Ch. 5

12.5K 413 50
                                    

Florrence

"Human." Narinig kong wika ng lalaking nasa aking harapan.

Napaharap ako sa kanya at napansin ang mantsa ng pintura sa kanyang damit. Napadako ang tingin ko sa kanyang mukha. Nakangisi siya na parang demonyo sa gawi ko. Ang mga mata niya ay nakatingin lang sa bawat paggalaw ko.

"I-I... I, I am looking for a woman. I think she needs help, h-have you seen her?" Kinakabahan kong tanong sa lalaking may mahaba at maitim na buhok. Ngayon ko lang namalayan na unti-unti na pala akong humahakbang palayo sa kanya.

Sana mali ang hinala ko. Sana... sana hindi sila ang mga lobong inaakala ko.

"Woman you say?" Nakakaloko ang ngiting nasa kanyang labi. Napalunok ako sa uri ng pagkakatitig niya sa akin. "What woman?" Itinaas ng lalake ang kanyang kaliwang kamay bago inilahad sa ere. "Janine."

"Boo!" Napasigaw ako sa matinding gulat nang maramdaman ko ang isang kamay na biglang humawak sa aking beywang. "Fancy seeing you here, human." Bulong ng boses babae sa aking tenga. Unti-unti akong lumingon at nakita ang babaeng sinusundan ko kanina na ngayo'y nakangiti sa akin.

"Y-you're wounded..."Sabi ko sa babaeng nagmamay-ari ng pulang mga mata at buhok na kulay abo.

"Am I?" Nakakapangilabot ang klase ng ngiti na namumutawi sa kaniyang labi.

I can visibly see their canines protruding, I can see how their eyes turned a bit darker, I can see how their hands morphed into some beastly figure.

"It'll be quick, my dear." Mahinang bulong ng lalake bago naglakad patungo sa akin.

"I'm a visitor here. I... I." Hindi na ako makahinga sa tindi ng kaba na aking nadarama. "I'm a special guest of Alpha Derek!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawa kong kamay sa harapan nila. Nararamdaman ko na ang mga binti kong nanginginig sa takot.

"Oh... Derek." Nakangising sambit niya at sinadya pang ipakita ang pangil niya. "Too bad we don't follow rules, dear." Sa sinabi niyang iyon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na tumakbo palayo sa kanila. I know it is futile to run away from them, they're beast. I have no chance for survival.

"Run, dear! We love chasing games!" Narinig ko ang kahindik-hindik na boses ng lalake mula sa aking likuran. Hindi ko mapigilang umiyak. Mamamatay ba ako ng hindi man lang nakakausap ang aking ama? Ito na ba ang huling araw ko sa mundo?

Kinapa ko ang aking cellphone at walang dalawang-isip na tinawagan si Dianne. Wala pa mang ikalawang ring ay sinagot na ni Dianne ang tawag ko. "Dian-"

"Where are you?!" Bungad agad ni Dianne sa akin.

"I... I'm in dang-" Ngunit hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang marinig ko ang malakas na pagsinghap ni Dianne mula sa kabilang linya.

"Run. Just run, Flor." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya. "Derek, nanganganib ang buhay ni Flor. Umalis na tayo!" Iyon lamang at naputol na ang tawag.

"Boom!"

Bigla akong napatigil sa takbo nang biglang lumitaw sa aking harapan ang lalake kanina. Nanghina ang loob ko, kahit ano pala ang gawin ko ay wala ring silbi. Ano nga ba ang laban ng isang mortal sa nilalang na tulad nito? Kung darating man sina Dianne ay huli na rin sila. Wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin ang aking kapalaran.

"Any last wishes?" Ang boses naman ng babae ang narinig ko mula sa aking likuran. Hindi ko na siya pinansin pa at nanghihinang napasalampak sa lupa. I can't believe this, going to Avinia was the biggest mistake I made in my entire life.

"What satisfaction can-" Ngunit napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang takot sa mukha ng lalaking humahabol sa akin kanina. Napakunot ang noo ko at sinundan ang kanyang paningin. Napapikit ako nang mariin at napamura. Isang lalake na naman ang biglang lumitaw, mahilig ba talaga sila sa karne ng mga tao at parang nag-aawagan pa yata sila?

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now