Chapter 9

1.3K 20 2
                                    

Habang tanaw ang magandang dagat ay humigop ako sa mainit na kape. Maaliwalas ang araw, magandang lumangoy.

Ang asul na dagat, ang maalat na amoy at ang payapang paghampas ng tubig sa tabing-dagat. Halos makalimutan kong dalawang araw lang pala kaming mananatili rito.

Hinarap ko ng kama kung saan natutulog si Sir. Ngayon ko lang ata siya naunahang gumising.

Nakadapa siya at kita ang tattoo niya sa likod. Bungo ang tattoo niya. Idagdag pa ang piercings niya sa tainga niya. Pero tinatanggal niya naman iyon pag school days.

Lumapit ako sa side table at inilapag ang kape bago umupo sa kabilang parte ng kama. Suot ko ang polo niya na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Marahil pinasuot niya sakin bago siya matulog dahil pagkatapos ng huling posisyon ay nakatulog na ako.

"Sir," hinawakan ko ang matigas niyang braso at bahagya siyang niyugyog. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakaharap siya sa unan.

"Sir, gising na." marahan kong sabi. Nakapagluto na rin ako.

Bahagya siyang gumalaw at hinarap ako. Napalunok ako nang makita ang perpektong mukha niya. Ang makapal niyang kilay, ang matangos na ilong, mapupula at malambot na mga labi niya na laging nagpapanginig sa tuhod ko.

Napako ang tingin ko sa kilay niya.

May peklat doon. Hindi halata pag nasa malayo o kahit ganito kalapit pero pag tinitigan mo, makikita mo ang peklat. Sa itaas lang iyon ng kilay niya at medyo mahaba.

Inangat ko ang kamay ko para haplusin ang ang kilay niya. Ano kayang nangyari roon?

"Good morning, sweet." nailayo ko agad iyong kamay ko nang magmulat siya ng mata.

"G-good morning," naiilang kong bati. Akmang tatayo sana ako pero hinawakan niya ang pulsuhan ko kaya napabalik ako sa kama. Pinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko at pinatong ang mabigat niyang paa sa paa ko. Ang isang braso niya ay ginawa niyang unan ko.

"Ang aga mo namang gumising," paos niyang bulong sa leeg ko.

"Ha? H-hindi na ako dinalaw ng antok e." iyon naman ang totoo. Alas cuatro ako gumising, sinubukan kong matulog pero hindi na dinalaw ng antok kaya nang mag alas cinco ay bumaba ako para magluto ng agahan.

"Dapat ginising mo ako." may lambing na sa boses niya kahit pa seryoso 'yon.

"Pagod ka at isa pa, mahimbing ang tulog mo." namumulang sabi ko dahil alam ko ang dahilan ng pagkapagod niya.

Inalis niya ang ulo niya sa leeg ko at hinarap ako kaya nagiwas ako ng tingin.

"Ikaw, hindi ka ba pagod?" napalunok ako sa tanong niya. Nakakaloko ang tono niya kahit pa seryoso ang mukha niya.

"N-napagod..." yumuko ako dahil nakakaramdam na ako ng hiya pero inangat niya ang ulo ko gamit ang daliri niya. Nagsalubong ang seryoso niyang mata at mapupungay na akin.

"What?" masungit na nakataas ang isa niyang kilay pero may multo na ngiti na nagtatago sa labi niya.

"N-napagod din ako pero mas... pagod ka kasi ikaw ang gumalaw..." mariin akong pumikit at mahina kong sinabi ang huling anim na salita.

Narinig ko ang mahina niyang tawa na mas ikinapula ng mata ko.

"Don't be shy, sweet. Tara na, kain tayo." nauna siyang bumangon bago niya ako hinila paupo.

Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa kusina.

"What is your plan for today?" tanong niya habang pababa kami ng hagdan.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now