Chapter 23

574 15 4
                                    

Trigger Warning: Mention of Rape

Nakatingin ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko.

"A-anong ginagawa mo rito?" Gulat ko paring tanong.

"A-amaya?" Pati rin siya na nakaupo lang sa sofa ay mabilis na tumayo. Nakasuot lang siya ng jogging pants at t shirt na hapit sa katawan niya.

Napatingin ako sa pinto ng CR nang bumukas ito. Si Rica na naka shorts at t shirt lang ang lumabas. May tuwalya sa ulo niya.

"Rica?" Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata niya nang marinig ang boses ko.

Agad siyang humarap sa akin at gulat na gulat na nakatingin na para bang nahuli ko siya na gumawa ng krimen.

"A-ate..."

Ang awkward ng breakfast. Si Army lang ang salita nang salita. Si Rica naman ay nakatungong kumakain habang si Dex ay tahimik lang na kumakain.

Naningkit ang mata ko nang lagyan ni Dex ng kanin ang pinggan ni Rica.

"Ma, alam mo ba, si tito Dex, nag dala siya ng McDo kagabi." Napatingin ako kay Army.

"T-talaga?" Ano bang meron? May nalampasan ba ako?

"Opo, Mama. Minsan kasama po siya ni tita Rica mag sundo sa'kin sa school tapos po kain po kami sa labas." Simpleng kwento ni Army na parang normal na iyon. Agad akong napatingin kay Rica na namumula at kay Dex na nakatingin lang kay Rica. Pinapanood ang bawat reaksyon niya. Mas naningkit ang mga mata ko sa nakikita ko.

Nang matapos si Army kumain ay pinaakyat ko na siya para makapaghanda kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito.

"Kailan pa?" Simpleng tanong ko. Hindi naman ako tanga.

"Ate," tumingin ako kay Rica na naluluha.

"We're in a relationship, Amaya. I'm sorry, I didn't tell you. Akala ko same lang kayo ng pangalan ng ate ni Rica. She told me she has an elder sister named Amaya pero hindi ko inaasahang ikaw iyon. Nang una ko ring makita si Army, kamukha niya si Sir Vizcoso pero baka lang may ganon talaga." Si Dex na ang sumagot. Mukhang takot si Rica umamin na may boyfriend siya.

"Naging kami two months ago. Minsan lang din kami magkita kaya hindi mo mahahalata kay Rica na may boyfriend siya." He continued. Tumango ako.

"Paano kayo nagkakilala?" Curious na tanong ko. Hindi naman ako galit. Personal din naman ang meron sila kaya wala akong karapatang magalit. Kahit pa kapatid ako ni Rica kung hindi siya kumportableng magsabi sa akin, why not? Wala naman akong maiaambag sa relasyon nila.

"Ate, nakakahiya..." Sobrang pula na ng mukha ni Rica.

Bumuntong-hininga ako.

"O siya, sige. Rica, pasuyo na lang itong mesa, kailangan ko nang maghanda. Baka ma-late ako." I smiled at her. Assuring her na hindi ako galit.

Lalabas na sana ako ng kusina nang pigilan ako ni Rica kaya hinarap ko siya.

"Ate, ano po 'yung pula-pula diyan sa leeg mo?" Tanong niya na nakatingin sa leeg ko. Nanigas naman ako sa tanong niya. Shit! May iniwan bang marka si Seige?!

Nagmadali akong umakyat sa kwarto para mag salamin at totoo nga! Maliliit ang mga ito pero medyo marami! Shit! Hindi ako nakapagsalamin kanina bago maligo!

Nagpupuyos akong pumasok sa opisina ni Seige. Buti na lang at may concealer sa bahay na malapit-lapit sa tone ko.

Naabutan ko siyang nagyoyosi habang prenteng naka upo sa upuan niya. Nang makita ako ay agad niyang nilagay sa ash tray ang yosi tsaka pinatay. Sa ilong niya rin binuga ang usok.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now