Chapter 23

80 9 44
                                    

Ilang sigundo kaming walang imikan ni Murphy dahil parehas pa kaming wala sa sarili dahil namin magawang arukin o paniwalaan ang mga sinabi ni Marco.

Naisip ko tuloy bigla kung nag kukulang na ba ako bilang kaibigan niya dahil wala naman siyang nababanggit sa akin ni isa sa mga problema niya. Malay ko ba kung may family problem pala sila. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot sa isiping 'yon.

I should've talked to her, or at least be there when she needs someone that will listen to her. But knowing Marco, she's probably gonna die first before she admits that she's troubled.

"Hey, don't think too much. Marco is Marco, and she surely gonna be okay. We gotta give her time to think and fix things on her own and everything will be back on track again. Let's just, you know, be there for her." She then patted my shoulder. At kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Murphy.

"Mag siswimming ka ba?" pag iiba niya sa usapan. Agad akong umiling.

"Sure ka na?" biglang gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi niya bago tumagos ang paningin sa likuran ko kaya dumako rin doon ang mata ko.

Kita ko mula sa malayo ay tumakbo si Patrick at tumalon papunta sa pool, halos umapaw ang tubig sa dahil sa impact ng pag talon niya.

Nakita ko rin si Primo na ngayon ay naka upo sa hammock at may kausap sa telepono habang si Timothèe naman ay may nilapitang babae.

Ngunit ni isa sa'kanila ay hindi naman ako interisado kaya hindi ko alam ang gustong iparating ni Murphy.

Akmang lilingunin ko siya noong ipaharap niya ang mukha ko sa six feet ng swimming pool kung saan nandodoon si Emman at lumalangoy. Naka suot siya ng puting sando at itim na shorts, kaya kitang kita ko kung paanong nag fe-flex ang muscles sa biceps niya habang lumalangoy.

Nag init ang pisngi ko bago ako muling bumaling kay Murphy. Nginisian niya ako.

"So? Magpapalit ka na?"

Napa padyak ako ng paa sa simento at sunod sunod na tumango.

"Malandi ka." Sabi niya bago ako tinawanan.

At dahil napag pasyahan kong mag swimming na rin ay agad akong nag palit ng swim wear. Gusto ko sana ay 'yong one piece na lang para hindi masyado revealing pero wala akong nakitang ganoon sa closet ni Marco, kaya bandang huli at itong itim na two piece na lang ang isinuot ko. Habang si Murphy naman ay naka kulay red na two piece at kagaya ng kay Marco, lace ito.

Nang makabalik kami sa pool area ay mayroon agad lumapit na lalaki kay Murphy at pakiwari ko'y kilala niya ito dahil agad naman siyang sumama.

Medyo nag dududa ako pero hinayaan ko na lang rin sila. Malaki na naman si Murphy, alam na niya ang tama sa mali, kaya nasasakaniya na 'yon kung gagawin niya ang tama para sa relasyon nila ni Sylv.

"Holy sh*t!" halos mapaigtad ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Patrick at basang basa ito.

"B-bakit?" takhang tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot at pinag masdan lang ako.

Napa takip tuloy ako sa dibdib ko kahit wala akong dibdib, kaya agad siyang natawa.

"Joke lang, eto naman!" aniya at lumapit sa'kin bago ako inakbayan. "Mas malaki yung kay Marco, no?" tukoy niya sa hinaharap ko kaya agad kong nasiko ang tagiliran niya.

"Ang sama ng ugali mo!" napapalabing sabi ko habang hinihila niya ako patungo sa pool.

Pero totoo naman. Malaki talaga ang hinaharap ni Marco kumpara sa'kin, ewan ko ba, three times a day rin atang kumakain ang dibdib niya kaya ambilis lumaki.

Bukas Hindi Na Ikawजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें