Chapter 4

126 10 0
                                    

"Good morning students!" Masiglang bati sa amin ng dean. General assembly ngayong second day, at demure akong nakaupo ngayon sa seat ko.

Malaki ang auditorium ng EIS, kaya nitong i-accommodate ang lahat ng estudyante. Sa sobrang daming students, hindi ko na alam kung nasan ba ang bebe ko.

Nag salita lang ang dean at nag bigay ng napaka habang opening remarks, inaantok na nga yung katabi ko, saka ako. Nag iinit na rin ang pwet ko sa upuan.

Tuloy tuloy ang naging flow ng general assembly at marami pa ang nag salita sa unahan, mga hindi ko naman kilala.

Nakinig na lang ako ng music at nag earphones dahil wala rin naman akong naiintindihan kahit na makinig ako sa speaker.

Tumitigil ang pag ikot ng aking munting mundo
Kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
Araw araw ninanais marinig ang tawang siyang tumunaw sa-
Pusong giniginaw sa lamig ng lumipas.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ewan ko ba, may something sa kantang 'to na nagpapa bilis ng tibok ng puso ko, parang sobrang relate kasi ako sa kanta.

Ngunit kahit magkaharap,
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan umaambon lamang.

There's something in this song that reminds me of Emmanuel.

This song 'Ambon' is the most meaningful and and significant opm song that I've ever heard.

Hindi ko alam pero parang napaka accurate ng lyrics niya sa nararamdaman ko, kaya feel na feel ko tuloy.

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong
Yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na
Maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap,
Paano ba patitilain ang bagyo,
Kung ang gusto mo lang ay ambon.

Pinakinggan ko lang 'yon ng paulit ulit, hindi nag sasawa, hanggang sa matapos ang general assembly.

Bumalik na kami sa room at lunch break na rin, hanggang ngayon ay naka earphones parin ako, nakikinig parin ng Ambon.

Pagkadating ko sa cafeteria ay umorder lang ako ng pritong sabaw, charot! Siomai rice lang ang inorder ko saka juice.

Naupo na ako agad at kumain na, inilibot ko ang paningin ko.

Grabe, ako lang talaga ang walang friends. Namiss ko tuloy ulit ang mga bakla. Dati kasi kapag ganitong vacant time namin ay sobrang gugulo namin, hindi tuloy ako sanay ngayon na mag-isa lang ako at walang kausap.

Pero okay lang, tiis tiis lang konti para kay Emman. Pag naman naging akin siya ay magiging worth it rin lahat ng sacrifices ko.

"Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sayo." Hindi ko namalayan na sumasabay na pala ako sa kanta.

"Nice voice!" I was taken aback when suddenly, a tall man sat beside me. Hinubad ko ang earphones ko at humarap sakaniya.

Naka suot siya ng jersey at pawisan pa, pero hindi naman siya mabaho. Mabango siya actually, lol!

Pinag masdan ko ang hitsura ng lalake.

Bukas Hindi Na IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon