Chapter 27

1K 26 0
                                    

Chapter 27

Pagkatapos ko siyang sinagot, noong araw ding iyon ay pinaalam namin kina mamita at lola kung ano man ang namamagitan sa amin. Kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Ryden noong araw na iyon kaya wala akong halos ginawa kung hindi titigan ang mga mata niya. Ang mga ngiti sa mga mata niya ang nag-uudyok sa labi ko para kumurba. 

"Ayos lang naman si Ryden pero hindi ka man lang nagpaalam sa amin bago mo siya sinagot." Nagtatampong wika ni tita habang nag-almusal kami. 

"Biglaan lang din po iyon mamita." Kasi nang araw lang din iyon ako nagkaroon ng lakas ng loob para sagutin siya. "Kasi natatakot din po ako, baka mali na naman ang magawa kong desisyon." Pero noong nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Ryden? Hindi ko pagsisihan ang desisyon na ginawa ko. 

"Pero apo, alam ba niya?" Maingat ang pagkakatanong ni lola, natigilan ako sa pagkain dahil don. Tumikhim si mamita na mukhang alam na kung ano ang sagot ko kay lola, sa tingin pa lang niya sa akin ay pinapahiwatig na niyang hindi ko sinabi kay Ryden. 

"Hindi pa po," bakas ang gulat sa mukha ni lola base sa pag-awang ng kaniyang bibig. 

"Ba-bakit? Paano?" Nalilito niyang tanong at sa boses na gamit niya ay may bahid ito na pag-aalala. 

"Wa-wala pa po akong lakas na sabihin sa kanya." Matalim ang pinukol na tingin sa akin ni mamita na tila hindi nagustuhan kung ano man ang isinagot ko kay lola. 

"Kailan ka magkakaroon ng lakas ng loob? Kapag nalaman na niya? Kapag hindi niya natanggap ang nalaman niya? Kapag nasaktan ka na?" Tuloy-tuloy na tanong ni mamita, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para masagot isa-isa ang mga tanong. 

Pero kung iintinidihin kong mabuti, may punto kung ano man ang tinanong niya sa akin. Hihintayin ko ba na malaman niya mula sa iba at may posibilidad na magkabatuhan kami ng masasakit na salita o magkakaroon akong lakas ng loob para sabihin sa kanya? 

"Hindi niya talaga alam?" Bakas ang lungkot, awa at pag-alala sa boses ni lola. "Akala ko ay iyon na ang pinag-awayan niyo noong nakaraang buwan na sinusuyo ka niya. Akala ko alam na niya at tanggap ka niya." Nahimigan ko ang kaunting pagkadismaya ni lola dahil don. 

"Hindi niya po alam iyong ginawa kong kasalanan pero alam niya po na may ginawa akong kasalanan na maaring makasira sa amin." Pagsabi ko ng totoo. Marahan akong tumingin kay mamita para salubungin ang titig niya pero napaiwas agad ako sa talim nito. "Sabi niya, naintindihan niya po. Kaya niyang maghintay hanggang sa maging handa ako." Pandagdag ko dahil mukhang naghihintay pa siya kanina na sasabihin ko. 

Mabait si mamita pero hindi mo siya gugustuhin kapag ganito na ang mood niya. Minsan nga naisip ko na pwude siyang maging abogado, meron sa mga titig niya na mapapaamin ka ng wala sa oras, na para bang sinasabi na ng mga mata niya na alam niya ang totoo kaya hindi ka na dapat pang magsinungaling. May kung ano rin sa pag-obserba niya dahil agad niyang malalaman kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi.

"Oh kailan ka nga magiging handa? Kapag magkakasikatan na kayo ng sobra?" Napayuko ako habang pinaglalaruan ang kutsara at tinidor. Hindi ko rin alam kung ano ang saktong sagot sa tanong ni tita. 

"He's okay even if I won't tell him." Iyan ang sinabi niya sa akin at palagi niyang sinasabi para magkaroon lang ako ng peace of mind. Palagi rin akong pinapaalahan ni Ryden na huwag kong masyadong mag overthink sa future sa halip ay gawin namin ang makakaya namin para maging maganda ang kasalukuyan at makaapekto ang kasalukuyan sa maayos na kinabukasan. 

"Ang selfish mo naman, Crsytal Gem." Sambit ni tita bago sumubo ng pagkain niya. Pagkatapos niyang kainin iyon ay nagsalita pa ulit siya. "Ikaw ang pamangkin ko, oo. Pero masyadong selfish iyan. Hindi porket lagi kang iniintindi ng tao ay aabusuhin mo na." Nasaktan ako ng kaunti sa sinabi ni mamita pero alam ko naman ang pinupunto niya.

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now