5

16 1 0
                                    

FORBIDDEN LOVE

"Mark, 'wag na 'wag kang pupunta sa lawang 'yon." Paulit ulit iyong sinasabi sa akin ng mom ko.

"Bakit ba lagi n'yo nalang sinasabi sa'kin 'yan? Namatay lang si kuya pinaghigpitan n'yo na ako. Hindi naman kayo dating gan'yan ah."

"This is for your own good my son!"

"Nakakasakal mom! Lahat nalang ng puntahan ko kailangan may pahintulot n'yo, kailangan alam n'yo. Pwede ba mom? Kaya ko ang sarili ko."

That night, I left our home. Kusa nalang akong dinala ng aking mga paa sa lawa. Thinking that it was the place I wanted to go.

The place was peaceful and beautiful. I don't see anything bad about this place, kaya bakit naman ako pagbabawalang pumunta dito?

Hindi ko nalang inisip 'yon at umupo sa tabi ng lawa. I closed my eyes. At dinama ang paligid.

Suddenly, I felt that there's someone who sat beside me, so I opened my eyes and turned my gaze on my side.

'Wala namang tao.'

Agad naman akong napatingin sa aking tabihan sa may lawa noong narinig ko ang tunog ng tubig. Then there, I saw her.

It took me a few minutes to realized that I was staring at her for so long.

'She's so beautiful.'

Ngumiti s'ya sa akin. Akto kong hahawakan ang muka n'ya nang lumangoy s'ya palubog sa ilalim ng lawa na naging dahilan para makita ko ang buntot n'ya. Isa s'yang sirena.

Simula noon ay araw araw at gabi gabi nadin akong napunta sa lawang 'yon. Hindi iyon alam ng mom ko.

Naging malapit kami ni Sirene ang babaeng sirena sa lawang 'yon. Hindi s'ya nakakatakot dahil maamo ang kan'yang mga muka at dahil narin sa mabuti n'yang kalooban.

Hindi nagtagal at nahulog ako ng tuluyan sa kan'ya at maging s'ya. Nagkaroon kami ng patagong relas'yon.

Our relationship are doing fine not until when my mom knew about between us.

"Hiwalayan mo ang halimaw na 'yon Mark!"

"I will not gonna do that."

"Anak! Please." Then she cried.

"But mom I'm sorry, I love Sirene! At mahal n'ya din ako."

"Bakit kaba kasi pumunta sa lawang 'yon? Hindi 'bat sinabi kong 'wag kang pupunta doon? Hindi mo ba ako naiintindihan?"

"Bakit n'yo ba ako pinagbabawalan doon? Why mom? bakit hindi mo linawin sa akin?"

"Dahil halimaw ang nakatira sa lawang 'yon! Halimaw si Sirene! S'ya ang pumatay sa kapatid mo! Ganitong ganito din ang nangyari noon sa kan'ya, nagkaroon sila ng relas'yon ngunit noong nagsama sila namatay ang kapatid mo!" lalo pang humagulgol sa pag-iyak ang mom ko.

"At ang masakit..." "Si Sirene din ang dahilan kung bakit namatay ang dad n'yo..."

"Nagkaroon din sila ng patagong relas'yon habang asawa ako ng dad n'yo. Mas pinili ng dad mong sumama sa halimaw na 'yon kesa sa akin..."

"Alam nilang bawal ang ganoong pag-ibig, na bawal magsama ang magkaiba ang uri dahil mamatay lang ang mula sa lupa ngunit pinili parin nilang magsama. At doon namatay ang dad n'yo..."

"Isa s'yang halimaw dahil alam na n'ya ang mangyayari kung sakaling magmahal s'ya ng mula sa lupa pero isinunod n'ya pa ang kapatid mo sa dad mo. Na pinili n'yang pasamahin sa kan'ya ang kapatid mo. Inagaw n'ya na sakin lahat pati ba naman ikaw?"

"Gusto mo bang mamatay ng dahil sa babaeng 'yon?"

Hindi ako agad naniwala sa mga sinabi ng mom ko. Ang alam ko ay namatay si kuya at dad dahil sa karamdaman.

"H-hindi totoo yan mom! Hindi halimaw si Sirene. Mabait s'ya. Gusto mo lang kaming paghiwalayin!"

Agad akong umalis at dumeret'yo sa lawa. Ngunit bago 'yon ay may isinigaw na kataga ang mom ko.

"Mark! Wala na akong pakealam. Bukas na bukas papatayin ko ang halimaw na 'yan magsasama ako ng mga tauhan!"

--------

"Bakit ka malungkot Mark?" Sirene suddenly asked.

"Totoo bang ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng dad at kapatid ko?"

"M-mark."

"Just answer my question."

"O-oo pero Mark noong una wala akong alam na bawal ang ganitong pag-ibig. Minahal ko ang dad mo, oo pero wala pa akong alam noon sa mangyayari kaya namatay s'ya. At 'yung sa kapatid mo hindi ko rin sinasadyang mahulog ako sa kan'ya, naghanap ako ng maaring paraan para hindi maging bawal ang ganitong pag-ibig pero hindi ako nagtagumpay sa nahanap kong paraan kaya't namatay din s'ya."

"And Mark, I really love you wag mo sana akong iwan ng dahil doon, hindi ko kayang mawala ka."

"I love you too, but this love is forbidden, so how could we find happiness if there's a possibility na mamamatay ako kung magsasama tayo?"

"Nakahanap na ako nang mabisang paraan. Nagtanong tanong din ako sa ibang magagaling na manggagamot sa amin. At alam kong magtatagumpay ito, trust me Mark."

"Susugudin ng mom ko ang lugar na ito bukas, anong gagawin natin?"

"Magsama na tayo Mark. Mamayang gabi dito. Sumama ka sa akin. Magtiwala ka."

Pumayag ako sa gustong mangyari ni Sirene.

Kinagabihan ay nagpunta ako sa lawa. Nakita ko agad s'ya. Umiiyak s'ya at kita kong sobrang saya n'ya.

"Thank you Mark. Sayo ko lang naramdaman ang ganitong pag-ibig. Ibang iba ito. Hulog na hulog ako sayo." Lumusong ako sa tubig at niyakap s'ya.

"Shh, I love you."

"Are you ready?" She asked.

"Yes." And with that, hinila n'ya ako pailalim sa lawa. Agad n'yang hinalkan ang mga labi ko at kailangang huwag kaming bumitiw hanggat 'di kami nakakaabot sa mismong lugar nila, ito daw kase ang paraang sinasabi n'ya.

Noong una ay ok ang pakiramdam ko, parang natural lang, parang walang pinagkaiba noong nasa lupa ako.

Ngunit patagal ng patagal habang palalim ng palalim ay may kakaiba akong naramdaman. Hindi ako makahinga. Parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan, tumagal ang ganoong pakiramdam sa akin at napapikit nalang ako.

"Mark! Mark! Mark!" Rinig ko pang sigaw ni Sirene, ramdam kong umiiyak s'ya.

"I thought ok na. I thought gagana na ang paraang ito. At first, I failed kaya't mas ginalingan ko ang paghahanap ng paraan, but still not enough."

"Akala ko magtatagumpay na but for the second time, I failed again. I'm sorry Mark. I love you so much. Thank you." Iyon na ang huling salitang narinig ko mula sa kan'ya at tuluyan ng nagdilim ang paligid ko.

For the last time, I just realized that we have nothing to do with fobidden love. Ang bawal ay bawal. Kaya kahit na ano pang gusto mo o kahit anong paraan pa ang gawin mo hindi mo mapipigilan ang magiging kapalit nito 'pag ipinagpatuloy mo pa ito sa dulo.

Sea Of TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon