Epilogue

10.1K 230 48
                                    

Tyrone

Florrence Amity Figueroa

Your love will see us through.
Died: September 19, 2010

Inilagay ko ang tatlong tangkay ng pulang rosas sa ibabaw ng puntod ni Florrence.

I smile a sad smile as I trace her name using my finger.

"Daddy!" Narinig kong sigaw ni Alexandros sa aking likurang gawi.

Tumatakbo siya ngayon patungo sa akin. May dala ring rosas sa dalawa niyang kamay.

Kinalong ko siya nang makalapit na siya sa akin. Inilagay niya ang isang tangkay ng rosas sa ibabaw ng puntod ni Florrence.

"Kanino ang rosas na iyan, Xandro?" Tanong ko sa isa pang tangkay ng rosas na hawak niya sa isa pa niyang kamay.

"For Mommy Selena!" Patiling sagot ng bata sa aking katanungan. Napangiti ako sa gawi niya.

"Mommy Selena doesn't like roses. Let's go and buy her some lilies." Anyaya ko kay Xandro at giniya siya palabas ng sementeryo ng Baron.

Pakanta-kanta pa si Xandro habang kalong ko siya sa aking mga bisig. He is turning four this year. Mag-aapat na taon na rin mula nang mamatay si Florrence.

"I can't wait to see Mommy Selena, daddy!"  Sigaw ni Xandro at nagmamadaling sumakay sa passenger seat ng sasakyan nang mapagbuksan ko na siya.

"Me too, baby." Sabi ko at biglang ngumiwi. Pahirap ang babaeng iyon.

Dumaan kami sa flowershop ni Stacey at bumuli ng isang dosenang lilies. Dumaan na rin kami sa grocery store na nadaanan namin para bumili ng pork ribs para sa barbeque session namin mamaya nina Angelu.

"Hurry up, dad! Gusto ko ng makita si mommy!" Ani Xandro at nagpatiuna ng sumakay sa sasakyan.

Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Dinala ng isang lobo ang mga pinamili ko at inilagay sa likod ng sasakyan. "Goodluck, Alpha." Sabi pa nung lobo sa akin.

Tch. Goodluck talaga.

Nagdrive na ako patungo sa bahay. Si Xandro naman ay hindi mapigil ang kasiyahan na makitang muli si Selena.

A lot of things had changed already. A lot of it. Angelu and Dianne are now happily engaged, habang si Zeann at Yra naman ay kabado dahil sa papalapit na kabuwanan ni Yra. Macon is as gloomy as ever, pero mabuti na lamang at nandyan si Liliana para rendahan ang kasungitan niya. Niel and Derek...well, they are a weird pair. Kawawang Derek talaga.

Nang maipark ko na ang sasakyan sa harapan ng bahay ay walang pasabing umibis ng sasakyan si Xandro at tumakbo papasok sa bahay.

Agad siyang kinarga ng Tito Gaizer niya na nag-aabang na pala sa kanyang pag-uwi.

"Hey there, buddy! Ready for combat training?" Tanong ni Gaizer kay Xandro.

"Okay, Tito. I'll give this lilies first to mommy. You know where she is?" Tanong ni Xandro sa tito niya.

"Kitchen, I guess." Tugon ni Gaizer sa katanungan ni Xandro.

Mabilis pa sa alas kwarto na tumakbo si Xandro papasok sa kabahayan.

"Kamusta ang bahay?" Agad kong tanong sa kanya.

"Okay lang. Maraming basag na gamit sa loob." Makahulugan siyang ngumiti. "I suggest you make a house out of steel. Sa tingin ko taon na lang ang bibilangin ng bahay na ito at tuluyan na itong magigiba." Kumindat si Gaizer sa akin at umupo sa reclining chair na inilagay ni Selena sa may teresa ng bahay.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now