Ch.39

7.1K 218 28
                                    

"Ano ang gusto mong ipangalan sa kanya?" Tanong ni Florrence at tiningala ako.

Nasa silid kami ngayon at nagpapahinga. Kagagaling lang ni Aba rito para tingnan ang kalagayan ni Florrence. Nalaman na namin ang kasarian ng bata kani-kanina lang. Florrence wanted it to be a surprise, pero tumanggi ako. I want her to know the gender of her baby...our baby. I almost cried seeing how Florrence shriek with pure joy and pride when Aba told her what we're expecting.

"I want to name him Sky." Nakita kong nangunot ang noo ni Florrence. "Sky Alexander." Tugon ko sa katanungan niya habang nilalaro ang buhok niya sa aking daliri.

"Sky Alexander? Hmmm... How about Vladmiere Alexandros?"

Napangiti ako sa suhestiyon niya. She is always like this. She asks for my opinion but at the end, want she wants will always prevail.

"Vladmiere Alexandros it is." Sang-ayon ko sa sinabi niya at hinaplos ang umbok sa tiyan niyang halatang-halata na sa bestidang suot niya.

Florrence grow pale day after day. She eats medium rare meat, mas gusto niya iyong may dugo pa. Maybe it is the vampire thing that was suppressed in her. Maliban doon at sa gatas, wala na siyang ibang gustong kainin. Isinusuka lang din niya kapag pinilit niya.

Naglilihi pa rin siya kay Gaizer pero hindi na katulad ng dati na tumatabi pa talaga ang kapatid ko sa amin. Now, just smelling his scent is enough for Florrence.

"Tyrone," Tawag niya sa pangalan ko, napalingon ako sa kayan at umungol bilang sagot. "You make him visit my grave every year, please? You tell him how much I love him." Alam kong pigil-pigil ni Florrence ang kanyang pag-iyak. These past few days, she acts like nothing is wrong.

Itinatago niya sa lahat ang sakit na nararamdaman niya, pero hindi sa akin. I can feel it in me, how her heart clenced everytime she holds her womb lovingly. How she cries at night everytime she thinks I am asleep.

She's been strong through it all. Ayaw niyang ipahalata na sobra siyang nasasaktan, pero mas lalo akong nasasaktan dahil doon. I hate how I can do nothing to ease her pain.

"I will, baby. I will tell our son how beautiful you are. How much you love us. I will tell him how great you are. I will make him love you like the way I am feeling now. He will remember you always, Florrence." Pangako ko sa kanya. "Alexandros will always remember you as his loving mother."

Naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking mga palad. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang luhang naglandas doon.

"Thank you for loving me, Tyrone. My love for you will stay forever, Alexandros will be my living proof." Aniya at pinunasan na rin ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi.

"Ano ba ito, naiiyak ako. Ang drama ko talaga, pero hindi joke iyon ha? Totoo lahat ng iyon."

"Naniniwala ako, Florrence. Naniniwala ako." I whisper in her ears.

Niyakap ko siya nang mahigpit at dinala sa aking dibdib ang kanyang ulo.

"I feel so lost knowing I'm not a real Figueroa. Akalain mo iyon, baby. Hindi ko alam kung sino ang tunay kong ama." Ngumuso si Florrence. That thing also, besides her pregnancy, she also worries about her whole existence. Kaunting bagay lamang ang naalala niya tungkol sa kanyang ina.

"I don't care if you're not a Figueroa, baby. Wala akong pakialam kahit na ano pa ang apelyido mo."

"Easy for you to say that, Mr. Villaverde." Marahas akong napabaling sa nangingiti niyang mukha..

"How did you know?" It's not unusual for some wolves to have a last name. For formality purposes lamang iyon, documentations.

"I have sources, baby. I love your name, Tyrone Gale Villaverde." Nangiti si Florrence nang sambitin ang pangalan ko. "Vladmiere Alexandros Villaverde." Napapalatak si Florrence. "Tunog chickboy ang pangalan, Tyrone. Sapakin mo talaga ang anak mo kapag nagkaganoon ha. Dapat magmana siya sa tito niya. Mabait na, gwapo pa. Ang ganda pa ng pangalan." Makulit na sabi niya. Napatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Florrence.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now