Timeless II: 03

1.3K 99 3
                                    

Rui's POV

"How's school?" bungad kong tanong kay Yuki na ngayon ay nakayukong nakangusong nilagpasan ako ng hindi ako tinatapunan ng tingin.

Weird.

"Hey, Yuki!" ulit na tawag ko kaya sa pagkakataong ito ay lumingon na siya at nanunubig na ang mga mata niya kaya dali-dali ko siyang pinuntahan at niyakap.

"Are you okay?" I asked him but he didn't respond.

He hugged me tightly. Alam ko na wala siyang kaibigan sa school niya dahil iyon sa ugali niya na namana sa akin. Alam ko ang nararamdaman niya dahil naramdaman ko na iyon dati, iyon nga lang ay may isang tangang nagtangkang kumausap sa akin...

... si Kit.

"Dad."

Napabalik ako sa reyalidad nang tinawag ako ni Yuki. "Hmm?"

He crossed his arms and then he stared at me. "Uncle Waks told me that you have a lover before and it's a man."

That bastard!

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pahamak masyado si Waks. Chismoso!

I really hate that bastard! I want to kill him. Just wait, Waks, I will definitely kill you!

"And the two of you broke up because of Lolo, is it true?"

I stopped and I faced him, I smiled faintly remembering the reason why I need to do that decision! I'm such a coward for letting his hand go.

"Yes."

Ang inosenteng mga mata ni Yuki ay nababahiran na ito ng kaonting lungkot at paghihinayang. "C-can you tell me the whole story?"

"Mamaya na kapag matutulog na tayo," palusot ko saka pumasok agad sa kuwarto.

Damn. Ayoko ng maalala pa ang lahat. Nadudurog lang ang puso ko.

I miss him. I really miss Kit. My Kit Perez.

Napahiga agad ako sa kama saka pumikit at hindi ko maiwasang hindi mainis. Mainis at magalit sa sarili ko. Why did I let him go? Sana pala, tinanan ko na lang siya.

After all, I was only 19 years old at that time. I don't have enough courage to fight our relationship, but now, I am 25 years old, I can marry him. The only problem is that I still didn't see him even his shadow.

I have been looking for him for more than six years. Nakalimutan na kaya niya ako? A question I really do not want to ask myself because I know I will only get hurt.

Time passed and it's already 8PM. Tapos na rin kaming maghapunan kaya nakabuntot ngayon si Yuki sa akin papunta sa kuwarto ko.

"Dad! Tumatakas ka e!" inis na sigaw niya habang nakasunod pa rin papunta sa closet, kumuha ako ng isang shirt saka tumungo sa banyo.

"Hindi ako tumatakas, magbibihis lang ako," depensa ko saka mabilis na pumasok sa banyo.

Mabilis akong nagpalit ng damit at napatingin sa repleksiyon ko sa malaking salamin. Where's your happiness, Rui?

Hindi ko alam kung susuko na ba ako sa paghahanap kay Kit. Mahigit six years na rin pero ni isang balita ay wala akong natanggap.

I sighed as I held the cold doorknob.

"Dad?"

"Fuck! You scared me!" sigaw ko kay Yuki nang binuksan niya ang pinto bago ko pa man mabuksan.

Yuki pouted. "Ako ang dahilan ng pagkatakot mo o ang pagkuwento mo sa akin?"

I guess I can't escape from this kid.

Mabilis namin tinungo ang kuwarto niya saka ko siya pinahiga, tumango siya at ngumiti kaya napangiti rin ako.

"His name is Kit Perez."

"Kit?" gulat na tanong ni Yuki kaya napatango ako.

"Yes, he loves kids, he loves to teach and he wants to become a teacher." Dahil sa sinabi ko ay biglang umasim ang mukha niya pero kalaunan ay napatitig sa akin saka napangiti nang marahan.

"Tapos?"

Napatawa ako sa pagka-inip niya. "Siya lang ang nagtangkang kumausap at kaibiganin ako."

Hindi ko mapigilang ngumiti habang inaalala ang lahat. Ang simula ng aming istorya na hindi ko alam kung madudugtungan pa ba o matagal na palang natapos.

Hindi siya nagsalita at nakinig lang kaya pinagpatuloy ko ang pagkukuwento. "Pagkatapos, hindi ko na namalayan na ginagawa ko na ang lahat para makita ko siyang nakangiti."

"You really love him?"

Napangiti ako nang malapad. "Yes."

"Bakit mo siya bitiwan kung mahal mo naman pala? Bakit ka sumunod kay Lolo?"

Halos mawalan na ako ng dila sa tanong ni Yuki. Halatang-halata na pinapagalitan niya ako. Kung sino siguro ang makakaalam sa kuwento namin ay tiyak na magagalit din sa mga desisyon na ginagawa ko.

"Yuki, maraming problema si Kit, I just want to help him."

Marami talaga kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at napilitan na lang na sumang-ayon sa gusto ni Dad.

Tumayo si Yuki galing sa pagkakahiga at nakapamaywang sa harapan ko. "Yes, you help him but you didn't tell him why did you let him go!"

Hindi ko akalain na itong bata na ito ay naiintindihan ang mga sinasabi ko at lahat ng sinasabi niya ay tumatagos sa puso ko.

"You're right, I didn't tell him becasue I'm too scared..." panimula ko saka napayuko. "I'm too scared that I can't let him go."

"Dad, mahal mo pa ba siya hanggang ngayon?"

"Oo naman. Siya lang ang mamahalin ko habang buhay," walang pag-aalinlangan na sagot ko na nagpangiwi sa kaniya. "What's with that face?"

"Dad, broken hearted ako!" inis na sigaw ni Yuki habang nagpapadyak pa.

"Wait- what?" gulat na naguguluhang tanong ko sa kaniya.

I can't understand this kid.

"Dahil sa story mo kaya ako lalong nasaktan!" singhal niya sa akin.

I glared at him. "Ikaw ang nagsabi na ikuwento ko sa iyo!"

Nakita ko siyang tumayo at nagpapadyak-padyak kaya napapangiwi ako dahil umuuga na naman ang kama.

"Edi mahalin mo nang husto si Kit Perez!"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko na siya maintindihan.

"Hinahanap mo ba siya?"

Kahit na nabigla ay sumagot pa rin ako, "Yes, I've been searching him for more than six years."

"Sumama ka sa school ko bukas!" Niyuyugyog niya ang magkabilang braso ko.

"Huh? Hindi ko na naiintindihan ang pinag-uusapan natin."

_________________________________________

Keep safe, everyone!
-Fujoshi Ami

Timeless [MPREG]✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin