Ch. 28

7.3K 221 18
                                    

Note: Update talaga ito for tomorrow. Kaso baka maging busy ako kaya advance na lang ito. No UD for tomorrow, little wolves. Heto na! Enjoy!!!

Florrence

I want the time to stop ticking.

Bawat segundo na lumilipas ay mas lalo kong nararamdaman ang nalalapit na paglisan ng pangkat nina Tyrone.

They will be the largest group travelling to Uganda. With three hundred fighter wolves and their Alpha, I know an ambush will be impossible. Panatag akong makakarating sila ng Uganda na ligtas at walang pinsala.

Ang kinakatakot ko ay ang digmaang magaganap sa pagitan ng Uganda at ng Auota. I will be worrying for Niel, minsan na rin niyang sinagip ang aking buhay. I will worry for Yra, kailan lang nung nawala ang anak niya tapos heto pa't naging dahilan iyon ng pagkakagulo sa pagitan ng Auota at Uganda. I will worry for everyone, may kanya-kanya silang pinaglalaban.Nakakalungkot at humantong pa talaga sila sa digmaan.

"Luna..." Narinig kong tawag ni Stacey mula sa aking likuran. "Tutulak na po sina Alpha Tyrone patungong Uganda." Imporma niya sa akin.

Napatango ako sa gawi niya bago lumanghap ng hangin. Ito na ang araw na itinakdang maghihiwalay kami ni Tyrone nang panandalian.

Lumabas na ako sa silid ni Tyrone at bumaba patungo sa sala.

Naroon at naghihintay sa akin si Tyrone, kasama niya sina Sid at Cody. Nakaupo naman sa sofa si Victor, may hawak itong papel na sa tingin ko ay isang mapa. Kung anong lugar o bansa ay hindi ko na alam.

"I wish you luck." Sabi ko nang maharap ko na si Tyrone. Binihag agad ako ng kanyang matitipunong bisig.

"Babalik ako agad, Florrence." Pangako niya.

"Hindi ka pa nga nakakaaalis e. Don't worry too much. Victor will be guarding me. Wala kang dapat na ipag-alala, Tyrone." Pagpapakalma ko sa kanya.

"No amount of words can ease the tension in me, Florrence. Kung pwede lang kitang ibalot at ibaon. Paliitin at ilagay sa bulsa ko ay ginawa ko na." Napatawa maging sina Sid sa sinabi niya. He's being paranoid. Wala namang rason para mag-alala siya masyado. I am perfectly fine here in Baron.

"Ako dapat ang magsabi niyan e. I am the one staying, waiting for you to come back from war." Sabi ko at niyakap siya nang mas mahigpit. "Come back to me, Tyrone. Bumalik ka na humihinga at isang piraso.  I don't mind bruises and wounds, just come back to me alive."

"I will come back for you, Florrence. We have a lot to talk about, a lot of things to do." Seryosong wika ni Tyrone habang yakap ako.

"Mga ilang oras pa kayong magyayakapan diyan? Kasi kailangan na naming umalis ni Tyrone kung gusto pa naming makipagbakbakan." Si Riske. Nakahilig ito sa pader at nakangising nakatingin sa amin.

Napailing-iling ako sa kinatatayuan ko. Gusto ba niyang mamatay?

"Remain your cool, Tyrone. Sa mga kalaban mo na lang ibuhos iyan. Nagbibiro lang ako." Agadna bawi ni Riske. Nag-peace sign ito sa amin bago umalis ng bahay.

"Ililibing ko iyon ng buhay." Narinig kong sambit ni Tyrone na ikinatawa naming lahat na naroon.

"Bakit nandito 'yon? Akala ko ba nauna na siya papunta sa Uganda?" Tanong ko kay Tyrone.

"May pinadala si Zeann na mga lobo para magbantay sa iyo, sinamahan lang ni Riske." Sabi ni Tyrone at umiwas ng tingin sa akin. Napamulagat ako sa sinabi niya. Mga lobo na magbabantay sa akin? Hindi pa ba sapat sina Victor?

"I'm worried, Florrence, okay? Matatahimik lang ako kapag sigurado akong safe ka talaga." Wala naman akong sinasabi pero halatang guilty siya. Hmp! Defensive.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now