Chapter 12

1.1K 17 8
                                    

Happiness is just a glimpse of an unexpected problem. Sadness is disguised as too much joy na pag nangyari na ay hindi ka makapaniwala na nangyari at nangyayari na nga ito.

Napatingin ako sa mataas na gusali sa harap ko. It's one of the most beautiful buildings here in the country.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad paunta sa entrance ng building. This is not the usual building na nakikita. The building has this small triangle on the center. It looks like a v-shaped building pero may glass bridge siya sa taas na nagdudugtong ng magkabilang ends ng "V" kaya may triangle na na-form, though hindi sa pinaka taas dahil nakausli iyong patusok ng "V" sa taas. Ang V na parte ng building ay parang nakapatong sa isang solid box na bagay. Kulay blue ang kulay ng mga salamin sa box-shaped base at black naman sa V-shaped. Though ang first few floors ng base ay transparent dahil may mga nakikita akong kainan at botiques.

Pagpasok ko ng gusali, may fountain sa gitna.

Nahati iyon sa dalawang parte, ang isa ay ang papunta sa offices sa itaas at ang isa ay papunta sa botiques. May reception area rin sa gilid at sa likod nila, may nakalagay na kulay gintong Vizcoso in a bold yet formal letters na bumagay sa black na background.

"Excuse me, I'm here for my apprenticeship. Here," ipinakita ko ang form galing school namin at ang reply letter galing sa HR na tinatanggap nila ako bilang apprentice nila rito. Though may mga kasama akomg galing rin sa school namin pero bukas pa raw sila.

"Pasok na po kayo, Ma'am tas kaliwa kayo, may elevator po roon. Sa 4th floor po ang office ng HR." nakangiting sabi ng singkit na babae. Nawala tuloy iyong mata niya.

Nagpasalamat ako saka nagtungo sa transparent na parang gate at tinap ang binigay na pass para makapasok.

Habang nakasakay sa elevator na salamin, hindi ko maiwasang mamangha sa view. May mga indor garden kasi at nang makalampas na ang elevator sa base ay kita naman mula rito ang park sa rooftot ng base. May mga halaman, grasses at bamboos. May nga bench at lamp posts din. May mga gazebo rin at picnic tables.

Hindi naman mahirap hanapin ang office ng HR dahil may label lahat sa taas ng pintuan.

"Okay, ire-refer na kita kay Mr. Vizcoso, okay? His office is at the topmost floor. Kung anong last floor doon sa buttons sa elevator, iyon ang pindutin mo. Ipakita mo na lang ang mga ito sa kanya." ngiti ng taga-HR na umasikaso sakin. Nagpasalamat ako bago kinuha ang folder at envelope ko.

Vizcoso? I think I heared that name before pero hindi ko nga lang alam kung saan.

Habang papalapit ang floor ay kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan.

Agad na sumalubong sa akin ang reception desk na may dalawang babae.

"Yes po?" ngiti ng babae.

"Good morning, is Mr. Vizcoso here? Sabi kasi sa HR, punta ako rito."

"For apprenriceship po ba?" tanong nung babae habang dumudutdot sa telephone. I nodded.

May kinausap siya saglit sa telephone bago bumaling sa akin.

"I'm sorry to inform you, Ma'am na hindi kayo mahaharap ni Architect ngayon kasi may meetings siya and site visitations. Please write your number here para matawagan namin kayo pag may available time si Architect." may nilagay siyang notepad sa harap ko at ballpen.

Sinulat ko ang numero at pangalan ko notepad saka binalik sa kaniya.

"Amin na rin po ang requirements ninyo, Ma'am. Kami na po ang magbibigay kay Architect." binigay ko na rin ang requirements ko saka nagpasalamat.

Tumingin ako sa relong pambisig. Mage-eleven na pala.

Paglabas ko ng gusali ay nagabang ako ng taxi.

Napatingin ako sa nakasaradong gate ng public school kung saan nagaaral ang anak ko. Kinder na siya at half-day ang klase niya araw-araw. Sumilong muna ako sa waiting shed dito kasama ng ibang mga nanay dala ang baon ng anak at tsismis. Ang iba ay gaya ko na susundo rin ng mga anak.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now