Chapter 11

1.2K 13 5
                                    

Mid-term na namin sa Lunes kaya ngayong Sabado, aayusin ko na ang notes ko at iyong ibang plates na due sa Lunes.

Napatingin ako sa phone ko na nasa gilid ko nang umilaw ito, tanda na may nagtext.

Tinigil ko muna ang pagsusulat ko saka pinulot ang cellphone.

From Dex:
Pa send naman ako nong notes mo kay Sir Revlon. Hehe

Agad kong hinanap ang notes ko kay Sir at pinicturan tsaka sinend sa kaniya.

Napailing na lang ako at muling bumalik sa pagsusulat nang mag ring naman ang cellphone ko.

"Sir?" takang tanong ko. Kaaalis niya pa lang papunta sa opisina niya dahil may kliyente pero heto siya at nagti-text.

"I'll come and pick you up. Take your notes with you." iyon lang ang sinabi saka binaba ang tawag. Nataranta ako.

Hindi pa ako nakakaligo! At naka jogging pants lang ako at sweatshirt ni Sir.

Iniligpit ko na ang mga notes ko at laptop. Saktong tapos kong ayusin ang mga notes ko ay ang pagbukas ng main door. Narito ako sa carpeted floor nakaupo.

"Bakit mo ako isasama?" tanong ko nang makalapit siya. Agad niyang kinuha ang mga gamit ko sa table.

"I have a meeting in Manila this afternoon and I can't leave you here. Baka bukas na tayo bumalik." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hala, wala akong damit!" agad ko siyang tinalikuran para tumaas upang kumuha ng damit pero hinila niya ang ako sa kamay.

"You don't have to. Tara na," marahan niya akong hinila palabas ng bahay hanggang sa nakaparada niyang pick-up sa labas.

Pinapasok niya muna ako sa loob. Kinuha ko rin ang mga gamit ko sa kaniya dahil balak kong magreview sa daan.

"Hindi pa ako nakakapalit." reklamo ko dahil ang presentable niyang tingnan. Pinasadahan niya ako ng tingin bago paandarin ang sasakyan.

"It's okay. Your clothes are comfortable for a long ride." napaisip agad ko sa sinabi niya. Ilang oras ba ang biyahe papuntang Manila? Buong buhay ko ay dito lang ako sa probinsya.

Binuksan ko na lang ang laptop ko dahil hindi naman ako makakapag-notes dito.

Mahigit isang oras na kami sa byahe at medyo naka-recline ang upuan ko kaya medyo nakahiga ako habang binabasa ang notes ko sa yellow pad.

Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay ni Sir sa kaliwang hita ko pero nang tiningnan ko siya, parang wala lang naman sa kaniya kaya hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagbabasa.

Trenta minutos pa lang ang lipas ay nakaramdam na ako bg gutom.

"Gutom na ako..." nakaharap parin ang papel sa mukha ko pero sinigurado kong narinig niya ang sinabi ko.

"Where do you wanna eat?" tanong niya. Nasa highway kami kaya karinderya ang makikita sa gilid ng daan.

"Kahit diyan na lang, pero mag take-out na lang tayo." turo ko kainan na may convenience store. Tumango siya at tinungo ang parking ng gusali.

Agad akong bumaba dahil nangangawit na ang pwet ko kakaupo.

"Hey, be careful." nasa tabi ko na agad siya.

"Sa convenience store muna ako. Ikaw na lang mamali ng pagkain." ngisi ko. Ilang segundo muna siya tumitig bago tumango saka kinuha ang wallet at inabutan ako ng isang libo. Agad ko siyang hinalikan sa pisngi bago umalis. Ilang linggo ko na rin iyong ginagawa. Noong una ay hindi ako sanay. Hindi ko alam kay Sir bakit niya ako pinapahalik sa pisngi niya tuwing maghihiwalay kami.

Served On Ruler's PlateΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα