Chapter 25

1K 28 3
                                    

Chapter 25

Hindi ko pinansin ang mga calls at text ni Ryden pag-uwi ko. Pagod lang akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko. In-airplane mode ko pa ang cellphone ko para hindi ako matempt na magreply sa mga message niya. 

Lumabas lang ako ng kuwarto nang kumatok si mamita para kumain na. Tahimik lang tuloy akong naupo sa hapag habang nagkukuwento si lola tungkol sa mga kumare niya o kaya ay sa napapanood niya na teleserye. 

"Dumaan ka raw sa restaurant kanina?" Pagtatanong ni mamita sa akin, umangat ang tingin ko para salubungin ang titig niya. Nakatingin siya sa akin ng deretso na parang sinusuri ang bawat kilos ko. 

"Ah opo tita, sa Resto kami kumain." Parang balewala lang sa akin iyon nang sumagot ako para hindi madagdagan ang pagdududa ni mamita base sa tingin niya. 

"Mukhang hindi ka masaya, may nangyari ba sa lakad niyo?" Napaiwas ako ng tingin kay mamita, napakalakas talaga ng pang-amoy niya. Kaagad na dumapo sa akin ang tingin ni lola na nag-aalala.

"Ah? Wala naman po. Pagod lang po ako." Ngumiti ako ng pagod, hindi ko na kailangan pekein pa iyon dahil pagod talaga ako sa sagutan namin ng linya ni Ryden kanina. 

Tumango-tango si mamita tiyaka pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ay nag-usap sila ni lola tungkol sa business, lalo na yung inasikaso nila kanina ni tito Jude. Nagbabalak na talaga si mamita na magtayo ng branch sa ibang lugar. 

Pagkatapos ng dinner namin ay pumasok na ako sa kuwarto para makapaghilamos na at makatulog na rin. Parang na drain ako sa araw na ito. 

Kinabukasan ay tinulungan kong magdilig si lola sa mga halaman niya sa tapat. May maliit na garden kasi siya rito, libangan na niya ang pagdidilig mga rosas t'wing umaga. 

"Wala ka bang lakad ngayon?" Nakangiting tanong niya. Kanina pa sa breakfast namin ni mamita niya tinatanong kung may lakad ba ako ngayon. 

Marahan akong umiling habang hawak ang hose. Paano ako magkakaroon ng lakad kung iyong nag-iisang tao na nasa tabi ko ay pinagtabuyan ko? 

Pero gaya nga ng sabi ko, hindi ko dapat pagsisihan iyon dahil para rin sa kanya ang ginawa ko. Gusto kong makita siyang masaya sa babaeng karapat-dapat sa pagmamahal niya. Hindi para sa akin ang pagmamahal niya, hindi para sa babaeng katulad ko. 

Hanggang ngayon ay hindi ko inalis ang pagkaka airplane mode ng cellphone ko dahil tinatadtad talaga ako ng calls and message ni Ryden. Nagbukas ako ng messenger para makita ang ganap kay Jov pati na rin kay Harris. 

Binlock ko muna pansamantala si Ryden sa messenger dahil sigurado ako na iyon ang pasasabugin niya sa oras na makitang online ako. 

Masaya kong binabasa ang mga message ni Jov, magkachat pa kami hanggang sa biglang nag pop sa screen ko si Harris. 

Harris Francis Pascua wants you to join a video chat.

Kumunot ang noo ko dahil madalang lang hindi magsabi si Harris t'wing tatawag siya. Agad ko iyong sinagot dahil baka emergency. 

Pero kaagad na sumilay ang malawak na ngiti sa labi ko nang bumungad ang pagmumukha nilang dalawa ni Jelay. 

"Ate!!" Sigaw na tawag sa akin ni Jelay habang kumakaway. Kumaway rin ako sa camera, namiss ko tuloy lalo ang makulit na batang ito. 

"Jelay!!" Pagtawag ko sa kanya gamit ang pambatang boses ko. I heard Harris chuckled from the other line. 

"Miss na kita ate!" Nakangusong sambit pa nito. Parang siya ang may hawak sa cellphone ni Harris pero nakaalalay doon si Harris para hindi mabitawan siguro ng bata. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Onde histórias criam vida. Descubra agora