Chapter 28

1K 27 0
                                    

Chapter 28

"Uy nagyaya si Mark manood ng basketball. G ka ba?" Pagtatanong agad sa akin ni Jov nang makalabas kami sa classroom kung saan ginanap ang last exam namin sa prelims. "Hindi ka pa niya nakikilala sa isang taon nating magkaibigan." Nakangusong dagdag niya habang nakapalupot ang braso niya sa akin.

Ang dami pa pala naming hindi nagagawa ni Jov na magkasama kahit isang taon na kaming magkaibigan dahil sa takot ko. Na baka ma-attach akong masyado sa kanya pero magkakaroon din ng katuldukan ang pagkakaibigan namin katulad nalang ng nangyari sa amin ni Richelle. 

They say break up hurts but do you know how it feels to lose your best friend? 

"Saan? Hindi ako mahilig sa sports." Hindi ako ganon ka-sporty na tao kaya wala rin akong alam tungkol sa sports, hindi rin ako mahilig manood. 

"SLU vs UC." Nakuha niya ang atensyon ko habang naglalakad kami papunta sa apartment, sabi niya kasi ay tatambay muna siya sa apartment ko kaya pumayag ako. Wala rin akong kasama, bumisita sina lola sa kamag-anak nila ni Jelay. 

"Harris invited me to watch their game." Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Jov dahil sa sinabi ko. Para bang alam na niya na matutupad ang imagination niya na magkasama kami. 

"Ayon naman pala! Edi, watch tayo?" Kilig na sambit niya tiyaka ako hinila para magpatuloy sa paglalakad. "Teka nga, hindi ba sila magkalaban niyan ni Ryden?" Sa pagkakaalam ko kasi, extra lang ata sina Ryden dahil hindi sila official na na varsity player ng university. 

"Extra lang siya," sagot ko sa kanya tiyaka binuksan ang apartment, agad siyang naupo sa sofa ng pabagsak kaya naupo na rin muna ako. 

"Ay bangko lang si master?" Natatawang tanong niya na tila inaasar si Ryden. "Ay oo nga pala, kasama natin yung pinsan ko. Yung naikuwento ko sa'yo na sa UC nag-aaral." She explained. Tumango ako, ayos na rin iyon para hindi ako masyadong magmukhang third wheel sa kanilang dalawa ng jowa niya. 

"Ayos lang, siya lang ba?" Baka may kasama rin siyang jowa Napangiwi ako ng maisip ko na magiging fifth wheel ako. 

"Meron," Ngumuso ako sa sinabi ni Jov. "Pero mga nasa libro, boang iyon." Napailing na lang ako habang natatawa. Harsh talaga itong si Jov.

Kulay brown na hoodie, pants at boots lang ang suot ko. Kinuha ko na rin ang sling bag ko, hintayin ko nalang si Jov sa waiting shed. Sabi ko kasi kay Ryden ay mauna na siya dahil baka malate pa siya dahil sa aming dalawa ni Jov. Mabagal pa naman kumilos si Jov at alam ko na kapag alas otso ang sinabi niyang oras ay alas nuebe kami magkikita.

"Oh ano, tara na? Nasa Igorot Park na si Mark." Jov said, bumaba pa talaga siya sa may waiting shed dito sa Guisad e pwede naman na kaming magkita-kita sa town. 

"Tara na, baka wala na tayong maupuan." I said, malamang marami ring manonood lalo na at Sabado, ilang oras lang ang klase ng ilan at walang pasok ang karamihan. 

Sumakay na kami ng jeep papunta sa town, kanina pa raw naghihintay si Mark sa Igorot, hindi siya makareklamo dahil girlfriend niya ang late. Sabi ni Jov ay hindi na raw dapat kami mag-alala sa upuan dahil nandoon na ang pinsan niya. 

"Hi, Crsytal." Bati ni Mark tiyaka ako tinanguan, naiilang akong ngumiti sa kanya. "Akala ko nag-ilusyon lang ang girlfriend ko na may kaibigan siya. Totoo ka pala." Pang-aasar ni Mark kay Jov agad siyang hinampas ni Jov.

"Anong akala mo sa akin? Baliw?" Natawa ako sa relasyon na meron sila, para lang silang magkaibigan kung mag-asaran. 

Yung amin kasi ni Ryden, masyado siyang seryoso ganon din naman ako. Minsan nang-aasar siya pero madalas seryosong bagay ang pinag-uusapan namin. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now