Chapter 32

112 10 26
                                    

"Susmaryosep Aria saan ka nanggaling bata ka?! Tesa! Ikuha mo nga ng twalya si Aria!" Tarantang sabi ni manang, pag pasok ko sa loob ng bahay. "Anong nangayari sa'yong bata ka? Diyos ko, bakit ka ba nagpa ulan? Nasaan si Emman? Hindi ba't magkasama kayo?" Sunod sunod na tanong niya ngunit ni isa sa mga 'yon ay walang rumehistro sa isip ko.

Puno ng pag-aalala niya akong hinila patungong kitchen bago pinaupo sa silya.

"Nasaan po sila mommy?" Namamaos ang boses na tanong ko ngunit nag iwas lang siya ng tingin.

"Hindi ba't sabi mo ngayon ang birthday ni Emman? At bakit ganiyan ang hitsura mo? Saan ba kayo nag puntang mga bata kayo?"

Pagkadating ni Tesa ay mabilis na hinablot ni manang ang tuwalya sa'kaniya at agad na pinunasan ang ulo ko. Akmang kakausapin ako ni Tesa noong sinamaan siya ng tingin ni manang bago sinenyasan na bumalik na sa kwarto at huwag nang maki usyoso pa. Napapakamot sa ulo na lang siyang nag martsa pabalik sa kwarto.

"Hija, mag sabi ka nga sa akin ng totoo, ano ba talagang nangyari at bakit ganiyan ang hitsura mo? Basang basa ka ng ulan at tingnan mo nga yang mukha mo, namumutla ka na! Nag aalala na ako sa'yo, kaninang umaga lang ay ang sigla sigla mo, ang aga aga mong umalis ng bahay at nagpa parlor ka pa, ano ba kasi talagang nangyari? Nag away ba kayo ni Emman? Hindi ba siya dumating sa tagpuan ninyo?" Muli ay parang piniga ang puso ko dahil sa huling sinabi niya.

Wala na akong lakas pa para ikwento kay manang ang mga nangyari kaya hindi na lang ako umimik. Sa ngayon, ang tanging gusto ko lang ay ang makita si mama. Kailangan ko lang ng yakap niya dahil ayun lang ang tanging paraan na nakikita kong makakabawas sa kabigatang dinadala ng dibdib ko.

"Manang... si mommy po ba, n-nasaan po?" Basag ang boses na sabi ko at hindi ko na napigilan pa ang mapaluha.

Bakas ang pangamba sa hitsura niya ngunit minabuti niyang dumistansya na lamang sa'kin. She knows exactly at a time like this, I don't want anybody comforting me other than my mom, and she highly respect that.

"Overtime sa clinic ang mommy mo, tumawag sa'kin kanina. Ang daddy mo ganoon rin." Malungkot na sabi niya.

Mas lalo akong nanlumo dahil sa narinig at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Hija, mabuti pa maligo ka na at mag palit ng damit, magpahinga ka na sa itaas. Alam kong pagod ka. Ako nang bahala sa mommy mo, tatawagan ko siya para ipaalam ang kalalagayan mo, ha? Sige na, magpahinga ka na ron sa kwarto mo."

Hindi na ako sumagot pa at agad kong tinakbo ang daan pa-itaas. Pag pasok na pag pasok ko sa loob ng kwarto ko ay doon na nanlambot ang mga tuhod ko. Wala sa sariling naibagsak ko ang katawan ko sa kama at halos manlabo na ang mata ko habang naka titig sa puting kisame. Nangingilid na ang mainit na likido sa mata ko.

Wala akong pakialam kung basang basa ako ng ulan. O kahit matuyuan pa ako. Wala na akong lakas na natitira pa at tanging gusto ko na lang ay mawala na ang sugat sa dibdib ko na parang habang tumatagal ay mas lalo lang nadadagdagan. I am physically, mentally, and emotionally drained. I feel so exhausted and distraught.

I'm just... God, I'm just too tired.

Kasabay ng pag tuptop ko sa bibig ay ang pag hampas ng malamig na hangin sa balat ko.

Nanginginig ang mga kamay na tinuyo ko ang aking pisngi at napukaw bigla ang atensyon ko noong may masagi akong kung ano sa tabi ko.

When I looked at it, my chest immediately squinched the moment I realized it was the pair of shoes that I bought for Emmanuel. At kahit anong pigil ko ay hindi ko nanaman napigilang ang pag patak ng luha sa gilid ng mata ko kaya agad akong napa iwas ng tingin.

Bukas Hindi Na IkawHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin