Chapter 17

573 11 7
                                    

Tapos na ang huling exam namin kaya naman medyo naka hinga na ako.

"Grabe, ang hirap naman ng exam." Dinig kong reklamo ni Dex nang makalabas kami room.

"Tapos mamaya perfect mo?" Ganyan siya palagi. Sinasabi niyang mahirap pero perfect parin siya.

"Tsamba lang lahat 'yon." Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "Totoo nga!" Depensa niya. Tumango-tango na lang ako.

Palabas kami ng school dahil sabi niya manlilibre daw siya ng lunch dahil sa pagpapahiram ko ng notes ko.

"Anong gusto mo?" Tanong niya nang nasa counter na kami. Sabi ko kasing sa McDo na lang kami kumain para malapit.

"Maraming fries at sundae lang." Takam na takam talaga ako lalo na sa vanilla ice cream. Iniisip ko pa lang iyong lasa ng vanilla ice cream ay naglalaway na ako.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi din kami agad dahil tumawag iyong mama ni Dex. Paguwi ko ay humilata agad ako. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kaya hindi na ako nagpalit ay natulog na ako.

Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng kumot ko kaya nagmulat ako ng mata.

Si Sir Seige agad ang nakita ko sa gilid ng kama ko. Naka t shirt at maong. Mukhang kauuwi niya lang.

"How's your day?" Dahan-dahan akong umupo. Nawala na rin iyong antok ko. Pagtingin ko sa glass wall ay madilim na.

"A-ayos lang..." Nakatayo parin siya sa gilid na nakahalukipkip.

"Are you done with your exams already?" Doon ay umupo na siya sa kama. Malaki ang kama kaya hindi ko kailangang umusod.

"Oo, tapos na..." ramdam ko ang tingin ni Sor Seige kaya nilingon ko siya.

"B-bakit?" Naiilang kong tanong.

Ilang segundo niya pa akong tinitigan.

"Let's eat," tumayo na siya. Pinanood ko siyang naglakad papunta sa pintuan. Nang maramdaman niyang hindi ako sumunod ay tumigil siya at humarap sakin kaya dali-dali akong umalis ng kama. Gaya niya, hindi pa rin ako nakapalot ng pambahay.

Pagdating namin sa dining ay umupo na ako. Ganon din si Sir Seige.

Nang maamoy ko ang amoy ng adobo ay umikot ang sikmura ko pero pinigilan ko. Baka sobrang gutom lang 'to.

Si sir na ang naglagay ng kanin sa plato ko. Iyong liempo ang kinuha kong ulam ko dahil ayoko noong adobo.

Nakailang subo pa lang ako pero sa tuwing naamoy ko ang amoy ng adobo ay mas umiikot ang tiyan ko.

Sa sunod kong subo ay todo na ang pigil ko sa pagsuka. Ramdam ko na rin ang titig ni sir sa akin at nang hindi ko na mapigilan ay tumakbo na ako papuntang kusina para magsuka sa lababo.

"Amaya, are you okay?" Si sir na nakasunod lang pala sa akin. Hindi ko siya masagot dahil patuloy ako sa pagsuka nang maamoy ko ang amoy ng adobo mula sa pinaglutuan.

Ilang minuto rin ako sa lababo. Si sir ay nasa tabi ko habang hinahagod ang likod ko.

Nang masigurado kong hindi na ako nasusuka ay naghilamos at nagmumog na ako.

"What-"

"Adobo..." Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang kamay ko tsaka ko tinuro ang pinaglutuan. Tumango siya at nagtungo sa kalan at kinuha ang kaldero. May takip naman pero amoy na amoy ko.

Inilabas iyon ni sir sa dirty kitchen sa labas.

"Kakain ka pa ba o magpapahinga ka na?" Malumanay niyang tanong.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now