SDOBE: Chapter 59

12 2 0
                                    

Pat POV

"Jalil! Sabing huwag kang matulog dito e."

Kainis! Kanina ko pa s'ya pinapalabas sa kwarto ko pero ang gago mas matigas pa ang ulo sa 'kin.

Nakahiga s'ya sa kama ko ngayon at nakapikit na ang mga mata habang ako ay inaalog-alog s'ya pero ayaw n'ya talaga bumangon.

Agh! Bakit na ang kulit ng lalaking ito?

*inhale* *exhale*

Pat, he is your fiancé.

Tumigil na ako sa pag-alog sa kan'ya, mukhang wala talagang balak lumabas ng kwarto ko.

Tumayo ako sa kama. Gusto kong uminom ng tubig, nauhaw ako sa kaka-alog sa kan'ya.

Binuksan ko na ang pinto ng magsalita si Jalil.

"Don't you dare leave this house, hon. Baka maging halimaw ako at makain kita."

Lumingon ako sa kan'ya pero nakapikit pa rin ito.

Geez. Bakit ako kinabahan do'n?

"I am not. Tsk. Iinom lang ako." Hindi ko na hinitay ang sasabihin n'ya at labas na.

Isinara ko ang pinto at bumaba na ng hagdan. Alas otso na ng gabi at nasa kan'ya-kan'ya na silang kwarto, pero si Jalil ay nasa kawarto ko. Pagkatapos ko mag-shower, naabutan ko s'yang naka-higa na sa kama ko.

Nakarating na ako sa kusina at kumuha na ng tubig sa ref. Uminom ako at saktong nakita kong bumaba sa hagdan si Shan. Dire-diretso lang itong nag-lakad hanggang sa makalabas ito ng pinto.

Saan pupunta 'yon? Hindi ata ako napansin, bukas pa naman ang mga ilaw ah.

At dahil pakilamera ako.

Ibinaba ko ang basong hawak ko at sumunod din sa kan'ya palabas. Baka kasi saan mag-punta 'to e, ang dami pa naman nilang tinatago sa akin.

Naabutan ko s'ya at lumiko ito papunta sa likod ng bahay. Sumunod ako sa kan'ya at nakita ko itong humiga sa damuhan at tumingin sa langit.

Wait, may pintuan naman sa loob papunta rito ah? Bakit dito pa s'ya dumaan?

"Wanna join me?" Sabi n'ya.

Who's he talking with? Psh. Insane.

"Pat, I'm asking you."

Freak? Ako pala kinakausap. Psh. Ang lakas talaga ng pang-amoy.

Lumabas ako sa pinag-tataguan ko at lumapit sa kan'ya. Nakatayo ako sa gilid n'ya at tumingin sa kan'ya.

"Why are you doing here?" I asked.

Ngumiti s'ya sa akin. "Watching the stars." Sabi n'ya.

Tumingala ako. Ang daming mga bituin at ang sarap pagmasdan.

"Humiga ka, mangalay ka r'yan."

Napatingin ako sa kan'ya na nakatingin pa rin sa kalangitan.

Umupo ako at humiga malapit sa kan'ya.

I heavily inhaled. Ang sarap pag-masdan ng kalangitan ngayon, nakaka-relax.

"Lagi akong humihiga rito para lang pagmasdan ang langit." Bigla niyang sabi.

Hindi ako sumagot at hinayaan s'yang mag-kwento.

"Parang malaya ako sa tuwing tumitingin ako sa kalangitan. I mean, parang simpleng tao lang. Simpleng buhay, walang misyon at walang problema." Dugtong n'ya.

Tumahimik ang paligid.

"Pat..."

"Yeah?" Nakatingin pa rin ako sa kalangitan.

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Where stories live. Discover now