Chapter 24

652 16 1
                                    

I cleared my throat after releasing the air from my lungs

"S-seige, si Army. Army, si Seige... Ang Papa mo." Pakilala ko sa dalawa. Dahan-dahan ang pag banggit ko sa mga salita habang tinitingnan silang dalawa.

Nagkakatitigan pa ang dalawa. Parang minimemorya ang mukha ng isa't isa.

"P-papa..." Sabi ni Army habang nakatitig sa ama niya. Naluluha na ako at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko nang makita ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Seige.

Agad namang dumamba si Army kay Seige nang iangat nito ang mga kamay na parang kukunin si Army. Ang iyak ni Army ang narinig namin kaya pati ako ay napaiyak na rin.

Nakasiksik ang ulo ni Army sa leeg ni Seige, samantalang si Seige ay hinahalikan ang ulo ni Army habang lumuluha.

Papa ang laging bukang-bibig ni Army. May mga binubulong naman si Seige sa kaniya na hindi ko naririnig ng maayos. Halos isang oras din kami doon dahil matapos ang iyakan ay maraming tanong si Army tungkol sa ama. Gaya nang saan nagpunta, anong pangalan, ilang taon, kung sa kanya daw ba ang sasakyan, kung may bahay daw ba siya; mga ganong tanong na sinagot naman ni Seige. He even proudly showed his accumulated stars from his exams at todo puri naman si Seige sa kaniya.

"Papa, paano mo nakilala si Mama?" Biglang tanong ni Army. Nakaupo na siya sa mga hita ko dahil nagmamaneho na si Seige papunta sa restaurant daw na pina-reserve niya.

Nagkatinginan kami saglit ni Seige dahil sa tanong na iyon ni Army.

"Uh, I met your mother at school." Napalunok ako dahil doon.

"Mag classmates po kayo?" Para akong nabulunan sa sarili kong laway. Ano ba naman itong batang ito!

"Uh, no. I'm... I'm her teacher." Seige wetted his lips. Palihim akong ngumiti. Mukhang nahihiya siya sa sagot niya.

I heard my son's gasp.

"Matanda ka na Papa noong nagkilala kayo?" Doon ako napatawa sa sinabi ni Army. Ang inosente ng pagkakasabi niya at puno ng pagtataka. I heard Seige hissed a curse. Nagtataka namang tumingin si Army sa akin.

"Tama na yan anak. Ikwento mo na lang sa Papa iyong mga ginagawa mo." I told him. Lumiwanag naman ang mukha niya at tumango kaya naman nagumpisang magkwento si Army tungkol sa hobbies niya at kung ano-ano pang tungkol sa kaniya.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa restaurant na sinasabi ni Seige. Mamahalin ito at habang naglalakad kami papasok, pinagtitinginan kami ng mga tao, lalo na si Seige na buhat si Army. Magkatabi naman kaming naglalakad habang nakasunod sa usher na papunta sa reserved room.

May mga bumabati rin kay Seige at pinapakilala kami bilang asawa at anak niya naikinagulat nila. Maging ako rin ay nagulat dahil proud na proud siya habang pinapakilala kami.

Nakarating naman kami sa isang eleganteng dining room. May TV at tanaw ang labas. Sa third floor nakalocate ang VIP room kay kita ang mga sasakyan sa baba pag lalapit ka sa bintana at gusali naman pag sa dining table ka lang.

Nagk-kwentuhan ang magama nang isa-isang pumasok ang mga waiter na may dalang cart. Napa nganga ako dahil apat na cart ang dala nila.

"Seige, ang dami..." I looked at him na nakatingin pala sa akin.

"We'll take out what's left. Dalhin natin sa bahay." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"I want us to bond this weekend, Amaya. Away from the city. And about work, don't worry, hindi naman kita babawasan ng allowance." Inabot niya ang braso ko kaya tumango ako. Ako rin naman pero pagnaaalala ko iyon, naaalala ko ang nangyari noong nakaraan kaya nagiwas ako ng tingin pero bago iyon, nahuli ko pa ang pagngisi niya.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now