SDOBE: Chapter 77

15 2 0
                                    

Pat POV

"Thank you, Mr. Ky." Sabi ni Jalil at tumayo para makipag-kamay kay Mr. Ky.

Tapos na ang usapan namin at lahat ay maayos na. Sa likod ng bahay gaganapin ang kasal. A private wedding. Iyon ang napagka-suduan namin lalo na't nasa panganib ang buhay ko. Mas pabor sa kanila ang ganoon selebrasyon.

Tumayo na rin ako kasabay ng pag-ikot ng paningin ko at pag-sakit ng ulo ko kaya napahawak ako rito.

"Hon, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Jalil at inalalayan ako.

I gave him a weak smile. "Yeah. Pagod lang siguro ako." Sabi ko at tumingin kay Mr. Ky. Inilahad ko ang kamay ko sa kan'ya. "Thank—."

"Hon!"

"Pat!"

Agad na napa-takbo ako sa kusina at sumuka sa lababo.

"Hon." Rinig kong boses ni Jalil sa gilid ko at inalalayan ako nito.

Kahit nahihilo ay pinilit kong tumingin sa kan'ya. "Gusto ko nang magpahinga." Mahinang sabi ko rito kasabay ang pag-pikit ng mga mata ko.
———

Shan POV

Lahat kami ay naka-tingin sa kusina kung saan nakatayo si Pat na inaalalayan ni Jalil.

She look not feeling well.

"Ang dami kasing kinain na prutas e." Rinig kong sabi ni Chad sa gilid ko.

"No. Hindi dahil sa prutas." Biglang sambit ni Mr. Ky dahilan ng pag-tahimik namin.

Napalingon ulit kami sa gawi nila Pat at Shan. "Gusto ko nang magpahinga." Rinig kong sabi ni Pat kasabay ang pag-pikit ng kan'yang mga mata at napasandal kay Jalil. Agad naman s'yang binuhat ni Jalil in a bridal way at tumingin kay Mr. Ky na may pag-aalinlangan sa mukha.

Tumingin naman ako kay Mr. Ky na walang makikitang emosyon sa kan'yang mukha.

"Hindi ko alam kung totoo ba ang na-iisip ko o hindi. Pero sana, hindi. Bata pa ang kapatid ko, Jalil. Kung ako lang ang masusunod, walang kasalan ang magaganap." Mahinahong sabi ni Mr. Ky, pero bakas pa rin ang galit nito.

Umupo s'ya sa inuupuan n'ya kanina at kinuha ang telepono sa bulsa. Pinindot n'ya ito at itinapat sa tainga.

"Hello, it's me."

Lahat kami ay tumahimik.

Tumingin si Mr. Ky sa pwesto ni Jalil.

"I want... pregnancy test."

Narinig ko ang pag-singhap ng iba habang ako ay nanlalaki ang mga mata na napatingin din sa gawi ni Jalil.

Napayuko s'ya at tumingin sa mukha ni Pat na buhat-buhat n'ya.

Hindi kaya...

"Yes, thank you." Sabi ni Mr. Ky at ibinaba ang telepono. Tumingin s'ya kay Jalil. "Iakyat mo muna si Princess. Kailangan natin mag-usap." Seryoso niyang sabi.

Tumingin ako kay Jalil at tumango ito bago nag-simulang mag-lakad pa-akyat.

Napalik ang tingin ko kay Mr. Ky na ngayon ay nakasandal sa sofa at naka-pikit habang mabigat ang pag-hinga.

He's really mad. Alam kong pinipigilan n'ya lang huwag magalit pero alam kong kahit anong oras maaari s'yang sumabog sa galit.

He loves Pat than his life. Masakit isip na 'yong taong matagal mo ng pinoprotektahan ay mauuwi lang sa ganitong sitwasyon.

Tahimik akong umalis sa sala at nag-tungo sa kwarto ni Pat. Nakabukas ang pintuan n'ya at naabutan kong naka-higa na ito sa kama habang nasa gilid n'ya si Jalil na naka-dukmo habang ang hawak-hawak ang kamay ni Pat.

"He's mad." Mahina kong sabi dahilan ng pag-angat n'ya ng tingin sa akin.

Napabitaw s'ya sa kamay ni Pat at napa-upo. Napahilamos s'ya ng mukha at napa-sabunot sa buhok. "I-I'm sorry. Nadala ako."

"So, it's true?"

Hindi ko alam ang mararamdamam ko. Nagagalit ako sa hindi malamang dahilan. Para ko na ring kapatid si Pat at tinuring kong parang sarili kong kapatid.

Ngayon alam ko na ang nararamdaman n'ya, at alam kong mas masakit sa kan'ya na tunay niyang kapatid.

"I'm sorry."

Napahilamos ako ng mukha. "Jalil, pare! Ang bata pa ni Pat, ang bata n'yo pa! Alam ko wala akong karapatang magalit, pero pre. Parang kapatid ko na si Pat e."

"I'm sorry."

"Kaya ba nag-propose ka agad sa kan'ya?" Tanong ko.

"No, I did not know."

"Jalil, Shan... pinapatawag kayo ni Boss."

Sabay kaming tumingin ni Jalil sa pintuan at nandoon si Chad na seryoso ang mukhang nakatingin kay Jalil.

Tumingin ako kay Jalil. Tumayo na ito at parang wala sa sariling lumakad palabas ng kwarto ni Pat. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng pinto pero agad din akong napatigil ng mapansin kong nakatayo pa rin si Chad sa pintuan ni Pat at tulala.

"Chad." Pagtatawag ko rito.

"What if buntis nga s'ya?" Diretsong tanong n'ya habang nakatingin kay Pat na mahimbing pa rin na natutulog.

"Wala na tayong magagawa kung sakali ngang buntis s'ya. Let's just support them and be happy with them." Ngumiti ako ng pilit. "Bababa na ako, sumunod ka na rin." Sabi ko at nagsimula nang maglakad pababa.

Pag-baba ko, naabutan kong nakaluhod si Jalil sa harapan ni Boss habang ang iba ay tahimik na nanonood sa sa kanila.

"Kailan pa?" Bakas sa boses ni Boss ang galit.

"The day after I proposed to her." Mahinang sagot ni Jalil.

Narinig ko ang malalim na pag-hinga ni Boss habang mariin na nakalapat ang labi. Napahilamos ng mukha at napatayo.

"If he will find this out, Jalil. You're dead." Seryosong sabi ni Boss.

He?

*ding dong*

Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan.

"Ako na." Presinta ko.

Agad akong lumakad patungo sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sa akin si Dra. Morales kasama ang isang nars na isa ring Mafia.

"Good afternoon, pinapunta kami rito ni Mr. Mego. Nandiyan ba s'ya?" Tanong ni Dra. Morales.

"Yes, he's here. Come in, Dra. Morales." Sabi ko at pinapasok sila.

"Mr, Mego." Rinig kong bati ni Dra. Morales kay Boss bago ko isara ang pinto.

Lumakad ako sa pwesto ni Jalil kung saan ay nakatayo na ito. Napansin ko rin ang iba ay nakatayo na.

Tulala si Jalil nang makalipit ako rito. He looked depressed right now. Kailangan n'ya ng masasandalan.

"Bro, are you okay?" Tanong ko sa kan'ya.

Lumapit din sa amin ang iba at tinatanong si Jalil kung ayos lang ba s'ya pero kahit sino sa amin ay walang nakuhang sagot mula sa kan'ya.

"She's upstair."

Napatingin kami kay Boss nang mag-salita ito. Pati si Jalil ay napatingin din.

"Okay. Kami na lang ang aakyat sa taas at hindi kayo puwede roon. Sasabihin ko na lang ang magiging resulta. Kung buntis nga s'ya, tanggapin n'yo na lang dahil nandyan na 'yan." Sabi ni Dra. Sa amin. Tumingin s'ya kay Boss. "Ikaw rin, Mr. Mego. Mag-hintay ka rin dito sa baba. Aakyat na kami." Dagdag ni Dra. bago tuluyang umakyat ng hagdanan.

Humarap sa amin si Boss at seryosong tumingin kay Jalil. "He will fucking kill you."

•MELLHEANS•

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Where stories live. Discover now