Chapter 10

1.1K 42 10
                                    

Chapter 10

Ilang araw na ang lumipas simula nang gabing iyon. Pero hindi ko pa rin alam kung anong ang dapat kong gawin. Yes, we're still communicating. Parang hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakakausap, parang may kulang.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Bulong ni Jovy sa tabi ko. Hinihintay namin ang professor namin. Ten minutes na siyang late, kapag fifteen minutes wala pa siya ay pwede na kaming umuwi. "So anong meron?" Marahan niyang binangga ang balikat ko habang nakangisi.

Hindi ko alam kung sasabihin ko na sa kaniya na umamin sa akin si Ryden. Pero kung aamin ako, mapepressure lang ako dahil botong-boto siya kay Ryden. Not that I don't like him-I actually like him pero parang gusto ko lang ng isang opinyon na hindi bias.

"Ah. Wala. Inimbita pala tayo ni Ryden na manood ng basketball game nila." Thursday ngayon at kagabi ang laro nila, pasok sila sa Finals. Kalaban ulit nila ang SAMCIS, ayon sa kaniya.

"Aywee? Kailan daw?" Excited na tanong nito at napaayos pa siya ng upo. Minsan nga tinatanong ko siya tungkol sa basketball, may alam talaga siya sa basketball siguro dahil palagi siyang nanonood.

"Sa Sabado na. Finals." Tumili-tili pa siya tiyaka kinuha ang cellphone niya, pinakita niya sa akin ang conversation nila ng boyfriend niya tiyaka siya nag type. Iniwas ko ang tingin ko dahil privacy nilang dalawa iyon.

"Paalam muna ako sa jowa ko." Sambit niya habang nagtatype. "Pero kahit hindi siya pumayag, gora ako siz!"

"Hala. Huwag! Baka mag-away kayo." Ayokong mangyari iyong nangyari sa nakaraan na may malalang away na naganap dahil sa akin.

"Sus! Hindi iyan. Tiyaka kung hindi man siya pumayag, bakit? Wala ba siyang tiwala sa akin? Tiyaka hindi kita papayagan na um-attend mag-isa. Wala ka pa naman masyadong kakilala rito!" Somehow, I appreciate her concern. Jovy is so pure, I'm glad she's my friend but will she still consider me one if I tell her my darkest secret?

"Basta sabihin mo sa akin kapag hindi siya pumayag, manonood nalang tayo hanggang second quarter tas uuwi na." Nag-aalala pa rin ako, matigas ang paniniwala ni Jovy, kung anong gusto niya, gusto niya. Kaya kinakabahan ako baka ako pa maging dahilan ng pag-aaway nila.

Kaya kong manood ng mag-isa pero syempre ang awkward lang lalo na sa University nila, literal na wala akong kakilala kung hindi si Ryden, Joaquin at Khalil.

"Aysus. Papayagan ako ng jowa ko. Huwag mo siyang intindihin." Paninigurado niya sa akin. "Syempre susuportahan natin ang boyfriend mo para manalo sila sa finals." Kinindatan pa niya ako bago binalik ang tingin sa cellphone niya.

"Hindi ko siya boyfriend." Pagtatama ko sa sinabi niya.

"Nyenye. Whatever you say. Doon din ang punta non." Nagmakeface pa siya tiyaka ngumiti habang nagtatype. "See? Pumayag siya, sunduin niya raw ako pagkatapos." Sabay pakita niya ng conversation nila ng jowa niya.

Jovy is like an open book. Hindi siya nahihiyang sabihin ang pagkakamali na nagawa niya o ikuwento ang buong buhay niya. Wala naman daw masama kung nakagawa siya ng mali sa nakaaran basta natuto. I wish I had courage like her-to move on.

"Hala ang daming estudyante!" Jovy noticed. Sinundo kami ni Ryden kanina, pagkatapos ay ginamit niya si Joaquin para makapasok kami. Pwede naming ibigay ang ID namin sa guard para bigyan kami ng visitor pass, kaso sabi ni Ryden hassle raw mamayang uwian kapag kukuhanin.

May naka reserve din na dalawang upuan para sa amin ni Jovy na malapit sa court. Nagbihis na si Ryden kaya iniwan muna niya kami rito. Malaki ang gymnasium nila at nagsisimula na itong punuan ng mga estudyante. Nagsimula na rin umingay sa gymnasium, kulay dilaw at maroon ang mga balloon ng dalawang team.

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu