Ch. 36

7.2K 212 20
                                    

Tyrone's POV from here on until the end :)

NOTE: ang hindi magbasa ng note, bahala na po kayo kung malito kayo. Incase po na nakalimutan ninyo, may isang guard wolf mula sa Uganda na nagngangalang Liam. Bantay po siya ni Florrence nung kasagsagan ng digmaan. Ngayon na tapos na, umuwi na po si Liam sa Uganda.Tapos, may isa pang Liam, ang Beta ng Mystica (Angelu's country). Klinaro ko lang para hindi kayo malito.

Tyrone

Hindi ko na natiis ang mga pangyayaring nagaganap. I feel suffocated just watching Florrence kneel down in front of Aba.

Fvck!

Pinatid ko ang upuang malapit sa akin. Sobrang lakas siguro ng pagkakapatid ko dahil sirang-sira iyon nang tumama sa pader na sementado.

Napalingon silang lahat sa akin, maliban kay Florrence. She is still crying in Aba's shoulders. Pinipiga ang puso ko habang patuloy kong pinagmamasdan si Florrence na ganito.

Napabuga ako ng hangin at mabilis na lumabas ng silid-opisina ko. I'm too afraid I'll break all the things inside and scare the shit out of Florrence

'Where do you think you're going?' Narinig ko ang boses ni Gaizer sa aking isipan.

'Fvck off!' I answer back and went straight to my pick-up truck.

Mabilis akong nakasakay sa sasakyan at pabalibag ko iyong isinara.

'Tyrone, it's a difficult-' ngunit isinara ko na ang aking isipan mula sa kanilang lahat.

I need to fvcking think! Kailangang mabuhay ni Florrence. Goddamnit! Nahampas ko ang manibela sa sobrang galit. Why does it have to be Florrence? Bakit hindi na lang ako ang mamatay?!

I start the engine. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong mag-isip saglit.

I curse under my breath. Why this shit is happening to us?

Just when I'm about to manuever my truck, nakita kong lumabas si Florrence ng bahay.

Piniga na naman ang puso ko nang makita siya. How can I let this woman die? Her death means my own death too.

Nakita ko siyang nagpalinga-linga hanggang sa mapadako ang tingin niya sa pick-up truck. I didn't dare move, even if I want to, wala pa rin. Naestatwa na ako sa kinauupuan ko.

How can I afford to lose someone like her? Paano ko kakayanin lahat gayong iniisip ko pa lang na mamawala siya'y para na rin akong pinapatay.

She walks straight to me.She knocks on my window. Napalingon ako sa kanya habang ibinababa ang bintana ng sasakyan.

"Where are you going?" Tanong niya sa napapaos na boses.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay tumingin ako sa harapan. Baka mabasag lang ang boses ko kapag nagsalita pa ako.

"Tyrone, please, understand. I love you so much. But I can't stand the thought of aborting my baby just so I can live." Tumulo na naman ang mga luha niya.

God! This is killing me. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang aluin, gusto ko siyang bigyan ng kasiguraduhan. Pero paano ko gagawin iyon kung pati ako ay kumbinsidong hindi niya malalagpasan ang pagsubok na ito?

How can I fight Death just so I can be with her forever?

"Tyrone, please, understand. Tyrone-"

"I'm trying." Putol ko sa sinasabi niya. I am trying my best accept her fate. Sinusubukan kong pigilin ang galit ko, because if I let lose...hindi ko alam kung ano ang magiging itsura ng Baron pagkatapos kong magwala.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now