TIMELESS II: 14 Part 01

1.2K 89 1
                                    

Rui’s P.O.V

Agad akong umiling nang tumingin si Kit sa amin habang nakakunot ang noo. Umiling na naman ako nang tinaasan niya ako ng kilay habang nakanguso kay Kiru na na ngayon ay humihingos pa habang nakahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ko.

Alam ko ang pinapahiwatig ni Kit. Nakataas pa rin ang kilay niya dahilan para mapakamot ako sa batok. Fuck! I don’t know what to do!

Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Kiru saka nag-squat at pinunasan ang mumunting butil sa pisngi nito. “Kiru, stop crying.” Tinuro ko pa si Kit sa likod ko. “Akala ni Kit inaway kita.”

Tumigil ito sa paghikbi saka sumulyap kay Kit. “Mom,” nakikiusap na sambit ni Kiru sabay tingin sa akin, “pwede ko ba siyang maging Daddy kahit ngayon lang?”

I didn’t why but my tears starting to fall. I felt sad but at the same time I felt happy. The happiness that I can’t even explain.

Why?

Naaawa lang ba ako kay Kiru?

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Namalayan ko na lang na hinigit ko siya at binigyan ng mahigpit na yakap. I don’t want to let him go...

“Why are you crying, Dad?”

When I heard him saying the word dad, I eventually gave him a kiss on the forehead.

“Nothing.” I smiled genuinely at him as I wiped my tears. “I’m just happy that you me dad—”

Hindi ko maiwasang mamula nang kumalam ang tiyan ko. Damn! Ang ganda na ng moment!

Dahil sa pagmumura ko sa sarili ko ay hindi ko namalayan na sabay ng tumatawa sina Kit at Kiru. Kahit na nahihiya pa rin ako ay hindi ko maiwasang ngumiti.

Malapad na ngumiti si Kit sa akin dahilan para mahulog na naman ako ng paulit-ulit.

“Let’s just eat. Hindi na raw maglalaro si Kiru.”

Napakunot ang noo ko at tumingin kay Kiru na ngayon ay napatangong nakangiti. Dahil ba sa tiyan ko kaya nasira ang mood niyang maglaro?

“Dad, gutom na rin po kasi ako.” Hinimas pa ni Kiru ang tiyan niya na nagpatawa kay Kit.

“Kakain na nga tayo kasama ang ama mong lutang pa rin,” natatawang saad ni Kit saka tumingin sa akin. “Ano pang hinihintay mo? Iiwan ka na namin ng anak mo—”

Naputol ang sasabihin ni Kit nang niyakap ko siya. Wala na akong pakialam kung magalit man siya at wala rin akong pakialam sa mga taong tumitingin sa amin. Napapapikit kong dinama ang mainit niyang katawan at ang mabango niyang amoy.

Damn! Kapag ang katawan ko uminit ng hindi masama—masama talaga ’to!

Chill, Rui! Nayakap mo na si Kit. Maging kontento ka muna sa ngayon.

I can feel it. Damang-dama ko ang lakas ng kabog ng puso niya. Magkatulad na magkatulad sa akin. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik sa akin.

“Mom, Dad, gutom na po ako!” nakabusangot na reklamo ni Kiru.

“Thank you for giving me a chance to become his father.” nakangiting bulong ko kay Kit saka dinampian ng halik ang tainga niyang namumula at agad na kinarga si Kiru.

“Let’s go, Wife,” pabirong yaya ko kay Kit. Handa na akong masigawan ngunit namumula lang itong tumango saka tumabi sa akin kaya ramdam ko na rin ang pamumula ng mukha ko.

“Hindi mo ako asawa.”

I giggled. I’m happy right now.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now