31

4 0 0
                                    

"I can be your boy best friend."

Napangiti ako matapos pakawalan ni Ryle ang mga salitang 'yon. Paano ba naman kasi ay nasabi ko sa kaniya na gusto ko ng isang boy bestfriend, 'yong tipong laging nasa tabi mo, solid magbigay advices, totoo at higit sa lahat poprotektahan ka.

Transferee lang siya sa school namin at sa tatlong linggo niyang pagpasok ako pa lang ang ka-close niya since ako rin ang katabi niya.

Simula noon sa kaniya na lagi ako tumatakbo tuwing may problema ako. Tuwing kailagan ko siya narito siya para tumulong. Sabay kaming pumasok at kumain ng lunch. Lagi niya rin akong hinahatid pauwi sa bahay. Kung minsan nga ay napagkakamalan kaming magkarelas'yon.

One time, that was my birthday. I didn't expect what he just did. He surprised me! Marami siyang kinasab'wat sa mga classmates and friends ko. Binigyan niya pa ako ng espesiyal na regalo and that was a silver heart shaped necklace.

Months had passed. We're still best friends, pero ngayon iba na ang nararamdaman ko. I'm falling lalo na at kakaiba na rin ang nakikita ko sa mga actions niya towards me. The way he's treating me, ramdam kong higit pa sa kaibigan lang 'yon, I feel more than that. Siguro gusto niya rin ako, nahihiya lang siya.

Pinili kong itago muna ang nararamdaman ko sa kaniya, hindi puwedeng unahan ko siya, kaya kong maghintay.

The way pa lang na kausapin niya ako at ipagtanggol? The way na mag-care siya sa'kin? Alam kong gusto niya ako at sapat na iyon dahil ramdam na ramdam ko.

"May gusto akong ligawan kaso nahihiya ako. Mica, ano bang dapat gawin?" Tanong sa'kin ni Ryle habang magkaharap kaming kumakain. It's lunch time.

Napangiti ako, hindi kaya ngayon na siya aamin sa'kin?

"Talaga? Sino ba 'yan? Huwag ka ng mahiya, sabihin mo na sa'kin," sambit ko suot ang malawak na ngiti.

"Kaso parang hindi kami puwed--" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Puwede tayo, Ryle! Huwag kang mag-alala sa friendship natin, gusto rin kita at matagal na, I'm just waiting for you na umamin dahil alam kong gusto mo rin ako." Napatakip ako sa bibig ko matapos kong ilabas ang mga salitang 'yon. Nabigla ako!

"M-Mica? A-anong sinasabi mo?" Confusion is now evident on his face.

"Oo! gusto kita, Ryle. I mean Mahal na kita. Diba gusto mo rin ako? Nahihiya ka lang, kasi hindi mo naman ako ituturing na espesiyal kung hindi diba?"

"I'm sorry, Mica." Those three words made me froze.

"B-bakit? M-mali ba ako? Eh ano 'yong pagke-care mo sa'kin? 'Yong pagtatanggol mo sa'kin? May pa surprise ka pa noong birthday ko tapos niregaluhan mo pa ako ng necklace, anong ibigsabihin no'n?!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko at dahil doon tumayo siya sa kinauupuan niya at nagsalita.

"I'm your boy best friend, of course I will treat you special, pero hindi ibigsabihin noon gusto kita. Yes, mahalaga ka sa'kin pero wala ng hihigit pa sa pagiging kaibigan." Napayuko na lang ako sa sinabi niya, tama siya, mag best friend kami kaya natural lang 'yon.

"Yes, I can make you special—" Napaangat ako ng tingin at sa sandaling iyon ay sinundan niya ang sinabi niya.

"—but I can't love you the way you love me. May gusto akong iba, I'm sorry." And there, he left me with a shattered heart.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak matapos ang pangyayaring iyon, bukod sa kahihiyan at rejection na natanggap ko, nasira rin ang pagkakaibigan namin.

Ito talaga ang kinaiinasan ko sa aming mga babae. Naghahanap kami ng boy best friend na ituturing kaming espesiyal pero bibigyan naman namin ng malis'ya na nagiging dahilan para umasa kami na baka sakali. Napasok ang expectations at pag-a-assume kaya kami nasasaktan, bakit kasi hindi namin kayang ituring lang ang lahat bilang normal?

Sea Of TragedyWhere stories live. Discover now