Chapter 19

109 14 0
                                    

Kanina pa ako hindi makahinga ng maayos. Para akong nasu-suffocate.

On the way na kami ngayon pa-punta sa subdivision namin. Ang sabi ni Emman ay sa penthouse niya siya uuwi, kaya ihahatid lang niya ako sa bahay at aalis na rin.

Halos mag sasampung minuto na kami rito sa sasakyan ngunit hanggang ngayon ay wala pa 'ring nag tatangkang mag salita sa aming dalawa.

Hindi na naman ako nag taka. Sa aming dalawa ay ako lang naman talaga ang madaldal at palaging nag iinitiate makipag usap.

Tahimik naman talaga siya parati kaya hindi na ako umaasang kakausapin niya ako kapag hindi ako ang unang kumausap sa 'kaniya. Tulad na lang ngayon.

Pero mas maigi na rin siguro 'yon dahil wala pa akong ideya kung paano siyang kakausapin ngayon.

Napangalumbaba ako. Nakakapag taka na bigla akong tinablan ng hiya matapos nang nangyari sa amin sa view deck.

Hindi ko talaga inasahan ang mga sinabi niya. Hanggang ngayon tuloy ay ramdam ko pa 'rin ang pamamaga ng mata ko.

Nahihiya ako kay Emman. Hindi dahil sa nakita niya kung paano akong umiyak na parang bata kanina sa harapan niya. Kundi nahihiya ako dahil parang hindi ko ata kayang tanggapin ang inaalok niya.

Kahit gaano ko pa kagusto ang bagay na 'yon, alam kong hindi 'iyon tama para sa akin. Para sa amin.

Pero aaminin kong kinikilig pa 'rin ako hanggang ngayon. Sadyang may kung ano lang na bumabagabag sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.

Simula pa kanina, matapos niyang tuyuin ang luha sa mga mata ko, hindi ko na siya nagawa pang titigan ng rekta sa mga mata.

"Hindi ka ba talaga mag sasalita?"

Napangiti ako. Dati, kada sumasagi sa isip ko ang 'view deck' ang unang pumapasok sa isip ko ay pangamba. Ngunit ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi kilig at tuwa.

Akalain mo 'yon, yung lugar na halos isumpa ko dati ay paborito ko ng lugar ngayon. Wala akong pakialam kung atakihin man ako sa puso, pero sigurado akong babalik akong muli sa lugar na 'yon ng wala ng takot at pangamba.

Parang gusto ko na pumunta 'ron palagi at kumain ng ramen kasama si Emman.

"Aria, come on, hindi ako sanay nang tahimik ka."

May mga bagay pala talaga na kayang baguhin ng pag-ibig at napaka raming imposibleng bagay ang nagiging posible, kapag pag-ibig na ang pinag uusapan.

Gaya na lang ng mga nangyayari sa 'kin ngayon. I'm starting to love the things that I hate before. And that's because of Emmanuel-

"HUY!"

"Ay! Labyu..." napaigtad ako sa gulat at nasapo ang dibdib. "A-ano ba! Bakit ka ba sumisigaw?" nanlalaki ang matang napabaling ako bigla kay Emman.

"Kanina pa kita kinakausap, dinededma mo ako." Kunot noo siyang sumaglit ng tingin sa akin bago niya ibinalik ang paningin sa daan.

"Kanina pa ba? Hindi ko alam," bumigat ang pag hinga ko, medyo kinabahan kasi talaga ako kanina dahil sa biglang pag taas ng boses niya. "Grabe ginulat mo 'ko... muntik na 'kong maging sa'yo– ay este, muntik akong atakihin."

Sa sobrang pag pipigil niyang huwag ngumiti ay umumbok na lang ang kaniyang pisngi. His tongue is poking the sides of his cheek.

"Thank goodness, you're back." Ngisi niya pa.

"Ay hindi ka sure."

I just smiled and started looking away. Bumaling na lang ako sa bintana habang pinag lalaruan ang mga daliri ko.

Bukas Hindi Na IkawWhere stories live. Discover now