Ch. 11

9.7K 282 31
                                    

Florrence

Inihatid na ako ni Tyrone sa kanyang silid matapos naming kausapin ang mga lobong itinalaga niya para magbantay sa akin.

"Magpahinga ka muna rito, gigisingin na lang kita mamaya." Ani Tyrone nang makapasok na kami sa loob ng kanyang silid.

"Magpahinga ka na rin. Alam kong abala ka sa mga gawain mo araw-araw. Nakadagdag pa yata ako sa aalahanin mo." Napagawi ang tingin ko sa tanawin mula sa nakabukas niyang bintana. "Sa kama ako, tapos sa couch ka?"

"I prefer if we'll stay in different rooms, Florrence." Napalingon ako sa gawi ni Tyrone. Nakatayo siya sa may pintuan habang ang dalawa niyang kamay ay nakapamulsa sa kanyang pantalon.

"I trust you."

"I trust myself too... but not in your presence. Not in this room. With just the two of us here... alone." Lihim akong napangiti nang makita ko siyang akma na sanang tatalikod sa akin para magtungo marahil sa guest room sa ibaba.

"What's the worst thing that you can possibly do to me, Tyrone?" Mapaghamon kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kakapalan ng mukha para lapitan siya, pero heto ako ngayon at humahakbang na palapit sa kanya. "If you wanted to hurt me, you could have done that. You... had me all to yourself in that hotel room. Just you and me."

"There's more to me than what you see, Florrence. I'm afraid you'll run away if you'll discover what kind of a person I am." Nakapikit na si Tyrone at nakasandal sa nakasarang pintuan nang sambitin iyon.

"Every one has their own sets of demons, Tyrone." Lumapit ako sa kanya bago hinaplos ang kanyang pisngi. "Your goodness outshines the monster in you. Gone was the madmad you were once before. What I see now is a man worthy of my respect. The man who promised to love and protect me for all eternity."

Sukat sa sinabi ko'y napadilat ang maiitim na mga mata ni Tyrone. Matiim niya akong tiningnan bago niya inabot ang dalawa kong kamay at hinila palapit sa kanya.

"Will you accept a monster like me, Florrence?"

"I said I will try, Tyrone. We'll make this work, right."

Hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno, kung sino ang nanghalik kanino, pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa mga halik niya.

Ipinulupot ko ang aking mga braso paikot sa kanyang batok at mas inilapit pa ang aking sarili. I am under his warmth now. A nice and calming feeling just by being this close to him.

Unti-unting naglandas ang aking kamay patungo sa matitipuno niyang dibdib, ang mga kamay naman niya ay nasa batok ko't nakaalalay.

Napasinghap ako nang magpalit kami ng posisyon. Ako na ngayon ang nakasandal sa pintuan, tumutugon sa bawat halik niya, at dinadama ang kaniyang katawan.

Naramdaman ko ang kamay niya na napahawak sa aking pang-upo. Hindi ko maintindihan pero bigla akong sinilaban sa ginawa niya. Napakainit sa pakiramdam. Parang gusto ko pang ilapit ang sarili ko sa kanya kahit na ang lapit-lapit ko na sa kanya.

Naglakbay ang mga labi ni Tyrone patungo sa aking leeg. Nakikiliti ako sa marahan niyang paghalik, napupukaw ang mga sensasyong hindi ko inakalang mararamdaman ko ngayon.

Napaungol ako nang kagat-kagatin ni Tyrone ang sensitibong parte ng aking leeg, naging dahilan iyon para mas manggigil siya.

"F-florrence... we need to... we need to stop. I can't control myself if we go any further." Anas ni Tyrone na patuloy pa rin sa paghalik sa akin. "You'll get hurt." Kahit na patuloy siya sa paghalik ay naramdaman ko ang pagiging seryoso niya.

"You will not hurt me." Salungat ko sa kanya sa malumanay na tinig.

"I can... and I will. But not now." Inilayo ni Tyrone ang sarili mula sa akin, sapat lang para matingnan niya ako nang mabuti. "I will claim you as mine. You'll be marked..." Sabi niya sabay turo sa sensitibong parte ng aking leeg, "here."

Ilang sandali rin kaming nagtitigan ni Tyrone, para bang tinatantiya ang isa't-isa. Napaisip ako sa sinabi niya. May nabanggit nga sa akin na ganoon si Dianne, hindi man naging klaro sa akin ang eksplinasyon ni Dianne pero alam kong ginagawa raw iyon ng mga magkabiyak na mga lobo.

Ilang sandali pa akong napatitig sa gwapong mukha ni Tyrone bago nagsalita. "Claim me then."

Iyon lang yata ang hinintay ni Tyrone dahil muli niyang iniangat ang aking ulo at marubdob na hinalikan ang aking mga labi... pababa nang pababa hanggang sa matagpuan na niya ang eksaktong lugar kung saan ako mamarkahan.

Napapikit ako sa sakit na aking naramdaman nang bumaon ang matutulis niyang ngipin sa aking balat. "T-tyrone..."

Maingat akong hinawakan ni Tyrone, ipiniling pa niya ang ulo ko para madiinan pa ng konti ang pagkakakagat niya sa akin.

Masakit. Iyon ang una kong naramdaman nang bumaon ang mga pangil ni Tyrone, pero ngayon ay may hatid na rin iyong kiliti... at panghihina.

Kasabay nang panghihina ng aking tuhod ay ang maagap na pagsalo sa akin ni Tyrone. Napangiti ako nang makita ang bibig niyang may bahid pa ng dugo ko. Iniangat ko ang aking kamay at pinahid iyon.

"Nahihilo ako." Daing ko kay Tyrone.

"I know, love. I'm sorry... i'm sorry." Buhat na ako ngayon ni Tyrone patungo sa kanyang kama.

"I love you, Tyrone." Hindi na malinaw sa akin ang pangyayari. Hindi ko na rin tiyak kong ngiti ba niya ang huli kong nakita bago ko ipikit ang aking mga mata.

At higit sa lahat, sinabi ko ba talaga ang mga katagang iyon sa kanya?

END

Wala pang sensual scenes... pero malapit na. Ahahahahahah

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now