Timeless II: 04

1.3K 105 9
                                    

Kit’s POV

“Yuki!” namumulang sigaw ko kay Yuki na ngayon ay tinatalian ang buhok ko.

Nagmumukhang babae na ako nito.

Patuloy lang sa pagtali si Yuki sa buhok ko hanggang sa matapos na ito. Dahil medyo mahaba na rin ang buhok ko ay natalian niya ito ng ibat-ibang kulay.

“Done, ang cute mo,” namumulang puri ni Yuki kaya napatawa ako.

Ginulo ko ang buhok niya. “Salamat. Ikaw na naman ang tatalian ko.” Bago pa man siya umayaw ay pinaupo ko na siya sa harap ng salamin at sinimulang suklayin ang buhok niya. Namumula lang ang mukha niya habang nakaiwas ng tingin sa akin.

“Ta-da!” masayang sigaw ko habang nakatingin kay Yuki sa salamin. “Ang cute mo!”

“T-Teacher...” nahihiyang sambit niya habang namumula kaya tumawa ako nang mahina saka kinurot ang pisngi niya kaya napangiwi siya.

Tumawa naman ako. “Sorry, Yuki, ang cute mo kasi.”

“Teacher, you don’t need pinched my cheek,” nakangusong reklamo niya kaya napasapo na lang ako sa noo ko at pinipigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya.

“Oo na.” Napangiti ako saka tumayo na at kinuha ang walis para magsimulang magwalis. Kapag nakakahawak ako ng walis ay hindi ko maiwasang ngumiti at malungkot— sa walis nagsimula ang lahat.

Half day lang ngayong lunes kaya ako na lang ang nandito habang si Yuki ay hindi pa rin kinukuha ng mga magulang niya. Ayaw niya ring umuwi o tawagan man lang kaya alam kong hindi talaga siya pupuntahan dito. Lagi niyang sinasabi na pupunta raw ang Daddy niya para kausapin ako at hindi ko alam kung bakit.

“Teacher, nagmahal ka na ba?”

Agad akong napalingon kay Yuki at napangiti. “O naman, ang bata mo pa para magtanong ng mga ganiyan.”

“Anong pangalan?”

Napahinto ako sa pagwawalis saka napakamot sa ulo ko, nandiyan pa rin ’yong mga tali.

“Rui— Rui Teru.”

Umangat ang gilid ng labi niya saka napatalon-talon. “Broken hearted—” napahinto siya sa pagsasalita habang nakatakip sa bunganga niya ang maliit niyang mga kamay habang ang singkit niyang mga mata ay napapalaki.

Nagpatuloy lang sa pagwawalis hanggang sa natapos ako ay nakatingin lang si Yuki sa akin. Magkaharap kami ngayon at tahimik lang kami parehom

“Mahal mo pa si Daddy?”

“Daddy?” naguguluhang tanong ko.

Mabilis siyang napailing. “I mean, mahal mo pa ba si Rui?”

Na-mi-miss na siguro ni Yuki ang Daddy niya. Sino ba ang ama ni Yuki para matawagan ko at makuha na siya? Hindi ko kayang sagutin ang tanong ni Yuki dahil sinabi ko na mag-mo-move on na ako pero hindi ko kaya.

“Oo, mahal na mahal pero—”

“Bakit may pero pa?” napatayong sabi ni Yuki saka napaupo ulit at napaiwas ng tingin.

“Mahigit anim na taon na akong naghihintay ng sign na hindi ako titigil sa pagmamahal sa kaniya pero kailangan na—”

“No! Huwag kang tumigil!” Napakamot ako sa ulo ko nang pinutol ni Yuki ang sasabihin ko.

“Anong pangalan ba ng Daddy mo? Ibigay mo na kasi ang number niya,” pakiusap ko kay Yuki pero umiling lang siya. Gusto ko ng baguhin ang pinag-uusapan namin ni Yuki.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now