Ch. 10

11.8K 301 10
                                    

Florrence

Baron, Avinia

"Welcome back, Luna." Nakangiting mukha ang sumalubong sa akin pagkalabas pa lang namin mula sa private plane ni Zeann.

Sa buong durasyon ng paglalakbay namin ni Tyrone ay hindi niya ako pinansin. Hindi niya ako kinibo pero hindi rin niya pinakawalan ang aking kamay.

"Hello again, Victor." Nakangiti ko ring bati sa kanya. Nakita kong hawak-hawak niya ang isang pamilyar na maleta sa kaliwa niyang kamay.

"T-teka . . . maleta ko ba 'yan?" Tukoy ko sa itim na maletang hawak niya.

"Kaya nga sabi ko welcome diba?" Nakangiti pa rin ang mukha niya bago maglakad patungo sa sasakyang naghihintay sa amin. Inilagay niya sa pinakalikod ng sasakyan ang maleta ko bago isinara iyon.

Nakasunod lang kami ni Tyrone kay Victor kaya nang matapos na siya ay saktong nasa harapan na kami ng sasakyan. "May kakailangan ka pa ba?" Tanong ni Victor kay Tyrone.

"Wala na. Makakabalik ka na sa pack house." Sabi ni Tyrone bago ako pinagbuksan ng pinto. "Siyanga pala, Victor. Punan mo ng mga bantay ang lahat ng sulok ng Baron." Habilin ni Tyrone bago niya ako pinasakay. Maingat niyang isinara ang pinto bago gumilid at nagtango sa driver seat ng sasakyan.

Wala pa rin kaming kibuan na dalawa. Nagmamaneho lamang siya habang ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana.

Tulad ng ibang bansa sa Avinia, napapalibutan ng masukal na kagubatan ang buong lugar.

"Gaano kalawak ang Baron?" Sinubukan kong basagin ang katahimikang namamagitan sa amin.

"Malawak. Pangatlo sa pinakamalaking bansa ng Avinia. Karugtong lang ito ng lupain ng Nealandra at Mystica. Nasa gitna bale ang Baron." Sagot niya sa akin ng hindi man lang lumilingon sa aking gawi.

"Akala ko hindi mo na ako kikibuin." Pabulong kong sabi na alam kong rinig na rinig niya naman.

"Galit ako, Florrence." Tipid niyang sagot sa akin. Nakita ko pa ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.

"Alam ko naman na kasalanan ko a-"

"I should protect you. Dapat hindi na kita hinayaang talikuran ako noong una pa lang. I said 'why not make it your way?'. I tried, but I failed." Wika niya.

"I'm a magnet for trouble, Tyrone." Malungkot kong wika.

"No. Avinia is not . . . is not used to mortals like you. You see? Danger will always haunt you here." Napabuga ng hangin si Tyrone habang panakaw akong sinusulyapan.

"What do you suggest? That I leave Avinia?" Hindi ko alam kung bakit parang masakit para sa akin na sabihin iyon.

"No. It's the exact opposite of what I want, Florrence."

"Kung ganoon, ano pala ang gusto mong ipahiwatig?" Tanong ko sa kanya.

"That I will haunt Death for you. Change your fate . . . and be with me forever."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Tyrone. I can see the sincerity in his eyes. I can sense that unexplainable feeling I feel in my chest.

"I will haunt all of our demons, Florrence. Kung 'yan ang kailangan kong gawin para masiguro kong walang mangyayaring masama sa iyo ay gagawin ko."

Namagitan sa amin sandali ang katahimikan bago ako nakapagsalita. "Tyrone, thank you. For eveything that you've done and for the things that you'll be doing for me."

It's impossible to chaste one's demons away, but he'll do it for me . . . for us.

And that's when I realize that everything between us is real. That everything is at stake here. I realize how strong mate bonds are, I can clearly see it in his eyes.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now