Ch. 26

8.2K 243 5
                                    


This is more like a filler chapter. Still, I hope you'll enjoy this update! O ha! Hindi ko kayo pinaghintay ng matagal. Hmmm next update will be 1-2 days from now :)

One more thing. thanks so much, wolves! From #231 na ranking ng Tyrone ngayon ay naging #30 na siya!!!! Iyong Alpha's Omega naman na ilang buwan ko ng natapos isulat, ngayon ay nag-#16 ulit! Haaaaaay, wala na akong mahihiling pa!

UNEDITED PA RIN!


Florrence


"Any plans for today, Luna?" Tanong ni Cody, ang isa sa mga taong-lobo na inatasang magbantay sa akin, nang makita niya akong pababa mula sa ikalawang palapag.

"Sa Baron...wala. Pero kung tatanungin mo kung may plano akong gawin, lalo na sa Uganda, oo ang magiging sagot ko riyan." Nakangiti ako nang maaliwalas sa gawi ni Cody nang sabihin ko iyon, ngunit heto siya ngayon at nakatanga sa aking harapan.

"U-uganda?" Ulit niya sa binanggit kong pangalan ng bansa kanina.

Marahan akong napatango sa kanya. "May problema ba sa Uganda, Cody? May nangyari na naman bang kaguluhan na hindi ninyo sinasabi sa akin?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Wala naman po, Luna. Ngunit...mapapatay ako ni Alpha Tyrone kung papayagan kitang umalis ng Baron ng hindi niya alam." Pagpapaliwanag ni Cody sa akin.

Maagang nagpaalam si Tyrone sa akin na lalabas, makikipagpulong daw siya sa kanyang mga nasasakupan at iaanunsyo ang tunay na estado ng Baron at ng mga karatig bansa nito at ng Auota. Ipinaliwanag niya sa akin na kailangan niyang pakiharapan ng personal ang kanyang mga tao, at magbigay ng kautusan sa kung ano ang kanilang  kailan na gawing paghahanda bago pa man sumiklab ang gulo sa buong kontinente.

"Can you call him for me?" Pakiusap ko sa kanya.

"Luna?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa pinagsasabi ko.

"Maaari mo ba siyang tawagan? kakausapin ko lang naman siya." Ulit ko sa aking sinabi kani-kanina lang. 

"S-sige po. Saglit lang." Anito at nakita ko kung paanong huminga ng malalim si Cody. Unti-unti ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, maging ang kulay ng kanyang mga mata ay nag-iba rin. Nagkulay ginto ang mga iyon. 

Mind link.

Minsan ay napapanganga na lang ako sa kanilang mga abilidad. Ang bilis nila sa pagtakbo, ang kanilang kakaibang lakas, ang pagkausap nila sa kanilang kapangkat gamit ang mind link, at marami pang iba.

They're one heck of unusual, yet beautiful, creatures.

"Papunta na po ang Alpha rito." Sabi ni Cody na naging dahilan ng pagbalik ng isip ko sa kasalukuyan.

"Hmmm...salamat. Sana ay hindi kita naistorbo masyado." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"There's nothing to worry, Luna. We are here to serve and protect the Alpha and his family." Nakangiting sagot ni Cody sa akin. Aalis na sana siya palabas ng kabahayan ngunit napatigil siya sa kanyang paghakbang nang tawagin ko ulit ang kanyang pangalan.

"Cody...sa tingin mo ba ay lalala ang sigalot sa pagitan ng Uganda at Auota?" Tanong ko sa kanya.

"Ang totoo, Luna? Sa palagay ko po ay oo. Magiging magulo ang mga susunod na araw, hindi lamang sa pagitan ng Uganda at ng Auota, ngunit maging ang mga bansa sa kontinenteng ito ay damay na rin." Ani Cody at nagpakawala ng hangin. Hindi ko namalayan na pigil na pala niya ang kanyang paghingi.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now