Chapter 3

2.2K 19 0
                                    

"Ate!" masayang bungad ni Rica nang makita ako sa pintuan. Agad akong lumapit sa kaniya na nakaupo sa kawayang sofa at niyakap siya.

"Namiss kita, ate. Akala ko sa susunod na buwan ka pa uuwi?" tanong ni Rica. Akala ko rin e.

Ngumiti ako. "Pinayagan ako ng boss ko na bisitahin ka ngayon. Pero aalis din ako mamayang hapon."

"Ang bait naman po niya, ate." manghang sabi ng kapatid ko. Nakita ko ang pagalis ni ate Jean. Nginitian ko siya nang magkatinginan kami.

"Oo. Mabait talaga ang boss ko. Tingnan mo, pinahiraman niya ako ng cellphone." ipinakita ko sa kapatid ko ang cellphone na ipinahiram ni Sir Seige.

"Wow! Mukhang mamahalin!" sabi ni Rica nang hinawakan ito. "May pantawag ka na rito." tiningnan niya ako nang nakangiti.

"Oo naman. Aaraw arawin ko." nakangiting tugon ko.

Buong maghapon, nagkwentuhan lang kami at nanood ng kung ano ano sa TV. May Wifi na pala kasi dito kaya hindi gaanong bored si Rica.

Nagulat ako kanina nang sinabi ni Sir Revlon na bisitahin ko raw ang kapatid ko. Kaya pala niya ako pinagbihis. May pupuntahan daw kasi siyang kliyente ngayong araw. Hinatid niya ako hanggang sa bukana ng barangay namin dahil malapit lang iyon sa bahay namin. Tatawagan niya na lang daw ako kung nandoon na siya.

Pasado alas tres nang tumunog ang cellphone ko na nasa kawayang mesa sa harap namin. Simple lang kasi ang bahay namin. May tatlong kwarto, isang CR kusina at sala. Wala kamkng TV noon kaya sa tsismis na lang kamibumaasa sa balita. May radyo man pero sira.

"I'm here." pagkasabi niya noon ay ibinaba na niya ang tawag.

Humarap ako kay Rica na nakatutok ang mata sa TV. Nanood kasi kami ng National Geographic.

"Rica," agaw ko sa pansin niya.

"Bakit po ate. Aalis ka na po?" tanong niya nang humarap siya sa akin. Tumango ako bilang sagot.

Marami pa akong binilin kay Rica bago magpaalam. Paglabas ko ng bagong pintura na gate, tanaw ko na ang army green na pick up ni Sir Revlon.

Naglakad na ako papunta roon pero nang matapat ako sa mga tambay na kagagaling ata sa basket ball court ay sumisipol sipol na sila. Nasanay na ako dahil lagi silang ganyan. Hindi rin naman sila nangahas na lumapit pa pero tingin ko'y iba na ngayon.

"Bihis na bihis ka, Amaya. May date ka ba?" biglang tanong nong tambay na humarang sa akin. Matangkad siya pero mas matangkad si Sir Revlon. Gwapo siya pero walang panama ang kagwapuhan ni Sir Revlon.

"Balita ko may shota ka." singit naman noong isa sa gilid ko. Pinapalibutan nila ako at kinakabahan na ako.

"W-wala..." pagtanggi ko at humakbang pero may naramdaman ako pumigil sakin sa pamamagitan ng paghawak ng aking siko.

"Ano ba!" binawi ko ang siko ko mula sa isang tambay. Lima silang nakapalibot sa akin.

"Ito naman. Maikipagkaibigan lang kami nitong si Bilog." sabi noong pumigil sa akin.

"Padaanin niyo ako." pilit akong naglakad pero sinusundan nila ako.

"Ano b-"

"Amaya." natigil kami nang makarinig ng baritonong boses. Malamig at matigas iyon. Lumingon ang mga humarang sa akin at bigla na lang tumabi. Dali dali akong naglakad papunta kay Sir Revlon para makalayo sa mga humarang sa akin. Pakiramdam ko ay galit siya.

"What did they do to you?" bumaba ang tingin ni Sir sa akin.

Nakatingala akong umiling. Nagulat pa ako nang hapitin niya ako sa baywang.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now