Chapter 21

583 18 3
                                    

"H-ha?" Narinig ko ang sinabi niya pero gusto ko lang makasiguro.

"Let's have dinner later. Kikidnapin muna kita sa anak natin." Tulala akong nakatingin sa kaniya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko na lang. Ano namang isasagot ko sa pagaaya niya?

"Basta, magsa-site visit tayo." Tumango na lang ako.

Magtatanghali na kami nakarating doon sa site daw na pupuntahan namin.

Kumunot ang noo ko noong tumigil kami sa isang bahay. Gawa na ang bahay. May gate at mataas na pader. Bukas ang gate kaya kita ang loob. Medyo familiar itong bahay.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko nang nasa tabi ko na siya dahil tapos naman na ang bahay. Wala nang magagawa pa.

"Surprise?" Agad akong napatingin sa kaniya at kumunot ang noo ko.

"Anong surprise?"

"Ito. Site visit sa... Sa dream house mo." Nanlaki ang mata ko at muling ibinalik ang tingin sa bahay. Naalala ko na, ito iyong drawing ko noong college. Medyo iba nga lang pero maganda.

"Bakit-"

"It's been built years ago. Surprise ko sana sa graduation mo pero..." Nagkibit-balikat siya.

"Anyway, tara. Pasok tayo. Wala pang masyadong gamit." Aya niya. He hold my wrist and pulled me towards the house.

It really looks similar pwera na lang sa garden at iilang disenyo ng bahay. But overall, its similar. Actually, mas gumanda nga e.

"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko nang paakyat kami sa hagdan ng patio. Halata ring high ceiling itong bahay dahil ang taas ng pillar ng balcony na nakatayo dito sa patio.

"Baka gusto mo lang lumipat dito? Dito na lang kayo nina Army. Kung gusto mo lang naman " he said.

"Malayo sa Manila, Seige at isa pa, bakit kami dito titira if ever?" Taas kilay kong tanong nang makapasok kami.

"Amaya, responsibilidad ko kayo ni Army. Ilang taon rin ang babawiin ko-"

" Bakit pati ako nasama sa resposibilidad mo?" Putol ko sa sinasabi niya. Tumaas ang isa niyang kilay.

"Ikaw ang nanay ng anak ko, Amaya. Pero pwede naman nating dagdagan. Kawawa naman si Army, walang-uhh!" Agad kong sinuntok ang tiyan niya. Alam kong namumula ang mukha ko.

"Ang bastos ng bibig mo, Seige! Pwede ba? Si Army lang ang pinaguusapan natin. Huwag mo akong idamay." Irap ko.

"Bakit, ayaw mo bang... Mabuo tayo?" Napatingin ako kay Seige sa tanong niya. Syempre, gusto ko ng kompletong pamilya. Sinong may ayaw? Tinitigan ko siya.

"May iba ka pa bang anak-"

"Wala, Amaya. Wala. Lahat ng naka-sex ko noon, ginamitan ko ng condom. Sinisiguro ko ring uniinom nila ang plan B na pinapainom ko. Sayo lang ako hindi gumamit ng condom, Amaya. Hindi ka rin uminom ng pills kaya sigurado ako na si Army lang ang anak ko. Pero kung gusto mong dagdagan-"

"Siguradohin mo, Seige. Ayokong masaktan si Army-"

"Promise, Amaya. Ayokong matulad sa tatay ko. Kung magkakaroon man ako ng ibang anak, kapatid iyon ni Army. Galing rin sayo." Napapikit ako. Kanina pa niya iyon sinasabi na lagi kong pinuputol.

Tinalikoran ko na siya at inikot ang tingin sa kabahayan. Namangha ako sa ganda. Kung gaano kaganda ang bahay ni Seige, mas maganda ito.

White ang pintura ng dingding, may glass wall din na nagmistulang pader sa isang side. Nakagilid ang cream-colored na kurtina kaya kita ang lawn sa labas. Living room pala ito. Cream color ang sofa at may malaking flat screen TV sa harap. May glass din na center table na nakapatong sa beige na carpet.
Paglingon ko sa gilid ng living room ay nakita ko ang fire place.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now