Ch. 8

10.7K 308 26
                                    

Unedited Chapter

Florrence

Ilang minuto na akong nakatulala habang hawak sa isang kamay ang cellphone ko. Hindi ako makapaniwala sa usapang namagitan sa amin ni Tyrone.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang pumasok si Dianne sa loob ng silid at may kasama pang pagdadabog.

"Anong nangyari sa iyo?" Tanong ko sa kanya na binalewala lang niya. Nagtuloy-tuloy siya sa kulay pula na maletang nakapatong sa ibabaw ng sofa at nagsimulang maghalungkat ng gamit doon.

"Kailangan kong umalis sandali, Florrence. Nakalimutan ko na may kailangan pala akong gawin bago tayo umalis ng Avinia. Pangako sandali lang talaga ako. Ihahabilin muna kita kay De-"

"Papunta na si Tyrone rito . . . sa pagkakaalam ko." Putol ko sa sinasabi ni Dianne bago bumangon sa higaan at tiningnan ang kanyang mukha. "May nangyari ba, Dianne? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tukoy ko sa kanya. Kunot na kunot kasi ang mukha niya, tanda na may matindi siyang inaalala.

"Wala. . . may kailangan lang talaga akong gawin. Mawawala ako ng mga dalawa o tatlong araw. Babalik ako agad pagkatapos ng lakad ko. Pasensya ka na talaga at nakalimutan kong ipaalam ito sa iyo." Hinging paumanhin ni Dianne sa akin.

"Wala lang iyon. Mag-iingat ka sa lakad mo." Paalala ko kay Dianne. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ginagap ko ang kanyang kamay bago siya nginitian, "Alam kong may itinatago ka sa akin."

Sukat sa sinabi ko ay napahagalpak ng tawa si Dianne. "Kailan ba pa ako makakapaglihim sa iyo, Florrence. Pati yata kaluluwa ko kabisadong-kabisado mo na." Biro niya sa akin.

--

Dala na rin ng aking pagkabagot ay lumabas ako sa silid namin ni Dianne at naglakad-lakad sa malawak na mansyon ni Derek.

Napag-alaman ko mula sa mga taga-silbi rito na kasalukuyang nasa Mystica si Derek at nakikipagpulong sa Alpha ng Mystica.

Kasama ko ngayon si Claire, isa sa mga taga-bantay ng mansyon, at naglilibot sa malawak na hardin. Ilang oras na rin kaming naku-kwentuhan ni Claire.

"Mamimitas lang ako ng prutas, Florrence. Gusto mo bang sumama?" Yaya ni Claire sa akin.

"Dito lang ako. Saan ka ba banda mamimitas?" Tanong ko sa kanya.

"Doon lang banda." Turo ni Claire. Sinundan ko ang lugar na itinuro niya. Medyo may kalayuan ang kanyang pupuntahan, kung sasama ako ay mapapabagal ko lamang siya.

"Sige, dito na lamang ako. Hintayin na lamang kita." Sabi ko sa kanya.

"Florrence." Tawag niya nang akmang tatalikod na ako. "Mag-iingat ka. Huwag kang masyadong lumayo at baka mapasok ka sa labyrinth."

Napatango ako sa sinabi niya. Nakita ko ang malawak na labyrinth mula sa kwarto namin ni Dianne.

"Pagpasok mo pa lang dito ay patibong na ang naghihintay sa iyo." Wika ni Claire sa seryosong tono.

"Kung sakali . . . may maligaw sa loob ng labyrinth, paano kayo makakalabas?" Tanong ko sa kanya.

"Ang sabi sa amin ni Alpha Dante, ang ama ni Alpha Derek, na siyang nagpatayo ng labyrinth ay "Sundan mo lang ang kulay ng ulap at ikaw ay makakarating sa iyong paroroonan.""

Hindi ko man naintindihan ang kanyang sinabi ay napatango na lamang ako. Hinayaan ko na lang siyang umalis habang ako ay nagpatuloy sa pag-iikot.

Ilang minuto pa akong nagpaikot-ikot nang mapansin kong parang wala na akong nakikitang bago, parang paulit-ulit na lamang ang mga tanawin na nakikita ko.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang