SDOBE: Chapter 80

15 2 0
                                    

Yani POV

"Duh, Yani! Kung ikaw ang nandoon paniguradong mabwi-bwisit ka rin. Parang si Boss nga lang e. Kamukha n'ya na, kaugali pa. Psh. I swear, you will hate him if ever."

Kamukha n'ya na, kaugali pa.

Middle Door. Ospital para bumuhay ng mga patay.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Why? Bakit parang malakas ang kutob kong s'ya ang nasa Middle Door?

Hindi kaya, buhay s'ya?

"Yani!" Sigaw ng kung sino.

"Huh?! B-bakit?"

Napa-irap s'ya sa akin. "Kanina pa kita tinatawag pero 'yong utak mo mas mataas pa sa eroplano. Ano bang iniisip mo? Ayos ka lang ba? 'Yan ba epekto ng mag-stay dito sa Mego Headquarters?" Mataray niyang tanong.

Napailing ako at nag-pilit ng ngiti. "May iniisip lang. Babalik na ka—."

"Yani!" Naputol ang sasabihin ko ng may sumigaw sa pangalan ko kaya napalingon ako rito at nakita kong tumatakbong palapit sa akin si Daryl.

"Oh, bakit?" Tanong ko nang makalapit ito.

"Nasa Section C si Butler Ri. Pumunta ka na lang doon dahil may inaasikaso s'ya." Sabi n'ya at napatingin sa katabi ko. "Oh. Avila, right? Ikaw si Seven?" Tanong nito kay Avila.

"You must be Daryl. Yeah. Actually hindi ako masyadong kilala sa Seven at hindi pa ako legal na kasama sa Mego, pero malapit na." Nakangiti namang sabi ni Avila.

Hay, makaalis na nga.

Hinayaan ko silang dalawang mag-usap doon at umalis ng hindi nag-papaalam. Naglakad ako patungo sa Section Room at lumapit sa Section C. Papasok na sana ako ng maalala ko ang sinabi ni Avila kanina.

—"E pano ba naman kasi, ako pinag-bantay ni Boss doon sa Middle Door. Umalis sila ni Dra. Morales kaya ako raw muna mag-bantay. Tuwang-tuwa pa ako noong una dahil gwapo 'yong babantaya ko kaso no'ng nagising, ang sungit!"—

Napalingon ako sa kaliwang gilid ko kung saan nandoon ang Middle Door.

Should I enter this room?

"Duh, Yani! Kung ikaw ang nandoon paniguradong mabwi-bwisit ka rin. Parang si Boss nga lang e. Kamukha n'ya na, kaugali pa. Psh. I swear, you will hate him if ever."—

Or not?

But what if he's really alive?

Pero imposible.

Napabuga na lang ako ng hininga.

Ayoko sanang gawin pero sinasabi ng utak ko na buksan ko ang pintuang iyon at pumasok.

Himdi ko namalayan na nakalapit na ako sa Middle Door habang nakadikit ang kanang palad sa pintuan.

Gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy ni Avila, kung sino ang taong nasa loob ng kwartong ito at kung bakit sabik na sabik akong makita s'ya.

Hindi ako sigurado kung s'ya nga ba ang nasa loob pero susubukasn ko.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.

"Yani?"

Agad akong napatingin sa gilid ko at nakita ko roon si Butler Ri na kalalabas lang sa Section C.

Napalayo ako sa Middle Door. "B-butle Ri, kanina ko pa po kayo hinahanap." Sabi ko rito.

Ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha n'ya sa tuwing nakikita ko s'ya.

Seven Days Of Being Evil: The Lies [BOOK 1]Where stories live. Discover now