Chapter 8

1.4K 14 2
                                    

Kunwari'y wala akong nakita. Nakatalikod naman sa akin si Sir Seige kaya okay lang. Parang nawalan ako ng ganang bumalik sa kwarto at nawalan din ako ng ganang kumain dito pero nagugutom parin ako. Naisip ko agad ang tindahan sa labas ng subdivision na ito. May mga nagtitinda roon ng miryenda. Doon ako minsan bumibili ng baon ko. Buti na lang at dala ko ang cellphone at laging may nakatagong pera sa ilalim ng case noon.

Nang masigurong walang bakas ang dalawa ay dali-dali akong lumabas ng bahay upang magtungo roon. Ganon na lamang ang saya ko nang matanaw ang tindahan.

"Ate, isang bilo-bilo at bananacue nga po." sabi ko sa tindera nang ako na ang sumunod. Talagang pinipilahan nila ang tindahang ito. Pero buti na lang at hindi pa ganon ka puno. Kaliwa't kanan ang customer nila. Mahirap, mayaman, sinasadya o hindi. Marami ngang motor at sasakyan sa labas e, lalo na pag ganitong hapon.

"Trenta y dos, hija." sabi ng matanda. Inabutan ko siya ng isang daan. Nakalagay sa isang plato ang tatlong piraso ng saging at isang mangkok ng bilo bilo. Naghanap agad ako ng mauupuan. Iyong sa dulo ako umupo dahil gusto kong magkaroon ng sariling mundo.

Paubos na ang isang saging nang may biglang umupo sa harapan ko.

Inilapag niya ang binili niyang pansit at dalawang bote ng coke.

"Dito ka nakatira?" kuryusong mukha ni Dex ang sumalubong sa akin.

Nanlaki rin ang mata ko.

"Dex!" gulat na sabi ko. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.

"Ako nga," nakangisi na siya ngayon. "So ano, dito ka nakatira?" sinulyapan niya ako bago siya sumubo ng pagkain niya.

"H-huh? H-hindi... N-nakikitira lang ako..." kinakabahang sagot ko. Hindi nila pwedeng malaman na nakatira ako kay Sir Seige.

"Oh, so kanino? Tita mo?" umiling ako.

"S-sa kakilala..." hilaw akong ngumiti. Napatango na lamang ito sa sagot ko. Walang nakakaalam kung saan nga ba talaga ako nakatira o tumitira.

Halos isang oras din kami roon. Nagk-kwentuhan. Masaya talaga siyang kausap at hindi ko namalayang alas cinco na pala dahil order siya nang order ng pagkain.

"Sige, dito na ako. Ingat ka." sabi ko nang makatapat ako sa gate noong subdivision papasok sa kina Sir Seige. Magkatabi ang dalawang subdivision na tinirhan niya at tinitirhan ni Sir Seige. Hindi rin kasi pwedeng pumasok ang kung sino nang walang ID o ano mang patunay na nakatira ka doon.

"Ikaw rin." nakangiting sagot niya. Nginitian ko siya pabalik saka pumasok na sa gate. Doon ko na lamang naisipang buksan ang cellphone ko at ganon na lamang ang gulat ko nang makitang maraming unread messages at missed calls galing kay Sir Seige. Sinilent ko rin kasi iyon.

"How much does your smile cost?" nanlaki ang mata ko nang marinig ang baritong boses na iyon. Agad akong nag angat ng tingin at ang malamig at seryoso niyang mata na may bahid ng galit ang nasalubong ko.

"S-sir?" gulong tanong ko.

"Was it fun?" napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya.

"Sir-" natigil ako nang hilain niya ako papunta sa Tesla niyang nakaparada di kalayuan sa amin.

Nagtataka ko siyang pinapanood habang nagmamaneho. Gumalaw ang panga niya at pati na rin ang ugat sa leeg niya ay medyo nagpapakita na rin. Mahigpit din ang hawak niya sa manibela.

Nang makarating kami sa bahay niya ay binuhat na niya ako. Napakapit ako sa leeg at balikat niya.

"A-anong meron?" kinakabahang tanong ko pero nang bumaba ang tingin niya, sinalubong niya ako ng halik sa labi. Mapusok iyon at tila galit.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now