Ch. 6

13K 344 28
                                    

Unedited chapter

Florrence

"Luna-"

"Kanina mo pa ako tinatawag sa pangalang iyan. For the record Victor, hindi Luna ang pangalan ko kundi Florrence. Florrence Amity Figueroa." Ulit ko sa kanya nang pagbuksan niya ako ng pintuan.

Ang sabi sa akin ni Victor ay dito raw sa Laminia Hotel namin hihintayin si Tyrone pagkatapos ng dinaluhan nitong pagtitipunan kasama ang ibang Alphas ng Avinia.

Naging mabilis ang naging pagbabyahe namin mula sa mansyon na pinanggalingan namin hanggang dito sa hotel. Nararamdaman ko ang higpit ng seguridad rito pagkarating pa lamang namin nina Victor. Maraming nagkalat na lobo sa paligid ng hotel n'ong dumating kami rito. Nakita ko rin noong inutusan ni Victor ang isang lalake para magmanman sa lugar na nakapalibot sa hotel.

"Alam ko, Luna. Hahayaan ko na lamang na si Alpha Tyrone na mismo ang magsabi sa inyo ng mga bagay na dapat ninyong malaman." Magalang na sagot sa akin ni Victor. Wala na rin naman akong magagawa kaya tinanguan ko na lamang siya at nagtuloy-tuloy na sa loob ng silid na binuksan niya.

Sabi ni Victor ay nasa labas lang siya kung sakali mang may kailanganin ako. Hindi ko sila maintindihan, para bang ingat na ingat sila sa kanilang bawat paggalaw. Napabuga ako ng hangin at tinungo ang mini-sala sa loob ng silid. Doon ako pasalampak na umupo bago tawagan si Dianne.

"Dianne..." Bungad ko agad sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.

"Papunta na ako sa hotel. Ayos ka lang ba?" Bakas sa boses niya ang matinding pag-aalala.

"Alam mo kung nasaan ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Nakita ko sa pangitain ko kanina. Mabuti na lang at naisipang maglibot ni Sean at nakita ka niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa iyo, Flor. Kasalanan ko ang lahat ng ito." Paninisi ni Dianne sa kanyang sarili.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan, Dianne. Alam kong minsan ay palpak talaga ang kapangyarihan mo." Sabi ko at nilakipan pa iyon ng mahinang pagtawa para kahit paano'y gumaan ang loob ni Dianne. "Pero kailangan kita rito ngayon. Wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Anong mate? Anong Luna? Hindi ko sila maintindihan." Sabi ko kay Dianne.

"Mate? Luna? Sino ang nagsabi niyan sa iyo?" Tanong sa akin ni Dianne na para bang nabigla rin.

"S-si Tyrone. Alpha Tyrone ba iyon? Oo siya. Tinawag niya akong mate kanina. Iyong kasamahan naman niyang si Victor ay tinawag ako na Luna. Ano bang ibig sabihin niyan?" Tanong ko sa kanya.

"Holy chicken eggs?! Seryoso ka ba sa sinasabi mo, Flor?" Bulalas ni Dianne sa telepono.

"Hindi, actually nagbibiro lang talaga ako." Sarkastiko kong sagot sa kanya, napaikot ko pa ang mata ko dahil sa walang kwentang tanong ni Dianne. "Oo nga. Ano ba ang ibig sabihin niyon?" Hindi ko maintindihan ang naging reaksyon ni Dianne. Kinakabahan na tuloy ako sa maaaring pakahulugan ng mga salitang iyon.

"Oh my freakin' gosh. As in OMG." Ani Dianne at pinalagitik pa ang dila. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiwi ngayon ang ekspresyon ng mukha niya. "Patapos na yata sila sa kanilang pinag-uusapan. Teka, huwag mo munang ibaba." Sabi niya at parang may kinausap sa kabilang linya. "Papunta na raw si Tyrone sa hotel. Maghihintay ako sa resulta ng pag-uusap ninyo."

"Ha? Anong ibig mong sabihin, Dianne? Anong pag-uusapan namin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi ko alam kung maiintindihan mo, Flor. Pero sana bigyan mo ng pagkakataon si Alpha Tyrone na ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa iyo. Alam kong mahirap at hindi mo mauunawan agad ito, pero sana ay subukan mo pa ring intindihin si Alpha Tyrone." Iyon lamang ang sinabi ni Dianne bago tapusin ang tawag.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα