakatanggi. Ayos lang sa akin dahil naiayos ko pang mabuti ang mga papasyalan namin. At hindi naman porket sa loob ng dalawang buwan ay magkasama kami araw-araw. May kanya-kaniya rin kaming buhay. 

"Oh wala ka bang plano ngayon?" Tanong ni mamita nang nag-almusal kami. Mamaya na babalik sina Ryden sa tinitirhan niyang bahay. 

"Wala po, baka po sa Miyerkules." Tumango siya sa sagot ko. Hindi ko muna yayain si Ryden bukas dahil baka pagod pa siya sa outing nila. Lagi nga niya akong in-update sa mga ginagawa nila.

"Sinong kasama mo?" Dagdag na tanong ni lola, naiilang ko silang tiningnan ni tita. 

Hindi pa sila kumakain dahil mukhang hinihintay ang sagot ko, seryoso silang nakatingin sa akin. Nang tumaas ang isang kilay ni mamita ay marahan akong umubo, parang may bumara kasi sa lalamunan ko sa titig nila sa akin na napakaseryoso. 

"Si Ryden po." Hindi bumaba ang nakataas na kilay ni tita sa halip ay kumunot pa ito. Samantala, si lola ay bakas ang pagtataka. 

"Emergency ulit sa business?" Hindi ko alam kung ako lang pero ramdam ko ang pagiging saracstic ni tita nang tinanong niya iyon.

"Ah. Hindi po. Ahm." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila. Alam kong sinabi ni Ryden na nagbakasyon siya rito para sa akin pero hindi na siguro mahalagang sabihin pa kina tita na ginawa niya iyon para sa akin diba? "Magbabakasyon lang po siya rito."

"Oh? Ilang days siya?" Kalmado ang pagkakatanong ni lola na para bang ayos na sa kanya kumpara noon sa huling pagkikita nila ni Ryden na halos sungitan niya. 

"Two months po siya rito." Napaubo si mamita kaya agad niyang kinuha ang baso niya na may lamang tubig para inumin. Napakagat ako sa labi ko dahil alam kong ramdam ni mamita na may kakaiba. 

"Ang tagal non ah." Casual na komento ni mamita sa sagot ko pero kahit casual lang iyon alam kong nagdududa na siya sa aming dalawa ni Ryden. 

Kahit wala namang dapat pagdudahan. Magkaibigan lang kami, iyon ang totoo. Pero bakit kinakabahan ako?  Dahil ba unti-unti kong inaamin sa sarili ko na baka pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa?

"Naka hotel ba siya? Kamahal ng gagastusin niya." Lola said. Hindi niya nalang siguro pinapansin ang tingin at pananalita ni mamita dahil alam na niya iyon. 

"Ah may kamag-anak po sila rito." 

"Oh talaga?" Hindi ko alam kung pagkamangha o sarkastiko ang boses ni tita. "Sino raw? Tinanong mo? Baka kakilala natin." Pagpapaliwanag niya pero marahan akong umiling. 

"Hindi po eh." Tiyaka hindi niya iyon sinabi sa akin or baka hindi naman din mahalaga sa kanya dahil baka malayong kamag-anak niya na ang mga sinasabi niya. 

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami ni lola sa sala para manood ng TV. Syempre, pinainom ko rin ng gamot si lola dahil baka makalimutan pa niya. Habang nanonood siya ay nag scroll lang ako sa social media accounts ko. Bahagya akong nagulat nang mag call si Jov sa akin, tiningnan ako ni lola tiyaka ko pinakita ang screen ng phone ko sa kanya. 

"Sagutin ko lang po tawag ni Jov." I said. Nang tumango siya ay sinagot ko na tiyaka tumayo para lumabas, may maliit na duyan kasi sa may tapat kaya naupo ako roon. 

"Napatawag ka?" Pambungad ko sa kanya, kita ko ang pag nguso niya mula sa kabilang linya. 

"Eh. Nakakabored kasi, wala akong magawa tas wala rin akong makausap. Hindi ka nagrereply sa mga chat ko kaya nung nakita kong online ka ay tinawagan na kita." Tuloy-tuloy na kuwento niya. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें