32

5 0 0
                                    

I'M A BATANGUEÑO AND SHE'S A MUSLIM

"Nehal C. Ephrata"

It reads.

Hawak ko ang itim na damit na nagmula pa sa ibang lugar. Donas'yon ito ng mga taong gustong tumulong sa amin dahil sa pagputok ng bulkang taal na kami ang siyang lubhang naapektuhan.

Ipinatong ko ang damit na iyon sa aking kaliwang balikat at'saka muling nakipag-unahan sa pagkuha ng mga damit.

"Kuya, akin na aring damit na ari ha," sambit ng bunsong babae kong kapatid na agad kong ikinalingon. Narito na ako ngayon sa area namin kung saan kami naka-evacuate.

"Aba'y huwag 'yan, akin 'yan." Pag-agaw ko sa itim na damit na gusto niya.

"Bakit ga naman kuya? Pambabae 'yan oh! May pangalan pa nga ng babae sa likod, tingnan mo."

"Alam ko, basta ari'y akin, diga'y ang dami dami kong kinuhang damit diyan oh, mamili ka ng iba riyan." Matapos kong sabihin 'yon ay hindi na nakapalag pa ang kapatid ko. Pinagbusangutan na lamang niya ako ng mukha 'saka muling nagbalik pansin sa mga damit.

"Nehal C. Ephrata." Muli kong pagbasa, napangiti ako. Alam kong pambabae ang damit na ito kaya naman wala akong balak suotin ito, ang gusto ko lang ay ang pangalang nakalimbag dito.

Madali kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at agad na nagbukas ng Facebook account. Balak kong i-search ang pangalan na nakalimbag sa itim na blusa— nagbabakasakaling may lumabas at makita ko siya.

Napahiyaw ako ng may lumabas at ang suwerte ko pa dahil nag-iisa lang ang account na lumabas na kaparehas ng pangalan niya. Paniguradong siya na iyon.

I add her and after a couple of seconds she accepted me. I got curious about her, so I stalked her account.

Simpleng babae lang siya, isang grade 10 student while I'm a senior high school. She's 16 while I'm 18. Hanggang balikat ang buhok niya, chubby cheeks at masasabi kong maganda talaga siya. She's a Muslim pero hindi 'yon naging dahilan para mawalan ako ng interes sa kaniya.

Alas diyes na ng gabi at hindi pa rin ako mapakali. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at binuksan ang cellphone ko, then in a snap I just found myself on Nehal's timeline.

"Hi?" It sent.

Damn it! Bakit nag send?

Nawala ako sa sarili at kinabahan noong sandaling ma-seen iyon ni Nehal, pero lahat ng iyon ay napalitan ng pagwawala dahil nagreply siya.

Her: Hello?

Abot tainga ang ngiti ko habang nagtitipa ng susunod na sasabihin sa kaniya.

Me: May sarili yatang utak ang Facebook account ko, kung sino sino chinachat.

Her: Ay gano'n? HAHAHA

Me: De joke, sinad'ya ko talagang kausapin ka.

Her: Bakit?

Me: I'm from Batangas, umabot sa'min ang donas'yon mong mga damit and I found your black blouse, I saw your name there, I got curious kaya tinry ko hanapin.

Her: Hala talaga? Kumusta naman kayo riyan?

Me: Ayos na naman kami, tumigil na rin naman ang pag-aalburuto ng bulkan. Kailangan lang naming mag-stay kung nasaan kami at maghintay ng panukala ng kinauukulan. By the way Nehal, nice meeting you and thank you.

Our conversation went long, napasarap 'ata kami sa pag-uusap kaya inabot kami ng hanggang ala-una. Madali kaming naging komportable sa isa't isa at matapos iyon, araw araw na rin kaming magkausap.

Sea Of TragedyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora