Chapter 15

704 15 2
                                    

It's been a week since I was transferred and I must say na medyo okay pa ako dito ngayon. He's not always here kasi at halos busy siya sa buong linggo. He'll have meetings until four PM at minsan ay extended pa kaya pag balik niya ng office, wala na ako. Sa umaga naman ay maguusap lang kami tungkol sa project dahil hindi siya nakakaattend ng meetings namin kaya ako na lang ang nagiinform sa kaniya. He's also professional pero minsan ay lumalabas talaga ang kapilyohan niya. There's this time na he had his inspection for two days sa Laguna kaya naman talagang bihira lang kaming magkita noong nakaraang linggo.

This week, I do not know. Maybe, ganon din siguro ang mangyayari.

Baka minsan lang rin siya makisama sa meetings sa team dahil nasa planning stage pala lang kami.

Maga-alas otso na at wala pa si Seige so I assume na wala siya pero sa kalagitnaan ng planning namin bandang eight thirty, biglang bumukas ang pinto at bumungad si Seige na naka casual attire lang.

"Good morning, Architect!" aligagang tumayo at bumati ang mga kasama ko. He just nodded and eyed me. I didn't open my mouth to greet or even nod. Umiwas na lang ako ng tingin. Nang makaupo siya sa napling upuan, sa tabi, tsaka na lamang kami umupo.

"So where are we?" he asked then looked at me. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Naexplain ko na sa kaniya iyong pinaggagawa namin noong wala siya e.

"Kakauumpisa palang po namin, Architect." magalang na sabi ng isang Engineer na babae.

"At which part, Ms.?"

"May sketch na for the design ng rooms from single bedroom type to presidential suite to cabins." it was from another Engineer na lalaki. Everyone was given specific type to sketch kaya mabilis lang natapos. Ang gagawin na lang sana ngayon ay pagcompile ng mga sketches and finalize the design para maumpisahan na ang pag develop. As far as I know, dapat ay tapos na itong planning session namin by the next two weeks.

I handed the compiled sketches to him. Tahimik lahat habang pinapanood namin ang paglipat niya ng mga pahina.

"I assume you read the description of the project. Nandoon din ang budget. Some of the designs are too much expensive. Again, as I said the last meeting, keep it simple but elegant. Ulitin niyo itong lahat. Some are even boring." nagulat ako nang punitin niya ang papel tsaka siya tumayo at lumabas. Pagtingin ko sa mga kasama ko, parang normal lang sa kanila ang ginawang pagpunit ni Seige sa sketch nila. Namin.

"Normal lang yon na gawain ni Architect, Amaya. Minsan nga, kahit plano, pinupunit niya talaga." napanganga ako sa sinabi ng isang Engineer.

"Huh? E-e paano iyon?" nalilitong tanong ko. Unti-unti ring umuusbong ang galit sa puso ko. Ganon niya lang kadaling sirain ang effort ng mga empleyado niya?

"Ang tanging magagawa lang natin ay ang ulitin ang sketch. Pasalamat na lang tayo at hindi plano ang pinunit niya. Maiiyak ka talaga pag iyong plano mo ang napunit." an Architect said. Malamang! Sino'ng hindi iiyak?

"O-okay. Kailan ang deadline ng sketch?" I asked para alam ko kung ano ang dapat unahin. Sa akin kasi, mag mula sa studio type na unit hanggang sa penthouse ang design ko.

"Maybe this Friday morning para maipasa ng maaga kay Architect." the Head Engineer said. I just nodded. Na dismiss din kami dahil wala naman na kaming paguusapan.

Bumalik ako sa office na galit. How dare him waste our effort?

Wala akong naabutang tao sa office. Marahil ay nasa meeting ulit siya or inspection. Mabuti na ring ganito dahil mainit ang ulo ko sa ginawa niya kanina. It's not because he's the boss, he can just do what he did to our sketch.

Ilang minuto rin akong nagpalamig ng ulo bago nagumpisang magsketch. Dahil tanda ko pa ang mga inisketch ko na pinunit niya, iyon na lang ulit ang ginawa ko pero nay ilan ang binago, gaya ng lighting at ilang materials especially sa studio type. Gagawin kong minimalist lahat ng design para tipid.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now