Chapter 18

609 19 4
                                    

"Why did you run?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Laiza. I was about to leave the office when she asked the question kaya humarap ako.

"Ano?" Hindi ko siya maintindihan.

"Tatakbo ka ba ulit? Hindi ka ba magtatanong kung bakit ako nandito? Uulitin mo ba ulit ang nangyari noon? Hindi ka ba naaawa sa anak mo?" Doon na ako nanigas.

"A-alam mo?" Kinakabahan na ako. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko.

"Recently. Noong nalaman kong apprentice ka dito." Paano ba niya nalalaman ang mga balita tungkol sa akin?

"Come, let's sit, Amaya. Hindi masosolusyonan ng pagtakas mo ang problema." She said and walked towards the sofa.

Tama siya pero natatakot ako.

Sumunod na lang ako. Gusto ko ring malaman kung bakit wala siyang suot na singsing kung kasal nga talaga sila. O baka naman pineke niya lang ang CENOMAR?

"I'm expecting you to call me when you read the CENOMAR. I waited for days but there was no call until Ruler called me. Angry, asking what did I do. He's looking for you at ang akala niya pinaalis kita." Nagumpisa agad siya pagkaupo namin.

"Hinanap niya ako?" Malamang! You're his wife. Technically?

"Yes. Actually until this past few months I think. Anyway,  how are you?" Nagiwas ako ng tingin sa tanong niya.

"Okay lang. Uh, I managed to get back to school. It was hard pero wala e. Maaga akong naglandi. I didn't think of the consequences of being pregnant. All I thought was Seige will always be there. I'm too dependent to him kaya noong umalis ako, nahirapan ako. Stupid me." Natawa pa ako. It's ironic na nakaya kong alagaan mag isa si Rica pero noong dumating si Seige, para na akong batang nangangailangan ng kalinga.

Nakita ko ang awa na dumaan sa mga mata ni Laiza kaya nagiwas ako ng tingin.

"Umuwi ako rito noon to settle things between Ruler and I. I didn't came here to destroy your relationship with him kasi arrange marriage lang ang nangyari sa amin. It was his mother's last wish before siya mamatay. Ayaw talaga namin but even my mother liked him. I only see him as my friend. I actually love someone. Kaya nasa abroad lang ako ng buong limang taon. Sa totoo lang, I'm happy that he finally found the one he loves pero mukhang ako pa ang naging dahilan ng magkasira niyo." She smiled samantalang ako naman ay gulat na gulat sa sinabi niya.

"P-pero bakit-"

"Inaasikaso namin ang divorce papers namin. Natagalan lang late siyang pumirma. Actually, we're divoced a week after you ran. He was devastated. You know what, ma-pride siyang tao. He never ask help even from his brothers and father pero halahating taon ka palang nawala, lumuhod siya sa harap ng tatay niya. Asking for help to find you habang umiiyak lalo na noong nalaman niyang buntis ka." Doon na tumulo ang luha ko. He knows.

Ilang beses nag bukas sara ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin.

Sa kwento niya, marami pa pala akong hindi alam tungkol kay Seige.

"By the way, he really loves you, Amaya. Vizcoso ang pinaapilyedo niya sayo, not Revlon. I gotta go, may pupuntahan pa ako. Kung may tanong ka, sa kaniya ka na magtanong." She then again gave me a smile before leaving. Iniwan akong tulala.

How powerful is his father? Brothers? Namatay ang nanay niya? He knows about me being pregnant?

Napasinghap ako. Hindi kaya siya iyong sinasabi ni Army na lalaki?

Bumalik na ako sa upuan ko. Pakiramdam ko wala akong matatapos ngayong araw dahil sa mga nalaman ko.

Pagpatak na pagpatak ng alas cinco ay umalis na ako sa opisina. Bukas ko na lang tatapusin ang sketch ko.

Served On Ruler's PlateWhere stories live. Discover now