Pero ayos lang na kami-kami lang din dahil namiss na rin namin ang isa't-isa. Kasama rin namin nagcelebrate sa bahay si tito Jude. Mukhang dalawang taon pa ang hihintayin niya bago niya makuha ang matamis na oo ni tita dahil dalawang taon pa ako sa kolehiyo. 

Sinundo ako ni Ryden nang makabalik ako sa ibang parte ng Luzon, sa Clark Airport. Masaya kong binigay sa kanya ang pasalubong habang nasa kotse kami. 

"Hindi ka ba pagod?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya, puwede naman kasi akong magbus at sa terminal sa Baguio na lang kami magkita. 

"I will get tired if I won't see you." Seryoso ang tingin niya sa daan habang sinasabi niya iyon. 

Sabagay, ngayon lang kami magkakasama dahil kapag may pasok na ay pareho kaming busy. Madalas ay hindi kami nag-uusap pero naka video call ang cellphone namin, pareho naming focus ang pag-aaral. Lalo na ako, kailangan kong makapagtapos para kina lola at para hindi nakakahiya kay mamita. Samantalang si Ryden ay kasama sa dean's lister ng department nila kaya ayaw niya rin itong mabitawan, strikto kasi ang lolo niya.

Sa buong biyahe ay sinikap kong gising kahit na pinapatulog niya ako, sigurado raw siya na napagod ako sa biyahe. Pero ang unfair non sa kanya dahil alam kong pagod din siya sa pagcecelebrate ng new year kasama ang mga pinsan niya. Baka mabored siya sa biyahe dahil wala siyang kausap, de bale at nakatulog naman ako kanina sa eroplano. 

Kagaya ng inaasahan, pagsapit ng pasukan ay pareho kaming naging busy. Kahit magkalapit lang ang apartment na tinitirhan ko at ang bahay nila ay t'wing weekend lang kami lagi nagkikita. Alam namin kung paano pagbalansehin ang relasyon namin at ang relasyon namin. 

Mabilis ang paglipas ng araw dahil halos sa school na umiikot ang buhay naming dalawa. Gusto ko ulit makasama sa dean's lister kaya ginagawa ko ang makakaya ko. Kahit maka graduate lang ako ng cum laude para sa gayon ay sulit lahat ng pagod nina lola at tita sa akin. 

"Where do you want to go on our first anniversary?" He asked while we're watching a movie in their house. Kasama rin namin si Jelay na ngayon ay naglalaro sa iPad niya ang bata. Nasa sala lang kaming tatlo. 

Wala raw si Fab dahil nag-sleep over siya sa kaibigan niya samantalang si Maeve ay naglilibot din. Pansin ko lang na gala ang dalawang babae at hindi namamalagi sa bahay. 

Oo nga pala, sa July na ang anniversary namin. April pa lang ngayon at wala kaming pasok dahil holy week pero nagtatanong na kaagad siya kung saan. 

"Sa Baguio?" Patanong na sagot ko sa kanya. "Hindi pa kasi ako nakakalibot sa Baguio. Burnham pa lang yata ang napupuntahan ko." Kibit-balikat na sagot ko, dahil nga sa school na umiikot ang buhay namin ay hindi na ako nakakapaglibot. 

Minsan ay niyaya ako ni Jov na ipapasyal niya raw ako sa Baguio para makapasyal naman ako kahit papano pero tinatanggihan ko siya dahil mas gusto ko pang mag advance reading. 

Si Harris ay madalang sa madalang ko pa siyang makita, hindi na rin siya masyadong nagmemessage sa akin. Bigla ko tuloy siyang namiss, hindi ko alam kung anong problema niya maybe I will text him later. 

"Baguio?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryden. Natawa ako, siguro siya ay alam na niya ang kasuluksulukan ng Baguio pero ako hindi pa. 

Nakakalito pa nga rito sa Baguio dahil nagugulat na lang ako sa isang street na ako lumalabas kapag nasa town ako. 

"Yup. Para hindi na rin masyadong hassle." Pagdadahilan ko, pero ang totoo kaya gusto ko rin sa Baguio ay dahil dito kami nagkakilala. 

"Are you sure?" Paninigurado niya kaagad akong tumango, ayaw ko rin siyang mapagod sa kaka-drive. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang