Chapter 25

701 12 8
                                    

Akala ko hindi ko na makakamit ang pangarap kong buong pamilya. I mean, who doesn't want to have a happy and complete family? Kahit nga mayayaman, hirap iyong makuha kahit pa may pera sila; simpleng mamamayan pa kaya na walang wala?

"Nanay! Nakita ko si Patrice!" I heard my son's voice. "Nanay!" He called me again when I didn't see me in the living room.

"Sa kusina, anak!" I countered. Simula nang lumipat kami ng tinutuluyan, halos mag sigawan kami ni Army. Malaki kasi ang condo ni Seige.

Narinig ko ang mabilis na yapak ng anak ko.

Hindi na namin nilipat ng school si Army kahit medyo lumayo na ang distansya ng tinitirhan namin sa school niya. Ang sabi pa nga ni Seige na sa private na raw namin i-enroll pero hindi ako pumayag.

"Ano iyong sinasabi mo?" Tanong ko nang makapasok si Army dito sa kusina.

"Nay, si Patrice, nakita ko na. Sabi niya lipat na daw siya school kasi maglipat na rin daw sila ng bahay... Gusto ko rin lumipat sa school niya..." Malungkot ang boses ni Army. Mula noon, best friends talaga sila. Masnauna nga lang ng isang taon itong si Army.

"Ha? Saan daw ba sila pupunta?" May kaya sa buhay ang pamilya ni Patrice. Noon nga, naghahatid pa sila ng ulam sa bahay.

"Mag airplane daw siya, Nay. Punta daw sila sa London... Malayo ba iyon, Nay? Baka pwedeng jeep na lang? Pero kasi may sasakyan sila. E, Nay, malayo ba pag nag airplane?" Kumunot ang noo ng anak ko.

"Anak, malayo ang London. Hindi kaya ng kotse o kahit jeep." Paliwanag ko. Bumagsak ang balikat niya tsaka tumalikod at lumabas ng kusina.

Napailing na lang ako. Makalimutan naman nila ang isa't isa kapag lumaki na sila.

The first days are a bit awkward. Kahit pa nagpalagayan na ng loob sina Seige at Army, medyo naa-awkward ako jay Seige. Medyo hindi ako sanay na clingy siya at sweet in a showy way. He's never like that before. He shows emotions pero may distansya parin. However, we try to share our feelings and insights with each other especially things concerning Army. Hindi naman pwedeng ako lang o siya lang ang mag desisyon para kay Army, but we want Army to decide on his own. Oftentimes, we let him decide about clothes he wear, on where we will eat, kahit pa mga desisyon na nahihirapan siya. Ginagabayan lang namin siya ni Seige. Nagbibigay ng opinyon na hindi biased; we give the possible pros and cons on each of his decision.

"Anong sinabi sayo ni Army?" Tanong ko nang makabalik si Seige mula sa kwarto ni Army. Tinawag niya ang tatay niya sa kwarto niya dahil maguusap daw silang mag-ama at panlalaki lang daw.

He smirked before laying beside me.

"Sa amin lang iyon. Hindi raw kasama ang nanay, e." He chuckled. I rolled my eyes.

Pinanood ko siyang umayos ng higa sa side ng kama namin. Napansin niya siguro ang paninitig ko kaya tumigil siya tinitigan din ako.

"Uh, may niligawan ka bang co-faculty noong nagtuturo ka pa lang?" I asked out of the blue. Narealize ko lang, we never talked about our first meetings except noong sa opisina at sa vacation house niya noon.

"Huh? Wala. As much as possible, I separate those kinds of things from work. At isa pa, I only do sex. Kung sa kasamahan ko iyon ginawa, baka kumalat pa sa school. So, no."

"So hindi mo trip iyong mga ka-work mo? Kung ganon, estudyate ang trip mo?" I teased him. Tiningnan niya ako ng masama.

"Kung hindi lang kita mahal..." He gritted his teeth kaya naman sumampa ako ng yakap. Sinalo niya naman ako. He's really huge compared to me. Medyo mataba naman ako pero mas malaki parin siya.

"Joke lang, ito naman. Medyo hindi lang ako naniniwala. Buti nga hindi ka pinagbabawalan ni Laiza." Biro ko ulit. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin pero hindi iyong masakit.

"She's with her boyfriend. And it's okay with me. Nagpakasal lang sa papel pero wala kaming pananagutan sa isa't isa. May long term boyfriend na siya noon bago pa kami ipakasal. Tanggap ko naman iyon kaya hinayaan ko siya noong sinabi niyang sa abroad siya kasama ng boyfriend niya." Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Hmmmm. Ang bango!

Dalawang linggo na kaming hindi masyadong naguusap ni Seige dahil busy siya at panay naman ang site visit ko o namin. But we always text each other and call sometimes. Hindi rin umuuwi minsan si Seige dahil may ginagawang building na twenty four/seven ang operation. Sa opisina naman, lagi-lagi siyang may meeting.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong yumakap sa akin sa aking pagtulog. Ramdam ko rin ang mabining pag halik niya sa buhok ko at pagsiksik niya ng ulo niya sa leeg ko.

"Seige..." I mumbled pero hindi ko na rin iyon nasundan sa sobrang antok at nakatulog na.

Mabigat ang pakiramdam ko nang imulat ko ang mata ko. Parang may nakadagan sa akin at nakapulupot pero napatigil rin nang may marealize kaya agad akong humarap sa likod ko.

There I saw Seige, peacfully sleeping while hugging me tightly.

"Seige!" I squealed and hugged him. Shit! I really miss him!

"Hmmm..." He groaned pero naramdaman ko ang pagpulupot ng maskuladong braso niya sa akin at hinigpitan ang yakap.

"I missed you..." I said, dramatically. Nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya. Nakapatong na rin ang kalahati ng katawan ko sa kaniya.

I heard him chuckle.

"I missed you, too, Amaya..." He rubbed my back.

Pareho kaming tahimik lang ng ilang minuto. Walang nagsasalita, tanging paghinga lang namin ang naririnig.

Peace with him is really everything. And I love it.

It was a busy week for us. May site inspection na ako ngayon at si Seige naman ay naiwan sa opisina. Bukas pa siya pupunta rito dahil may importante raw silang meeting ngayon.

Medyo busy dito sa site dahil palitada sa first floors and second floors tas buhos naman sa third floor. Nakikitulong na rin iyong mga engineers at OJT nila sa buhos sa taas while us, on the other hand, check the site.  Medyo may nirenivate din sa likod kaya naman kailangang tutukan dahil iyon ang quarters ng staffs.

After talking to one of the Engineers and the Foreman, naglakad na ako palabas while checking the chart. This can also determine the progress of the construction in our point of view kaya naman focused ako doon kahit pa naglalakad na ako. I can hear a commotion, however hinayaan ko na lang dahil baka biruan ng mga labor iyon. Pero medyo na taranta ako nang sumisigaw na sila.

"Si Ma'am!"

"Hoy! Iyong plantsa!"

"Takbo! Takbo!"

"Engineer!"

Medyo natulala pa ako pero nang may humila sa akin ay sumunod na ako. Isa sa Architects ang humila sa akin. She's pulling me and I'm going with the flow. Medyo malaki at malawak ang scaffolding dito sa labas. Our aim is to go at the open space but maybe, it's not my luck to be save.

Natalisod ako and it really is a slow motion. Lahat, nag slow motion. Ang pagtakbo ng iba, ang pagkatalisod ko. Walang pumapasok sa utak ko, just blank. Even the noises are being cancelled. I can see people in the open space. Babalikan sana ako noong Architect na humila sakin pero may humila naman din sa kaniya at kasabay non ang naramdaman kong pagbigat ng mga binti ko. And all became blank. Even my vision, it starts to get darker and darker until I feel nothing and engulfed by the darkness.


***
Happy new year, guys! Thank you for reaching this far kahit pa na matagal ang update ang maikli ang chapters. I know I have inconsistencies in this story and I apologize for that. Again, thank you! As of now, we've reached 20k reads and it's all thank to you guys!

See you again in 2023 with new stories.

_latté2022

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now