Timeless I: 13

1.4K 109 7
                                    

Kit’s Point Of View

MAGDADALAWANG LINGGO nang hindi pumapasok si Rui kaya nagtataka at nag-aaalala na ako. Hindi ko alam ang bahay o ’di kaya phone number niya para matanong ko siya. Puwede ko namang hiramin ang cellphone ni Haze pero ’di ko alam ang number niya! Huli ko siyang nakita siya ay ’yong araw na may nangyari sa aming dalawa.

Napayuko ako nang maramdaman ko ang init mukha k Nagawa na namin! Nakakahiya pero hindi pa rin alam kung bakit siya absent na naman!

Ano ba, Kit? Boyfriend mo ba talaga si Rui?

Marami akong ikukuwento kay Rui pati na rin ang problemang dinadala ko. Nakatanggap ako ng sulat galing kay Nanay na wala na kaming babayaran sa ospital at wala na rin kaming utang. May scholarship na rin ako para sa college kaya sobrang saya ko ngayon at gusto ko ring ikuwento ito kapag pumasok na si Rui.

Naglalakad ako ngayon sa corridor para pumunta sa likod ng stage at doon kumain. Wala akong ganang kumain pero kailangan ko pa ring kumain dahil mahirap na kapag nagkasakit.

Napabuntong-hininga nalang ako. Gusto ko ng bumalik sa probinsiya para dumalaw sa tatay kong nasa ospital pero natatakot akong umuwi sa probinsiya namin lalong-lalo na’t maraming mata, bibig at taingang nakatuon sa akin. Kahit na dalawang taon na ang nakakalipas ay binabangungot pa rin ako.

“Kit Perez!” Napatingin ako sa tumawag at nakita ko na naman si Waks na ngayon ay nakangiti sa akin.

Kailan pa kami naging kaibigan?

Inakbayan naman niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi tayo close—”

“Relax lang! Alam ko naman ’yon,” natatawang sabi niya tapos napahinto at sumeryoso na lang bigla.

Abnormal ba ’to? Nagpapalit ng mood bigla-bigla.

Kinuha naman niya ang kamay niyang nakaakbay. “Meet Rui at the gate tomorrow, 5:00PM,” sabi niya saka pumasok na ulit sa classroom nila.

Ano raw? Tomorrow? Sabado bukas!

Napangiti naman ako. May surprise siguro si Rui? Kapag nakita ko talaga siya ay babatukan ko siya ng napakalakas para hindi na siya um-absent pa!

Excited na ako bukas!

“Hoy, Kit!”

Agad akong napahinto saka ngumiti kay Haze at niyakap siya. “May sumagot na sa babayarin sa ospital at nabayaran na rin daw ang lahat ng utang namin plus may scholarship na ako!”

“Masaya ako para sa ’yo, Kit.” Kumunot naman ang noo ni Haze. “Dalawang linggo na ang nakakalipas nang walang bumubuntot sa iyo?”

Napatawa naman ako. “Hindi ko rin alam kung bakit absent siya lagi pero magkikita kami bukas.”

“Mahal mo talaga ang anak ng mafia.”

Ngumiti lang ako at hindi na sumagot pa.

Mahal na mahal ko talaga si Rui.

Kinabukasan.

Masaya akong naglalakad papunta sa gate dahil mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas nang huli ko siyang makita at hindi ko magawang hindi magsaya.

Napangiti naman ako nang makita ko siya na kalalabas lang sa itim na kotse kaya agad akong tumakbo. “Rui!”

“Let’s split up.”

Tatlong salita na nagpatigil sa mga paa ko sa paglapit sa kaniya at kusang tumulo ang mainit na likido sa magkabilang pisngi ko.

Ano?

“B-bakit?” naguguluhang sabi ko pero hindi man lang niya ako nilingon.

Nakatayo lang ako habang nakatanaw sa kaniya na papalayo sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya magawang sundan, napako ang mga paa ko sa kalsada at hindi ko na maihakbang pa. Dala ng panginginig ng tuhod ay napaluhod ako habang umiiyak. Hindi na malinaw ang paningin ko dahil sa mga luhang nakaharang pero naaninag ko siya na sumakay sa kotse.

Kailangan ko ng rason. Rason kung bakit nagkaganito ang lahat. Matagal ko siyang hinintay tapos ganito na lang? Sa mga masasayang araw na pagsasama ay naging ganito na lang.

Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Deserve ko bang masaktan? Deserve ko ba ng ganitong sitwasyon?

Rui! Nasaan na ’yong sinabi mong hinding-hindi mo bibitiwan ang kamay ko!

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Marami akong ikukuwento sa kaniya na alam kong matutuwa siya.

Tama nga sila, wala ’yan sa taas ng pagsasama niyo para mapatibay ang isang relasyon, nasa inyo na ’yang dalawa kung ipapatibay niyo pa ba.

Napakaikli lang ng tatlong buwan pero napakaganda na nito.

Akala ko ba, nandito ka lang palagi sa tabi ko kahit talikuran pa ako ng buong mundo?

Pero... tinalikuran mo ’ko bago pa ang buong mundo ang tumalikod sa akin!

Rui’s Point Of View

Pagkapasok ko pa lang sa kotse ay tumulo na agad ang mga luha ko habang nakatingin kay Kit na umiiyak na rin sa labas.

It’s time to bid a sad farewell.

A coward like me don’t deserve your tears!
Ayokong makita siyang umiiyak pero ngayon, ako na ang dahilan ng pag-iyak niya. I’m not worth it!
I hate myself! I hate it!

Kahit na labag sa kalooban ko ang ginawa ko ay wala akong magagawa. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong punasan ang mga luha niya at isigaw sa mukha niya kung gaano ako kasaya nang makilala ko siya at nang minahal niya ako!

Kit, I’ll be back...

Napayuko na lang ako habang humihikbi. Wala akong pakialam kung nakikita ni Waks ang nangyayari sa akin na ngayon ay pinapaandar na ang kotse.

... at kahit na may minahal ka na sa pagbabalik ko ay babawiin kita!

Sa ngayon, hindi ko deserve ang pagmamahal mo, hindi ko pa ito kayang ipaglaban.

For your sake, I’ll definitely become better so kindly wait for me... patiently.

~Wakas (Timeless I)

Timeless [MPREG]✓Onde histórias criam vida. Descubra agora